SWOTMB II: 03

1.7K 63 12
                                    

Animation.

"nagawa niyang i-hack ng walang nakakaalam ang security system ng penthouse para mabuksan niya ang pinto. So the intruder already knows where are the blind spots." Riel informed me nang personal siyang magtungo dito sa penthouse.

"No traces?" I asked him irritatedly.

Umiling ito sa akin. That's why hindi ko napigilan ang sarili ko at nasuntok ko siya. Useless!

Kung nagawang pasukin kami rito ng hindi man lang naramdamn ang presensiya ng pumasok ay natitiyak kong expert na ito. Assassin!

Napatingin ako kay Raiko na nasa sala at nanunuod ng kiddie shows kasama si Trina. Ang pinsan ko ay nakatingin sa amin at may bahid ng pag-aalala sa mga mata nito.

Sinamaan ko ito ng tingin kay umiwas ito sa akin.

"Mga Assassin!" I gritted my teeth. "Ayusin mo ang security sa village Riel, ililipat ko doon si Raiko." Natitiyak kong ang anak ko ang sinasadya ng kung sino mang pumasok.

Tinungo ko ang kinaroroonan ng anak ko at binuhat ito. Binalingan ko ang mag-asawa at inis ko silang pinalayas sa tirahan namin.

Pinatulog ko na rin ang anak ko. Nang masiguro kong ayos na ito ay ini-impake ko na ang mga ilang mahalagang gamit. Sa opisina ay kinuha ko rin ang mga ilang dokumento. Nang nasa table na ako ay napatigil ako. Tinignan ko ang dalawang frame na nasa ibabaw.

Ang isa ay ang picture namin ni Reika sa Illian. Malaki na ang tiyan niya dito noon. Nakahalik ako sa pisngi niya habang ngiting-ngiti siya. Sa picture na ito ay naalala kong ipinasyal ko siya noon sa dam resort ng city. And that was supposed to be our 4th wedding anniversary.

I held the picture frame at naupo sa swivel chair. I cherished that memory of ours. Kahit na hindi parehong araw at taon ang pagpirma namin sa marriage certificate ay napagkasunduan naming i-celebrate that time sa araw na pumirma ako.

We were so happy that time. So much happiness filled our hearts and we made memories that we can cherished. Memories that I can cherish.

Napakasakit isipin na ako na lang ang magbabalik-tanaw sa memories na ginawa namin.

Inilagay ko na sa box ang picture frame at kinuha na rin ang isa pang frame na picture naman namin ni Raiko ang naroroon.

Kuha ko ito noong nag-celebrate kaming dalawa para sa kanyang very first birthday. He has a cake on his hand at nakangiti siya showing his two teeth. While me ay nakasimangot kunwari dahil sa ipinahid niyang cake icing sa pisngi ko. My memory with my most precious treasure, my son, Raiko.

Matapos kong maisaayos ang mga gamit sa trunk ng kotse ay mabilis ko nang binalikan ang anak ko sa taas. Nagulat pa ako ng makita kong gising ito at may hawak na namang bagong feeding bottle. Wala na itong laman dahil naubos na nito iyon. Nag-alala ako. Baka may kung anong nakahalo doon na ikapahamak nito.

"Whoever you are, mahuhuli rin kita!" I hissed on the air. Nilapitan ko na si Raiko at binuhat ito.

"Mama came. Mama give Rako milk." He said at niyakap ako ng maliliit niyong braso sa leeg.

Napabuntong-hininga ako. Pamilya ba ni Reika ang pumasok dito sa penthouse? At ngayon nga lang ba may pumasok na iba dito bukod sa mga pagpapapunta ko sa mga kapamilya ko?

"That's not your mama, son." Inalalayan ko ito sa kanyang ulo bago ako naglakad palabas.

"Nooooo! Rako saw mama! Mama give Rako milk!"

SWOTMB II: Super Woman of The Mafia BossWhere stories live. Discover now