Chapter 20: Memories of Torment

328 33 6
                                    

AURORA BLANCO

Disclaimer: Prepare yourself for R-13 content.

Mula sa kadiliman ng silid ay may naramdaman akong presensya. At habang nakatayo ang isang babaeng nasa aking harapan na nakatitig sa akin gamit ang kaniyang lilang mga mata, ginamit ko ang buong pwersa ko upang makapagsalita.

"Raphael? Nandiyan ka ba?" tanong ko, pinipigilan ang sariling mautal. Una kong nakita ang kulay pula niyang mga mata nang siya'y lumisan sa kaniyang pinanggalingan.

Ang kadiliman.

Blangko ang mukha nito; hindi tulad ng nakasanayan kong masiglahin na familliar na lagi akong kinukulit bawat segundo. Dahan-dahan siyang ngumisi saka naglakad papalapit sa akin.

Hindi ko alam subalit tila ba gusto kong lumayo sa kaniya. Para bang natatakot ako na sa oras na maglapat ang aming mga balat, madudurog ako.

"Aurora..." banggit niya sa pangalan ko gamit ang nakakapangilabot na tono. Kusang kumilos ang mga paa ko at tumakbo papalayo. Tila ba hindi ko kontrolado ang pagbalanse ng katawan ko kaya ilang beses akong halos madapa at masubsob sa mga bagay na naririto sa kwarto. Ang mga librong nakahanay sa lamesa na masagana sa alikabok, ang ilang mga vase, at ang mga damit na hindi ko alam kung bakit pamilyar sa akin.

Patuloy akong naghahanap ng pinto—ng daan para makalabas. Hindi na ako komportable sa sitwasyon ko ngayon.

Si Raphael, hindi ko man siya makita ngayon gamit ang mga mata ko pero nararamdaman ko pa rin ang presensya niya sa silid. At ang babae...

Ang babae na nakatulala lamang sa akin, sinusundan ang aking bawat galaw na tila ba ako'y isang pelikula na kaniyang pinapanood. Wala siyang ginagawa kun'di titigan ako. Hindi ko alam kung bakit ako nakararamdam ng takot.

Wala na talagang tama sa mga nararamdaman ko.

Patuloy akong naghanap ng pinto sa kadiliman. Kapa rito, kapa roon. Patuloy ako sa paghahanap sa isang bagay na hindi ko alam kung mayroon ba talaga o wala. Gayunpaman, kailangan kong makalabas dito, at lahat ay gagawin ko upang maisagawa 'yon.

Ipinadaan ko ang kanang kamay ko sa kaliwang braso at nagkaroon ito ng liwanag. Lumabas ang grimoire ko na nakakadena rito. Binuksan ko ito at naghanap ng spells na pwede kong magamit upang makalabas. Buti na lamang at may sariling liwanag ang grimoire ko kaya hindi ako nagkakaroon ng problema makita ito sa dilim.

Napangiti ako nang makakita ako ng isang spell. Babanggitin ko pa lamang ito nang biglang may mga brasong humila sa akin at ibinalibag ako sa pader.

Napadaing ako sa sakit at napahugot ng hininga. Nanlabo bigla ang aking paningin pero naaninag ko pa rin kung sino ang nasa aking harapan.

Sino nga bang makakalimot sa mahaba niyang buhok na itim at pula niyang mga mata? Isama pa ang maputla niyang balat na tila ba siya'y uhaw sa dugo.

"Raphael..."

Napahigpit ang hawak niya sa magkabila kong pulso na pilit niyang idinidikit sa may pader. Sinubukan kong magpumiglas subalit tila hinigop niya lahat ng lakas ko at ako'y daliang nanghina.

Napakagat ako sa ibabang labi ko."Anong nangyayari, Raphael? Bakit dito mo 'ko dinala? Sino ang mortal na tumawag sa akin rito sa mundong ito?" Tinitigan ko siya diretso sa kaniyang mga mata. "Sino ang babaeng 'yon? Bakit kamukhang-kamukha ko siya?"

Binitawan ni Raphael ang aking kaliwang pulso at hinimas ang aking mukha. Hinawakan niya ang parehas na kamay ko sa ibabaw ng aking ulo habang ginagawa niya 'yon.

Kailan pa siya naging ganito kalakas?

At bakit parang ako pa ang natatakot sa kaniya?

"Wala ka ba talagang naalala, Aurora?" tanong niya at hinawakan naman ang labi ko. Sinubukan ko ulit magpumiglas.

Pain ReaperWhere stories live. Discover now