Chapter 10: Cupid's Arrow

637 54 21
                                    

AURORA BLANCO

Pagbalik ko sa Quadrangle ay andoon pa rin ang Nexus Hearts. Ang kaibahan lang ay nagpapahinga na sila sa stage. Lumapit na lang din ako kay Dabria dahil siya lang naman kilala ko rito habang hindi parin inaalis ang tingin doon sa sinasabi ni Raphael—walang iba kung hindi ang bass player na si Airis Redel.

"Babae rin ba type mo?"

Tinaasan ko agad ng kilay si Dabria nang bigla siyang magsalita. Para sa isang anghel, napakatuso ng isang ito. Halos parehas sila ng ugali ni Raphael.

"Ang taray nito! Bakit ka ba kasi nakatingin doon sa bass player? Mas hot kaya 'yong nasa drums," pagpupumilit niya pa. Napabuntong hininga na lang ako. Magkukunwari na lang ako na wala akong naririnig at hangin lang ang katabi. Baka sakaling tumigil pa siya sa pakikipag-usap sa akin.

Subalit salungat ang ginawa niya sa iniisip ko. Naramdaman ko ang pasimple niyang pagdikit sa akin at ang hininga niya sa tenga ko. Agad akong kinilabutan sa pagkakalapit namin.

"May bibiktimahin ka na naman ba?" nagbabantang tanong niya. Bago ko pa man siya lingunin ay nakuha agad ng atensyon ko ang paru-parong dumapo sa may balikat niya. Tinignan ko ang mukha niya at napansin ko rin ang pagbabago ng kulay ng mga mata niya. Ang dating kulay kape ay naging kasing kulay ng araw habang isang linya lamang ang kaniyang mga labi.

Mukhang naging seryoso ang isang 'to. Ngumisi ako. "Paano kung oo? May magagawa ka ba?"

"Huwag mo 'kong simulan." Tumingin siya sa'kin at inabot ang pisngi ko. Humigpit ang hawak niya. "Baka patulan kita."

Tinapik ko agad ang kamay niya palayo at nakita ko lang siyang ngumiti nang napakalapad.

"Kung ako sayo, magiingat at maghihinay-hinay na ako." Tumayo na siya at pinagpagan ang suot niya. "The Angel Of Love might captivate you again."

Hindi niya na ako inintay pang tumugon matapos niyang pakawalan ang mga katagang 'yon. Pinanood ko lang siyang maglakad papalayo hanggang mawala na siya sa paningin ko.

Again?

Cupid and I never met each other; not even once! Ano na naman bang sinasabi ng Dabria na 'yon? Kahit anong mangyari, hindi ko maisip ang sarili ko na mahumaling sa isang anghel. I despise them to the core and nothing could ever change that.

"I'll just go and get my other bass for this."

Napunta sa iba ang atensyon ko nang mapansing kong nagpaalam si Airis. Hindi rin naman ako nagsayang ng oras at agad ko siyang sinundan. Both Dabria and Raphael are telling me to halt my schemes but I could not waste an opportunity like this. Kung totoo ngang natunton na ako ni Kupido pero wala pa rin siyang ginagawang aksyon para harapin ko, hindi ba't mas magandang abusuhin ko na lang muna ang pagkakataon?

Yeah, great thinking, Aurora. As always.

Dumiretso si Airis sa music room at pumasok dito. Mabuti na lamang ay hindi niya sinara ang pinto kaya malaya rin akong nakapasok. Naabutan ko siyang pinapaltan ang strap ng isang bass niya Sinarado ko naman ang pinto sa likod ko at agad 'yong ni-lock. Tumaas ang balikat niya at akmang lilingon tungo sa direksyon ko nang mabilis akong naglakad at hinawakan agad ang ulo niya.

"Do not look at me," I stated. I felt her body stiffened upon hearing the tone of my voice.

"S-sino ka?" tanong niya.

"You do not need to know who I am. I'm here to help you take away your pain."

"Don't make me laugh," she gnashed her teeth. "This pain is an abyss. Hindi ito kailanman magwawakas."

Pain ReaperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon