13

2.4K 184 4
                                    

Richard's

Pagkatapos naming kumain, niyaya ko muna siyang maggala. Maaga pa naman. Four thirty pa lang. Sabi ko magwindow shop muna kami. Ayaw pa niya nung una pero napilit ko din.

"Di ka ba hahanapin sa inyo?" Tanong niya.

"Di naman. Wala pa sila Mommy sa bahay. Si Lola Linda lang ang nandoon. E ikaw?"

"Hanggang six lang ako pwede sa labas. Kapag lumagpas ako doon, di na ako papayagan pa sa mga practice. Kaya umuuwi ako ng maaga lagi."

"Strict ba parents mo?"

"Bakit mo naitanong?"

"Pwede ka bang dalawin sa bahay?"

"Sino naman dadalaw?"

"I mean kung may manligaw sayo?"

"Di ko pa iniisip yan. Bata pa ako. Madami pa akong pangarap na gustong tuparin, bago ako maglovelife."

"A ganun ba? Pareho pala tayo. Ako din. Ayoko munang magkagirlfriend."

"So di ka pa nagkasyota?"

"Di pa. E ikaw?"

"Sa itsura kong ito? Hello naman diyan! Inaasar mo ba ako?"

"Di naman. Napakataray mo talaga!"

"Kase naman ang mga tanong mo, nakakainis. Nagtanong ka pa. Huwag mo ng usyusohin ang lovelife ko kase zero nga ako doon."

"Pero gusto mong magkaboyfriend?"

"Ayan na naman siya. Ang kulit ha."

"Di nga! Ano?"

"Bakit ba tinatanong mo? Ikaw ba?"

"If ever makita ko na yun babae na iyon, di ko pipigilan."

"Okay."

"Eh ikaw?"

"Maghintay siya kung talagang mahal niya ako. Pero kung hindi, huwag na lang."

"Tama ka naman. Aral muna diba?"

"Yeah right."

"Punta tayo doon sa Arcade. Laro tayo."

"Ayoko. Di ako marunong."

"Di naman sa computer games tayo maglaro. Dun tayo sa may nakukuhang mga stuff toys."

"Sige. Paunahan tayo sa pagkuha."

Nagpunta kami sa Arcade. Ang hirap namang manalo doon. Kaya nakita kong tumigil na siya. Umupo na lang siya sa isang tabi. Samantalang ako, seryoso sa ginagawa ko. Gusto ko talagang makakuha kahit isa. Maya-maya lang ay lumapit siya at sinabing uuwi na siya. Sakto namang nahuli ko iyong isa at nakuha.

"Meng, nanalo ako! Yes!"

"Wow galing naman!"

Pumapalakpak akong parang bata dahil doon.

"O tama na! Huwag ka ng magsaya. Uwi na tayo."

Naglakad na kami palabas ng mall. Sumakay sa jeep. At dahil madadaanan din ang bahay nila, sabay na rin kami. Inunahan niya akong magbayad kaya di na ako nakabunot ng wallet. Nakahanda na pala ang pambayad niya. Napailing ako. Ibang klaseng babae talaga siya.

Bago siya bumaba, inabot ko sa kanya ang maliit na stuff toy.

"Ano ito?"

"Stuff toy!"

"Asar! Alam ko. Para saan?"

"Sayo na. Kinuha ko talaga iyan para sayo."

"Pwes, salamat. O sige na dito na ako.. babye na."

"Bye." Bumaba na siya ng jeep. Nakita ko pa ng pumasok siya sa kanila kase hinabol ko siya ng tingin. Cute siya kaya lang di niya tanggap. Feeling ko, crush ko na siya. Kaya lang, aral muna. Hindi pa ako mag-girlfriend. Makakasira lang sa pag-aaral iyon.

A/N Later na po ulit!

My Wallflower Girl (Completed)Where stories live. Discover now