77

1.9K 147 5
                                    

I don't feel like going out. So I will update na lang.

Maines's

After niya akong ihatid, I feel like I need to think about all the informations he said. He had plans na pala to work in the States and he wants me to go with him. Pero ganun ba iyon kadali? I mean I thought he wants to stay here for good pero he was offered a really good job sa Amerika. And if I were in his place, I'd take it without thinking twice. Alam kong malaking desisyon iyon on his part and I know he was thinking about me and our future kaya he took the chance. So bakit ako magagalit sa kanya? I was expecting it already. Matalino si Chard and I know he can impress other people.

Kaya lang ang problema, ako. Kaya ko ba yung malayo sa pamilya ko? I mean am I ready to take that leap of faith with him? I know I love him and that's for sure. So what's the big question mark that is lurking inside my mind? I don't know.

He texted me na nasa bahay na siya. I just said my goodnight tapos I told him na matutulog na ako so that he won't call na. I wanted an alone time tonight. Ni hindi ko nga tinignan yung mga dala niyang pasalubong. I just set it aside. Bukas ko na lang titignan kapag nasa mood na ako. Sa ngayon, ang desisyon ko ang iniintindi ko. Malaking desisyon iyong gagawin ko and I want to make it right. Weigh all possible scenarios and then decide. Basta hindi pwede padalus-dalos. Mahirap ng magsisi.

I will ask my parents reagrding that matter. Alam kong makakatulong sila sa akin.

•••••

The following day, Richard was so early. Di pa ata ako gising nasa bahay na siya.

"Good Morning, Menggay." Bati niya sa akin.

"Anong ginagawa mo dito ng ang aga?"

"Masama bang namimiss ko ang girlfriend ko?"

"Meng, kumain ka na muna. Tapos na kami nila Richard. Maaga ang batang itong dumating." Sabi ni Nanay.

"Sige po."Umupo ako sa tabing silya ni Richard. Sila lang kaseng tatlo nila Tatay at Nanay ang nasa komedor. Tulog pa si Dean.

"Anak, ipinagpaalam ka ni Chard na pupunta kayo ng Boracay. Samahan daw ninyo yung mga kaklase niyang Amerikano."

"Tay, teka may trabaho ako."

"Diba napag-usapan na natin iyon kagabi?" Tanong ni Richard.

"Kelan ba iyon? Di ako basta makaka-oo. Magpapaalam pa ako sa boss ko." Totoo naman. Pero alam ko naman na kasama talaga ako sa Boracay na iyon kaya lang di ko na nga naitanong kagabi kay Chard ang tungkol doon kase napag-usapan na yung offer niya sa Amerika.

"Ayaw mo ba?" Tanong niya. Nakatingin lang sa amin sila Tatay.

"Gusto naman. Kaya lang kailan ba? Magpapaalam na muna ako sa boss ko."

"Kahapon sabi mo tapos mo na lahat yun topics sa show. And icover ka na lang nung kasama mo sa trabaho. Bakit ngayon kailangan mo pang mag-isip?"

"Sorry. Oo nga pala. Kelan ba? Para matawagan ko na yung boss ko?"

"Mamaya na."

"Ha? Teka anong oras ang flight natin?"

"Mamayang five ng hapon."

"Jusko! Sandali tatawag na ako kay Mara para alam niya. Ilang araw ba tayo doon?"

"Five days."

"Hindi ako pwede ng ganun katagal. 3 days lang ako pwede."

"Yun three days mo from Monday to Wednesday. Yun today at tomorrow ang pang five days."

"Hay.." Tumayo na ako. Umakyat para kunin ang phone ko. Doon na rin ako tumawag. Actually marami akong tinawagan. Mahirap ng ma-AWOL.

Nung bumaba ako, seryoso ang usapan nila Tatay.

"Okay na. Nagpaalam na ako." Sabi ko.

"Meng, nagsabi nga pala itong si Richard na balak ka niyang isama sa Amerika. Kagabi mo lang daw nalaman. Gusto mo bang pumunta doon?"

"Ha?" Inunahan pa niya talaga ako.

"Okay lang sa amin ni Nanay mo. Tutal malaki ka na at nakatapos. Pero ikaw pa rin masunod."

