Chapter 12: 2nd Meet

139 5 0
                                    

Yumi P.O.V

Maaga akong gumising dahil maaga yung klase namin. Inayos ko muna ang higaan ko bago pumasok sa banyo. At ginawa ko na ang dapat kong gawin. Pagkatapos kung maligo at magtoothbrush ay pumunta ako sa kwarto ni Samara. Kumatok muna ako bago nagsalita.

"Samara!!" Tawag ko sakanya, pero walang sumagot kaya pumasok nalang ako, hindi naman kasi nakalock yung pinto.
Kaya naman pala walang sumagot dahil tulog pa siya.

"Samara gumising kana baka malate ka pa!!!" Sabay yugyog ko sakanya

"Hmmmmm....mamaya na. Mamaya pa naman yung klase ko" sabi ni Samara habang nakapikit pa yung mga mata niya.

"Ah ganun ba, sige mauna na'ko sayo. Itext mo nalang ako kapag andon kana sa school okay!" Sabi ko

"Yes maam" Sabay talukbong ulit ng kumot. Napailing nalang ako at lumabas na'ko sa kwarto niya.

Haaay minsan talaga tong si Samara ay tinatamaan rin ng katamaran, gaya nalang kahapon hindi man lang pumunta sa training place. Nalaman nalang namin na andito na siya sa mansion.

Hindi na'ko kumain ng breakfast kasi mukhang malalate na talaga ako. At dahil mamaya pa yung klase ni Samara ay mag-isa lang akong pumunta sa school. Kaya lonely is the night ang peg ko ngayon...hahahaha.

Mabuti nalang dahil pagdating ko sa room ay wala pa yung guro namin kaya nakahinga ako nang maluwag. At yung mga Queen Bee naman ay walang ibang ginawa kundi ang pagchismisan ako.

Hindi ko nalang sila pinansin at umupo nalang ako sa upuan ko ng matiwasay. Pero itong si Sheen Nicole Cortez ay pinaparinggan ba naman ako. Hindi raw ako nababagay dito sa AU dahil isa raw akong probinsyana.

Tsk! Kung alam ko lang na ganito ang mga ugali ng mga estudyante dito edi sana, hindi nalang ako nag-enrol dito.

Mabuti nalang talaga at dumating na si maam dahil kung hindi, pinatulan ko na ang mga reyna ng bubuyog.

Pagkatapos ng discussion ni maam ay dumiritso ako sa cafeteria dahil nagugutom na'ko. At mabuti nalang dahil kunti lang ang tao sa cafeteria kaya mabilis akong nakaorder.

Napag-isipan ko na sa lumang room nalang ako kakain dahil gusto ko munang mapag-isa. Agad akong nagtungo roon pero laking gulat ko dahil may tao pala,at ang matindi pa ay pinag-uusapan nila ang tungkol sa LG. At talagang hinahanap pa nila kami.

"We must find the Legendary Gangster as soon as possible!" Sabi ng isang lalaki. Bakit nila kami hinahanap? Gusto rin ba nila kaming patayin? Pero bakit nila alam na nandito ang LG? Nandito rin kaya ang tatlong LG member? Dito rin kaya sila nag-aaral? Naguguluhan kong tanong sa sarili ko. Nagulat nalang ako ng may nagsalita sa likod ko.

"What are you doing here?" Tanong ng lalaki.

"Nothing! I just want to be alone. Bakit bawal bang pumunta rito? I am also a student here, kaya may karapatan akong pumunta dito!" Cold kong sagot sa lalaki

"So you dont know me ha!" Nakasmirk na sabi ng lalaki

"Tsk! I dont care of who you are? At wala akong balak na kilalanin ka mister?" Cold ko paring sabi sakanya. Huhh..hindi ako natatakot sa lalaking ito noh. Sino ba siya para katakutan ko?

"Well I'm Kaiser Tendon Norse, and my father own this school so you better watch out your f*cking mouth!" Nagulat ako sa sinabi niya, pero hindi ko yun pinahalata sakanya. At doon lang nag-sink in sakin ang lahat. So siya pala ang sinasabi ni Zyora na leader sa The Kings, na pinagkakaguluhan ng mga babae dito. But still! I dont care of who he is. Kahit i-detention pa niya ako.

Aalis na sana ako, dahil nagugutom na'ko atsaka ayaw ko ng gulo, kaya aalis nalang ako. Pero nagulat na naman ako ng biglang may lumabas sa room. Aiiisst mahilig bang manggulat ang mga lalaking ito. Napatingin sakin yung mga lalaki sabay sabing.

"Uyy Kaiser! New girl ah" Sabi ng isang lalaki. Kaibigan niya siguro ang mga 'to. Kilala kasi siya eh. O baka naman sila yung kasapi sa The Kings. Well maiinggit kayo sakin mga reyna ng bubuyog dahil kaharap ko ngayon ang mga lalaking, pangarap niyo.

"Bago to ah....almost 2 years ka na ring-" Hindi natapos ang sinabi ng isang lalaki dahil siniko siya ng kanyang kaibigan.

"No! she's not my girl. Actually she's my stalker" Nakasmirk na sabi ni Kaiser. Pweee ang kapal naman ng mukha niya, ang ganda ko naman para maging stalker niya. Bigwasan ko kaya siya para matauhan.

"Wait! Diba ikaw yung laging kasama ni Samara, at minsan kasama mo rin sina Krystal, Nisshi at Xanthene" Sabi ng classmate ni Samara, na siya ring may crush kay Krystal. None other than Luke Jay Samonte. Kung tinatanong niyo kung bakit ko siya kilala, tanungin niyo nalang si Samara. Siya kasi ang nagsabi sakin.

"Kilala mo siya?" Tanong ng isa pang lalaki

"Hindi, pero yung kaibigan niya si Samara kilala ko dahil magkaklase kami" Sagot ni Luke

"Ah okay" Tumatango na sabi ng lalaki.

"At dahil stalker ka ng aming leader ay magpapakilala na kami sayo. By the way I'm Super Brick Young" So siya ang panglima sa The Kings.

"Vic Peter Viola" So siya ang pang-apat.

"Zach Lytton Yagi" Siya ang pangalawa

"And I'm Luke Jay Samonte" So siya ang pangatlo.

"So friends?" Sabi ni Brick sabay lahad ng kamay niya. Pero tinignan ko muna yung kamay niya, saka tinanggap.

"I'm Yumi Jicarilla Fuchsia" Cold kong sabi. Pagkatapos kong magpakilala ay umalis narin ako dahil nagugutom na talaga ako. Hindi pa ako nakakalayo ng marinig ko ang sinabi ni Brick.

"Ang ganda kaya niya Kaiser at pareho pa talaga kayong cold" At tuluyan na akong umalis. Pero gumugulo parin sa isipan ko kung bakit nila hinahanap ang LG, at kung ano ang reason nila. Haaayy...siguro naman hindi nahalata ni Kaiser na narinig ko yung pinag-uusapan ng kanyang mga kaibigan. And I admit it na ang gwapo nilang lahat. Kaya pala patay na patay ang mga girls dito sa AU.

A/n: Ayan nagkakilala narin ang The Kings at si Yumi. Ano na kaya ang susunod na mangyayari will they fall inlove or may hidwaan na magaganap. Hahahaha...lets find out sa next chap.
Actually si Sheen Nicole po ay isang extra lamang...hahaha joke. May role po siya dito, sana subaybayan niyo.

Kamsa!!!!!

LEGENDARY GANGSTER (War between LOVE and Hatred)Onde histórias criam vida. Descubra agora