35

2.3K 168 10
                                    

Hi mga readers. Sorry for not updating these past few days. I just am focus sa Sa Likod ng Kamera. Mauuna siya matatapos. Anyway, I missed you my dear readers nito. Thanks for patiently waiting.

Enjoy!

Maine's

We arrived at EK ng bandang alas dos ng hapon. Mainit kaya naisip namin nila Alex na pumunta muna sa isang food stall sa loob ng EK para makabili ng pamatud uhaw.

As usual nakasunod ang Ricardo.

"Anong order mo?" Tanong niya.

" Gusto ko ng malamig na coke."

"Yun lang? Ayaw mo ng burger?"

"Okay na iyon."

"Sige ako na bibili. Diyan ka lang ha. Hintayin mo ako."

"Opo."

Umalis na siya. Sumama siya kala Luiz na bumili ng maiinom naming mga babae. Si Joymie nagpabili na lang kase wala si Isaac para ibili siya.

"Ayos ka lang?" Tanong ni Lara kay Joymie.

"Oo naman. Bakit?"

"Wala lang. Ayun si Zac o, kasama yun Fatima. Di mo ba lapitan?"Si Lara pa rin.

"Ayoko. Bahala siya sa buhay niya. Di siya kawalan!"

"Jujoy, diba di pa kayo break? So dapat kausapin mo. Hindi yun ganyan." Si Giessa.

"Wala na nga akong pakialam sa kanya."

"Bahala ka! Mamaya maagaw nung Fatima iyon, wala ka na." Si Lara.

"E di sa kanya na! Hayaan na ninyo. Basta masaya ako kahit wala akong bf."

"Hala, sayang naman yun pinagsamahan ninyo." Ako naman nagsalita.

"Ganun talaga. Di mo masisiguro yan. Yun mag-asawa nga naghihiwalay, yun magsyota pa?"

"Kunsabagay. Pero sayang ang pinagsamahan ninyo." Sabi ko pa.

"Okay lang yun."

"Ang galing mo girl! Di ka apffected talaga?" Sabat ni Zymon.

"Bakit pa? Di ako magpapakagaga sa ganyan. Daming isda sa laot. Di lang siya lalaki no!" Matapang na sabi ni Joymie.

Napapaisip ako. Paano kung kami Richard ang magkaganun? Kakayanin ko rin kaya tulad ng tapang nito ni Joymie? I just hope hindi na lang mangyari. Ayoko. Kuntento naman na ako kay Richard. Ang tanong ay siya. Makuntento kaya siya sa akin?  Erase! Erase! Ayokong isipin. Nasasaktan na agad ako.

Nang bumalik na sila Richard, uminom lang kami ng softdrinks tapos nagsimula ng pumila sa mg rides na gusto namin sakyan.

"Doon tayo sa Space Shuttle." Sabi niya.

"Ayoko dun! Kakalula!"

"Dito naman ako o."

"E di ikaw na lang. Basta ayoko."

"Okay na. Baka mag-away pa tayo. Sige sa Carousel na lang."

"Realto na lang."

"Ayoko doon. Nakakatakot ang ipinapalabas."

"Duwag ka!"

"Hindi. Ayoko lang ng ganun."

"Sige na. Doon tayo."

"Ayaw."

"Ay.."

"Sige, sasama ako pero sasakay ka din sa Space Shuttle."

"Di na. Carousel na lang tayo. Hehehe."

"Madali akong kausap. Tara na."

Madami pa kaming sinakyan. Pero ang pinakamasaya ay nung nanalo siya sa isang game sa EK ng malaking Unggoy na manika. Ang saya kase siya lang ang nanalo at ibinigay niya iyon sa akin.

"Thank you!" Niyakap ko siya at hinalikan sa pisngi. Napatulala ang loko.

"Dapat pala manalo pa ako."

"Wala na tayong sasakyan. Ano itong mga unggoy na ito na lang ang uupo?"

"Kase may Kiss ako e."

"Mamaya bago umuwi, meron ka pa."

"Talaga?"

"Oo naman. Mamaya na. Tara doon tayo kala Alex. Napagod na ako."

Magkahawak kamay kaming sumunod sa mga kaibigan na namin na nagmeryenda sa Jollibee. Napagod din kase sila.

"Ako na manlibre ha?" Sabi ko.

"Ako na. Babae ka. Ako dapat ang gumagastos."

"Hindi. Dami mo ng nalibre sa akin ngayon. Ako naman. Hmp! Bawal ng magreklamo. Hawakan mo ito at ako bibili. Anong gusto mo?"

"Burger Champ with fries."

"Taray. Ang mahal ha!"

"Ako na kase."

"Joke lang. May pera ako. Binigyan ako nila Nanay at Kuya."

Bumili na ako ng pagkain namin. Nakasabay ko pa si Alex at Lorgie.

"Girl, bakit mo iniwan si Richard?"Si Alex.

"Siyempre, bibili ako ng food namin."

"Tignan mo o! Tumabi iyong isang babae, lumapit at nakipagkwentuhan na kay Richard." Sinundan ko naman ang turo ni Lorgie.

Nairita ako. Pero di naman siguro ako ipagpalit ni Richard doon.

"Baka akala nag-iisa si Richard." Sabi ko na lang. Napailing si Alex.  Di ko na lang ulit tinignan si Richard.

Matapos makabili, bumalik ako sa pwesto namin ni Richard.

"Sino yun kausap mo kanina?" Paglapag na paglapag ko ng tray namin.

"A, kababata ko. Dito rin pala siya." Tumango na lang ako.

"Asan na?" Tanong ko.

"Ah, umalis na."

" Eh bakit kinakabahan ka?"

"Wala. Ano ka ba?"

"Di nga?"

"Nagseselos ka?"

"Di no!"

"Sinabi mo e. Kaya pala ang ilong mo umuusok."

"Diyan ka na nga! Bwisit ka!"

"Wait, joke lang iyon. Kababata ko lang iyon. Diba taga dito kami sa Laguna? Ayun palagi kami dito."

Naggalit-galitan ako.

"Sorry na. Huwag ka ng magselos, ikaw lang ang mahal ko."

"Kumain ka na! Di ako nagseselos. Di pa kita boyfriend!"

"Pero malapit na?"

"Ewan ko sayo!"

"Yehey, malapit na!"

Natawa na ako. Medyo kabado ako sa ganun. Ang gwapo masyado ng lalaking ito kahit payatot. Samantalang ako ay nerd ng taon. Sana di mauntog.

A/N Mababa talaga pa rin ang self esteem ni Maine sa mga bagay na may kinalaman sa itsura niya. Di niya batid na maganda siya. 

We will see her big transformation as the story continues..

Miss you guys!


My Wallflower Girl (Completed)Where stories live. Discover now