"Tay, nag-iisip pa po ako." Tinignan ko si Chard. Naiinis ako sa kadaldalan ng lalaking ito. Di pa nga ako nakaporma ng pagsasabi kala Tatay, inunahan na ako.

Hinawakan niya kamay ko at pinisil.

Nanahimik lang ako.

"O paano, pupunta na kami sa tindahan. Mag-iingat kayo sa biyahe. Pasalubong anak." Paalam ni Tatay.

"Anak, ibili mo ako ng Sarong ha." Si Nanay.

"Sige po."

"Tito, Tita, salamat po sa pagpayag.  Alagaan ko po ang misis ko."

"Chard! Masasapok na kita! Inuunahan mo ko!" Sabi ko sa kanya.

"Shhh. Huwag na kayo mag-away." Pahabol ni Tatay. Natatawa ang loko pati sila Tatay.

"Bakit ba? Ayaw mo ba?"

"Chard naman kase. Sandali lang. Nagmamadali ka. Di ba pwede mag-isip na muna? Gusto kong makasama ka. Kaya lang yun work ko, naiisip ko din yun."

"Mas importante ba iyon kaysa sa akin?"

"Importante ka sa akin. Pero may buhay din ako. Bago pa lang ako sa trabaho. Hindi mo ba naiintindihan yun pakiramdam ng fulfillment? I mean hirap na hirap akong mag-apply. Ang dami naming nagbaka-sakali pero ako yun pinalad. Kaya nga pinagbubutihan ko yung trabaho ko."

"Eh paano naman ako? Ayaw mo ba na makasama ako?"

"Gusto ko. Pero yung biglang pagbabago ng plano, teka lang. Mag-iisip muna ako. Di ko pa naman sinabi na ayaw kong sumama."

"Kelan pa?"

"Kala ko ba di ka nagmamadali?"

"Hindi nga. Pero kailangan ko ang sagot mo bago ako bumalik sa Amerika. Kailangan makasal tayo para maayos ko na rin yun papers mo."

"Give me three days. Three days to think about it. Di na muna ako mag-decide today. Ayokong magkamali."

"Sige. Pero three days lang Babe. No more, no less."

"Jusko! Ang demanding mo!"

"Kase it's about our future. Importante sa akin iyon."

"I know. Pero naman sana maunawaan mo rin ako."

"Why is it parang di ka payag sumama sa akin sa Amerika? Feeling ko ayaw mo. May mga hang ups ka."

"I'm just being careful. Alam mo naman na di ako padalus-dalos. I see to it na sigurado ako sa gusto ko."

"Pero bakit ganun ang feeling ko?"

"I don't know. Isa lang ibig sabihin niyan, you don't trust me."

"No it's not! I trust you! Ang dami ko kaseng takot."

"Basta give me three days. On the third day, whatever na maging desisyon ko, I hope we will still be the same. Enjoy na lang muna natin yun ngayon. Yun magkasama tayo. Pwede ba iyon?"

"I guess so. Mag-ayos ka na ng gamit. Samahan kita sa taas."

"Loko! Umuwi ka na muna.Tawagan kita kapag nakaayos na ako."

"Wala akong gagawin. Nakaayos na ako. Sige na samahan lang kita."

"Makulit!"

"Tignan ko din yung swimsuit mo. Baka magdala ka ng sobrang sexy. Tama na sa iyo yung rush guard."

"Excuse me Manong! Huwag mong pakialaman ang gamit ko."

"Tara na."

Tinulungan niya akong mag-ayos ng gamit. Ang daming say ng lokong ito. Pero di naman siya makapiyok sa gusto ko.

I see myself doing this kapag magkasama na kami. Is it good or bad? I don't know. Marami pala akong dapat ikonsodera. Tulad ng pagbabawal niya at mga bagay na sabay na kami magdesisyon. Pero di ko nalilimutan na nagdecide siya without asking my opinion. Oo ng pala. Di ko pa siya naconfront tungkol doon. I will as soon as makapunta kami sa Boracay.

A/N No proofread

My Wallflower Girl (Completed)Where stories live. Discover now