79

1.8K 135 14
                                    

Maine's

It's already past eight in the evening pero di pa rin bumabalik si Chard. Aba nagpakagalit? Ang babaw ha!

Kaya naman I went out after taking a quick shower and change of clothes to look for him. Nagugutom na rin ako.

Wala siya sa lobby, wala rin sa dining hall. Where can he be? Lumabas ako at naglalakad-lakad. Nakita ko sa malayo na may mga mangilan-ngilang tao na nasa tabing dagat. Baka nandoon si Chard.

As soon as makalapit ako, I saw him standing at the beach side laughing at his friends habang ang ilang kaibigan niya ay nagswiswimming sa dagat. He was in his board shorts without a shirt on. Papalapit na ako ng umahon yung Stacey at pilit hinila si Chard sa tubig. Then I saw how she put her arms around his neck. Natigilan ako. Is this some kind of a joke? Hindi ko na itinuloy ang paglapit ko at nanatili na lang ako sa kinatatayuan ko. Then he saw me. I took of. Mabilis akong tumakbo pabalik sa room namin. I was crying. Hindi ako pwede magkamali sa nakita ko. Kaya pala di ako mapakali sa Stacey na iyon. I need to get away. I need to be far from here.

Buti na lang hindi ko pa nailalabas ang lahat ng gamit ko sa travel bag ko. Mabilis kong inihulog ang mga gamit kong nakalabas and I immediate went out of the room. Paglabas ko, nandoon na si Chard. Hinihingal pa siya sa pagtakbo para habulin ako.

"Saan ka pupunta?"

"Aalis na ako."

"Wala lang yun. Ganun talaga siya sa amin."

"Wala akong pakialam."

"Mag-usap tayo Meng."

"Ayokong kausapin ka. Let me go."

"No way! Aalis na ako dito. At huwag na huwag mo akong susundan!"

"Hindi ka aalis! That's a command!" Tinabig ko siya at itinuloy ko ang pag-alis ko. Pero matigas siya na hindi ako paalisin. Kaya naman binitbit niya ako. Ipinasok sa kwarto namin. Umupo siya sa tapat ng pintuan para di ako makalabas.

"Palabasin mo ako kung ayaw mong bugbugin kita!" Banta ko.

"Wala lang ang nakita mo! Wala kaming relasyon! Makinig ka naman."

"Hayup ka! Kaya mong gawin sa akin yan samantalang lumabas lang ako ng kwartong ito ng walang paalam, parang ang laki na ng kasalanan ko sayo! Gago ka!"

"Huwag kang magmura!"

"Wala kang pakialam!"

"Meng makipag-usap ka naman ng maayos. Wala lang yun. Di kita ipinagpapalit."

"Ayoko na! Chard, tama na! Hindi na tayo pwedeng magkasama!"

"Bakit? Mahal kita at mahal mo ako. Anong problema doon? Bakit di na tayo pwede? Diba hinintay nga natin ito? Ikaw na lang ang kulang sa sagot. Pakakasalan na kita diba?"

"Hoy! Di mo pa ako niyaya! Sinasabi mo lang na sumama ako sa Amerika. Yun lang! Wala ka ng sinabi pang iba!"

"Ganun din yun. Sabi ko sayo makakasama lang kita kapag kasal na tayo!"

"Wala kang ginawang proposal! Inuutusan mo lang ako! Ni hindi mo ko tinanong kung gusto ko sa Amerika! Nagdesisyon ka mag-isa!"

"Sorry. Pero alam mo naman na para sa atin iyon ginawa ko! Kaya huwag mong sabihin na di kita naisip sa desisyon ko!"

"Chard, ayoko na. Tama na. Di ako magreresign. Ayoko ng sumama sayo sa Amerika. Pwede ka ng humanap ng iba. Doon ka na sa Stacey na yun. Okay na ako. Hayaan mo na lang ako."

"Ganun na lang yun? Susuko ka na lang?"

"Tama na. Ayoko ng makipag-away sayo. Pabayaan mo na lang akong umalis. Please, nakikiusap ako sayo."

"Sasayangin mo na lang basta yung mga pinaghirapan natin mula pa ng high school? Balewala na lang ba sayo yung pinagsamahan natin? Hindi ko kaya! Alam mo naman na ikaw lang ang mahal ko! Bakit? Eto lang? Nakita mo lang na napayakap si Stacey sa akin?"

"Hindi lang yun! Ayoko na kase ayokong umalis sa trabaho ko! Ayoko na kase ayoko ng inuutusan mo lang akong gawin ang mga bagay na gusto mo kahit ayaw ko! Ayoko na kase hindi na ikaw yung Richard na kilala ko! Iba ka na!"

"Ako pa rin ito. Hindi ako nagbago."

"Sorry. Please, aalis na ako."

"Hindi ka aalis. Gabi na. Kung gusto mo, ako ang aalis sa kwarto na ito. Pero bago ko yan gawin, sagutin mo muna ang tanong ko. Mahal mo pa ba ako? Kase ako, mahal na mahal kita."

"Chard, hindi naman yun ang problema e. Mahal kita."

"E ano?"

"Ayokong pumunta sa Amerika! Ayoko ng panibagong buhay! Nandito ang pamilya ko, ang mga kaibigan ko at lalo na ang trabaho ko."

"Paano ako?"

"Sanay ka na naman na wala ako diba? Natiis mo nga ng apat na taon. Kung ikaw gusto mo doon sa Amerika, wala akong magagawa, sana maunawaan mo rin na mas gusto ko dito sa Pilipinas."

"Sigurado ka na? Sasayangin mo na yung hirap at pinagsamahan natin?"

Matagal ako bago nagsalita. Kaya ko bang sayangin? Naisip ko bigla ang nakita ko. Naisip ko ang mga pasya niyang ginawa na di ako kasali. Nabuo na ang desisyon ko.

"Oo. Sorry. Break na tayo."

A/N No Proofread.

Please hold on..

My Wallflower Girl (Completed)Onde histórias criam vida. Descubra agora