51

1.9K 149 14
                                    

Maine's

Alam mo yung buong gabi ang laki ng ngiti mo? Yung parang sasabog ang dibdib mo sa sobrang kilig? Yung wala kang nakikita kundi ang katabi mo? Yan ako! Ngayong mga oras na ito, isa lang ang nasa isip ko, si Richard lang. We were inseparable tonight. Kami na nga lang halos ang magkausap.

Di na ako naisayaw ni Jake dahil nakabakod si Mr. Reyes sa akin. Di niya magawang lapitan ako kase laging nakatabi si Richard sa akin. Pero okay na iyon, ayoko naman bigyan pa siya ng pagkakataong makapanligaw if ever. Di ko naman siya gusto at kaibigan lang talaga ang tingin ko sa kanya. Hanggang doon lang.




•••••

Bumalik na si Joymie sa lamesa namin matapos niyang makipagsayaw kay Zacky. Napansin kong medyo naiba ang timpla ng kaibigan ko.

"Joymie, bakit? Ano nangyari?"Tanong ko.

"Ayun nagsorry siya. Hindi pa daw siya sinasagot nung Fatima dahil respeto na rin sa akin pero humingi siya ng tawad sa akin. Hindi daw naman niya sinadya na mahulog kay Fatima. Ito daw kase ang nakikinig sa kanya kapag nag-aaway kami. Nakakalungkot lang kase ganun na pala ang problema, hindi niya pa rin sinabi sa akin na ganun na pala nararamdaman niya."

"E anong sabi mo?"

"Wala. Sinabi ko lang na sinaktan niya ako. Niloko niya ako."

"Tama na yun. Huwag mo ng isipin."

"Ano pa nga ba? Matapang naman ako diba? Di naman ako nasasaktan e! Hindi naman ako apektado!" Naluluha na siya ng mga oras na sinasabi niya iyon sa akin.

"Shhhh... Tama na. Magiging okay din ang lahat."

"Akala ko kaya ko na Meng. Akala ko matapang ako at wala lang sa akin iyon. Pero nung siya na mismo nagsabi na hindi na daw niya ako mahal, ang sakit pala. Gusto kong sumigaw." Kwento pa niya.

Naawa ako kay Joymie. Kaya sinabi ko kay Richard na samahan namin muna ito. Sila Giessa naman ay busy sa kani-kanilang partners. Pati si Alex at Lorgie ay di mapaghiwalay. Akala mo nga magsyota na sila pero wala naman. Nakakatawa na kung sino pa ang mga akala mo na may karapatan sumaya sa lovelife, sila pa ang hindi. Tulad ni Joymie. Paano kaya kapag nangyari sa amin ni Richard iyon?Matapang din kaya akong harapin? Isipin ko pa lang, sobra na akong nasasaktan. Paano pa kaya kung mangyari? Tunay na kapag mahal mo ang isang tao, mahirap siyang alisin sa isip at puso mo. Kaya awang-awa ako kay Joymie.

"Ladies and Gentlemen, may I have your attention please." Sabi ni Sir Culang.

"Finally, the moment of truth. Tonight, we will know this year's Prom King and Queen. Let us call on again the top ten Mr and Ms. Juniors and Seniors. Guys, lumapit na kayo dito."

Inalalayan niya ako papakyat sa stage. Lahat kami na kandidata at kandidato ay nakaabang sa pagtawag kung sino ang tatanghaling Prom King and Queen.

"First off, the Prom King muna tayo. Our Prom King is...." Pigil hiningang inaabangan namin kung sino ang Prom King.

"Mr.Jake Ejercito.."
Lumapit siya sa harapan.

"Ang mapipili nating Prom King and Queen ay magsasayaw sa harap para sa pormal na pagpapakilala bilang bagong Prom King and Queen. At ang mapalad na nagwagi bilang Prom Queen ay si..."

Kinakabahan kami lahat. Huwag naman sana na ako ang matawag. Di ko iyon gusto. Iba na lang. Tutal naman ay di nanalo si Richard.

"Our Prom Queen is... Andi Garcia from the Juniors." Nakahinga ako ng maluwag. Si Richard ay ganun din. Bumaba na kami sa stage. Sa wakas nakapili na sila.

They danced to a sweet song. Pero kita ko na sa akin siya nakatingin. Di ako ngumiti para di naman siya maoffend. Tumango na lang ako.

"Guys, tara pahangin tayo sa labas." Yaya ni Alex.

"Sige. Kakatamad na dito. Di man lang ako napili samantalang mas gwapo ako kay Ejercito! Badtrip!" Sabi ni Lorgie.

"Yabang mo naman!" Sabi ni Cabiltes.

"Bakit? May ipagyayabang naman ako ah?"

"Saan banda?" Si Lara.

"Tama na yan! Lorgie mahiya ka nga!" Awat ni Alex.

"Saan tayo?" Tanong ni Richard.

"Magcoffe tayo sa Coffe Shop. Meron diyan sa may lobby ng hotel." Sabi ni Lara.

"Good. Huwag na tayo bumalik. Nakakainip na doon." Dagdag ni Luiz.

"Tsk! Kayo kaya nakarami ni Lara. Halos nakarugby na kayo sa isa't-isa!" Sabi ni Giessa.

"Huwag ka nga!" Si Luiz.

"Pare, huwag mong ganyanin Gf ko ha!" Si Leo.

"Joke lang naman kase!" Si Luiz.

"Umayos ka ha! Sasapakin kita!" Sabi naman ni Giessa.

Nagtawanan kami. Si Richard nasa likod ko lang. Parang bodyguard ko na ayaw akong tantanan.

"Okay ka lang ba?" Tanong ko sa kanya.

"Okay lang."

"Sasama ba tayo sa kanila?"

"Sige. Napapagod na din ako dito. Kanina pa nakatingin sayo yung Ejercito na iyon e. Nakakalalaki."

"Shhh.. Huwag mo ng pansinin."

"Sinabi mo e." Inakbayan na niya ako at magkakasama kaming umalis para pumunta sa coffee shop. Kahit naman nakagown kami ay tumabay kami sa kapehan.

"Isuot mo ito. Giginawin ka." Ibinigay niya ang coat niya sa akin.

"Salamat. Pero ikaw?"

"Long sleeves naman ito. Okay lang."

Nakakatuwa. Ang bango ng jacket niya. Nakadikit na sa ilong ko. Ito pang lalaking ito ay di tinatanggal ang pagkakaakbay sa akin. Talagang ipinagsisigawang s kanya lang ako. And proud ako.

Sana lang lagi na lang ganito. Sana wala ng Chona na eeksena.







A/N No proofread.

My Wallflower Girl (Completed)Where stories live. Discover now