53

2.2K 166 5
                                    

Richard's

Bago nakatulog mag-aalas kwatro na. Binalikan ang mga naganap kanina lang. Kung paano kami nakapag-usap at nabigyan ng pagkakataon na magkasama dahil umalis ng maaga si Chona.

Paano ko nga ba sasabihin kay Chona na kailangan ko na din siyang hayaan na makipagkaibigan sa iba sa school. Isang buwan na lang ay magkakahiwalay na rin kami dahil magcollege na kami. Nakapili na ako ng eskwelahang papasukan at siya ay lilipat din kaya dapat masanay na siyang mag-isa. Ayoko din naman na mapabayaan ang nalalabing isang buwan namin ni Meng na di magkasama dahil lang sa laging nakadikit si Chona sa akin. Napagkakamalan na nga kaming magsyota dahil napakaclingy niya sa akin. Nakakasakal din naman. Si Meng ang gusto kong kasama at hindi siya. Mamaya maagaw pa si Meng ng mga tulad ni Ejercito. Kita ko kase ang pagkagusto nito dito. Bagay na ayokong mangyari. Kaya kailangan ko ng gumawa ng paraan. Kaya lang ay paano?

Nakatulog ako ng mahimbing sa pag-iisip kung ano ang gagawin ko. Siguro mas mainam na sabihin na lang sa kanya ang totoo na girlfriend ko si Meng. Para na rin di siya magulat kung sa iba pa niya malalaman.

Nagising ako ng bandang 10:30. Sobrang puyat. Pero ang una kong naisip ay tawagan si Meng.

"Good Morning. Kamusta ang tulog?"

"Okay naman. Ikaw?"

"Ayos din lang. Ang saya kagabi no? Sana di na lang natapos ang gabi para lagi tayong magkasama."

"Shh...Mamaya may makadinig sayo diyan sa inyo."

"Ako lang mag-isa sa kwarto. Kaya walang makakadinig."

"Oo na. Kumain ka na ba ng breakfast?"

"Hindi pa ako lumalabas ng kwarto. Gusto ko kase muna makausap ka."

"O sige na kumain ka na. Mamaya na lang tayo mag-usap. Tutulungan ko pa si Yaya na maglinis sa baba."

"Sige. Huwag kang pakapagod. I love you!"

"Labyu! Sige na. Baka madinig ako ni Ate Coleen. Nasa bathroom lang iyon." Ibinaba na niya ang telepono.

Masaya ang araw ko. Sana lang magkalakas na ako ng loob na sabihin kay Chona na may Menggay na ako kaya kailangang pabayaan ko na siyang makipagkaibigan sa iba para naman makakilos kami ni Meng ng maayos. Balak ko na rin magpaalam sa Nanay at Tatay niya na manliligaw ako. Hihintayin ko lang grumaduate kami ng high school. Gusto ko rin kaseng ipakita sa magulang ni Meng na seryoso ako sa anak nila at handa akong ipakita ang tunay na intensiyon ko kay Meng. Gusto kong maging legal kami sa mga magulang namin. Sasabihin ko na rin kala Daddy at Mommy para naman hindi na isipin ni Mommy na pwedeng kami magkatuluyan ni Chona. Imposibleng mangyari iyon dahil di ko naman talaga gusto ito.



•••••

Lunes.

Balik eskuwela. Di magkanda- ugaga ang lahat sa pagkwekwentuhan dahil sa naganap na JS Prom. Ang sarap nga naman balikan.

Kanina di sumabay si Meng kase isinabay daw sila ni Dean ng kuya niya papasok. Kaya di na rin namin siya dinaanan dahil magtext siya.

Pagdating sa school naman hinanap ko kaagad siya. Nandoon sa isang sulok kasama si Joymie. Mukhang seryoso ang usapan nila.

"Meng, Jujoy. Seryoso ata usapan ninyo?"

"Ano lang sa school requirements namin sa UP. Kinuha na kase namin yun mga kailangan. Nasa Website nila. Eh ikaw, saan ka nga ba papasok?"

"Sa Don Bosco diba? Pero pumasa rin ako sa Mapua."

"Wow! Engineering talaga kukunin mo?" Sabi ni Joymie.

My Wallflower Girl (Completed)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant