11

2.5K 177 3
                                    

Richard's

Simula ng recess, di na niya ako sinimangutan. Pero mukhang malayo naman siya. Kinakausap naman niya ako ng di na galit kaya lang pansin kong malayo siya. Lagi lang siyang nakadikit sa mga babae. Kundi kay Joymie, kay Giessa o kaya kay Alex. Minsan nandoon siya kay Lara para tulungan itong ayusin yun attendance ng klase. Siya kase ang assistant secretary ng klase namin. Ganunpaman, hinayaan ko na din muna. Di pa naman kami gaanong close. Si Leo lang ang natira sa tropa kase nga nagtryout sila Zac. Kaya nakinig lang kami. Walang kapaguran ang mga kaibigan ko kase may practice pa mamaya kala Luiz para sa PE. Ewan ko kung may lakas pang magpractice ang mga iyon.

"Guys, doon na rin kami nila Giessa magpractice. Tutal wala naman kaming kagrupo sa oposisyon. Isa pa magkakaiba tayo ng theme. Kayo ballroom? Kami hiphop at kala Giessa yun ethnic." Sabi ni Alex.

"No problem, Alex. Sabihan ko si Luiz mamaya. Dala na lang tayo ng cake para kay Tita. Kakahiya, ang dami nating magpractice doon." Sabi ni Joymie.

Wala pang isang linggo, may mga kaclose na talaga ako. And masaya pa silang kasama. Cool kids talaga.

"Maine, nagsabi ka ba sa Nanay mo?" Tanong ni Leo.

"Oo. Pero sandali lang ako. Magbantay ako ng bahay. Kaya baka two hours lang ako."

"Okay lang. Basta makapractice ka kahit kaunti." Sagot ni Joymie.

"Pwede ba sabay na rin ako kay Maine pauwi mamaya? Wala na rin naman akong makasayaw kapag umalis siya." Sabi ko.

"Okay lang naman. Sige. Basta diretso na tayo kala Luiz. Matapos na din siguro yun tryout nila. Kanina pa kase iyon." Sabi ni Leo.

"Kawawa naman si Lara, napagrupo siya kala Monica." Sabi ni Giessa.

"Oo nga e. Bawal daw lumipat." Sabi naman ni Alex.

"Ganun talaga." Sabi naman ni Leo.

"Oy anong ingay yan? May pinapagawa ako sa inyo ah?" Sita ni Mam Mendoza. Ang teacher namin sa ESP.

"Wala ito inay. Yun practice mamaya kala Luiz ng sayaw para sa Mapeh iyon." Sagot ni Giessa.

"Okay. Akala ko kung sino na naman inaaway ninyo." Mabait din ang guro naming ito. Approachable talaga siya.

Napatingin ako kay Maine, kase nakatingin siya sa blackboard. Tinitigan ko siya. Bigla niyang tinanggal ang salamin niya dahil napagod na siguro ang mata niya sa taas ng grado ng salamin niya. Nung tinanggal niya ito, nakita ko kung gaano kaganda ang mata niya. Buti na lang di siya nakakakita ng singlayo nito, kundi baka nainis na naman. Napangiti ako. Maganda nga siya pero di niya alintana. Siguro kung may liligawan ako, siya na iyon. Mabait, maganda at matino pa. Pero dahil ayoko muna sa ganun, di na muna. Aral muna. Pangako ko kase kala Mommy iyon. And tutuparin ko ang pangako ko sa parents ko.

A/N Filler chapter lang po. Tomorrow na lang. Goodnight everyone!

My Wallflower Girl (Completed)Where stories live. Discover now