Epilogue

466 33 5
                                    

AURORA BLANCO

Nanatili akong nakatulala sa kawalan matapos kong maalala ang pagkatao ko at ang nakaraan ko. Wala rito ngayon sina Carwyn at Dabria matapos kong hilingin sa kanila na gusto ko munang mapag-isa. Nakatigil ang oras sa lugar na ito kaya kung anuman ang nangyayari ngayon sa totoong mundo, labas muna ako roon.

Naririnig ko pa rin sa utak ang huling tanong sa kain ni Dabria. Ano nga ba ang dapat kong gawin ngayong alam ko na ang totoo? Saan na nga ba ako lulugar?

Bumangon ako mula sa kama at tinanaw ang labas ng bintana. Sinalubong ako ng malaking hardin at huni ng mga ibon. Tila sinasakop ng kanilang mga awitin ang buong luntiang kapaligiran. Samot-sari din ang halimuyak ng mga bulaklak na naaamoy ko. Nilanghap ko 'yon at nakaramdam ng panandaliang kapayapaan.

Isang pagkakamali, isang sumpa, at isang hiling ang bumago sa buhay ko. Ako ang gumawa ng sarili kong suliranin, kaya dapat lang na ako rin ang magwakas nito.

Pinikit ko ang mga mata ko at dinama ang pagyakap ng hangin sa aking balat. Naalala ko agad ang dalawang anghel na nagpunta dito. "Pwede na kayong bumalik."

Minulat ko ang aking mga mata nang maramdaman ang kanilang mga presensya sa silid. Hinarap ko na sila.

"I have decided." Ngumiti ako at lumingon kay Dabria. "Can you still reap my soul?"

Sumulyap siya sa'kin gamit ang kulay dilaw niyang mga mata at pinadulas ang mga daliri niya sa lila niyang buhok.

Umiling siya. "Missed the chance, babe. Hindi ko na kayang kunin pa ang kaluluwa mo."

Tumango-tango ako. "Pero bakit?"

"Your memories came back," simpleng saad niya. "Before, you were just an empty soul who just conquered her curse kahit hindi mo naalala. But now, the ties you had with the devil and the angel have been awakened. Hindi ko na kayang putulin 'yon.

"There are only two deities who can help you out of your position," singit ni Carwyn. Tila may ideya na ako sa susunod niyang sasabihin. "The Creator or the Downworlder."

"God or Lucifiel..." banggit ko.

Tumingin muli ako sa labas ng bintana at hinaayang tangayin ng hangin ang aking mga emosyon. "Kung ganoon," giit ko at ibinalik ang tingin sa kanila. "Ibalik niyo na ako kay Raphael."

Nakita kong tumaas ang kilay ni Dabria at inalis niya na ang pagdekwatro. Nakita ko siyang napairap at umuwang ang bibig.

Seryoso ka ba riyan?" hindi makapaniwala niyang saad. "Despite all that effort to make you remember everything, you stil want to go back to him?"

Tumingin muna ako kay Carwyn at nakita kong iniwasan niyang magtama ang aming mga titig. May kumirot sa loob ng puso ko nang makita ang mga luhang nagbabadya sa gilid ng kaniyang kulay rosas na mga mata. Gusto ko siyang lapitan at yakapin, sabihin na magiging ayos lamang ang lahat, subalit hindi na namin pwedeng ipaglaban 'tong nararamdaman namin.

Hindi kami pwede.

Ibinalik ko ang tingin kay Dabria. "Oo."

Nakita ko siyang bumuntong-hininga, tila sumusuko na at hinahayaan na ako sa desisyon ko. Inikot niya ang kaniyang kamay at may lumabas mula rito ang isang paru-paro. Pinalipad niya ito tungo sa'kin.

"Mag-ingat ka, Aurora."

Nang dumapo na sa'kin ang paru-paro ay nabalutan na ako ng itim na anino. Ngumiti na lamang ako sa kaniya at sinulyapan si Carwyn bago ako tuluyang maglaho. Marahil hindi pa nila naiintindihan ngayon kung anong plano kong gawin, pero alam ko na sa paraang ito lang kami matatahimik.

Pain ReaperTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang