Chapter 38: Hug and Date?

101 3 0
                                    

Samara P.O.V

Nandito kami ngayon ni Yumi sa garden ni Lolo. Nagpatulong kasi ako kay Yumi na mamitas ng bulaklak para dalhin sa puntod ng mga magulang ko. Dadalawin ko lang yung parents ko dahil miss ko na sila at matagal naring hindi ko sila nadadalaw. At kung tinatanong niyo kung bakit wala ako sa school yun ay dahil halfday lang yung klase ko pati narin kay Yumi.

"Yumi pakisabi nalang kay Lolo na pupunta muna ako sa puntod nina mommy at daddy ha?"

"Okay....basta mag-iingat ka dun. Call me if something bad happen" sabi ni Yumi at tumango naman ako. Hindi na ako nagpahatid kay manong dahil maabala ko lang siya kaya naman sumakay nalang ako ng taxi.

Nakarating na ako sa puntod ng mga magulang ko. Nilinisan ko muna ng kunti yung gilid kasi marami ng damong tumubo. Pagkatapos ay sinindihan ko na yung kandila at nagdasal. Naalala ko pa nuon nung bata palang ako laging sinasabi ni mommy na "magiging mabait ako sa aking kapwa" pero paano ko yun magagawa kong galit ang nangingibabaw sa puso't isip ko. Pinipilit kong hindi maiyak pero masyadong madaya yung mga luha ko at isa-isang nagbagsakan ang mga luha ko. Nagulat nalang ako ng may lalaking nakatayo sa likod ko. Paglingon ko ay...

"Zach!!" Gulat na sabi ko

"Ahm...what are you doing here?" Tanong ko sabay punas ng luha ko.

"Dinalaw ko yung puntod ng grandparents ko. Uh...eto oh" sabi niya sabay abot ng panyo niya sakin. Kinuha ko naman ito ng walang pag alinlangan.

"Thanks" and I give him a weak smile. Mabuti nalang at hindi siya nagtanong kung bakit ako umiyak. Tinakpan ko rin yung name ng parents ko gamit ang damit ko. Mabuti nalang talaga at nakadress ako ngayon.

"Uh...p-pauwi kana ba?" Seryoso niyang tanong sakin

"Oo...ikaw pauwi ka na rin ba?"

"Yeah...tara sabay nalang tayo ng may makausap naman ako sa paglalakad" sabi niya

At habang naglalakad kami ay kinuwento niya yung buhay niya. Nagulat nalang ako ng bigla niya akong niyakap.

"Z-zach?"

"Can we stay like this for awhile" sabi at mas lalong hinigpitan niya yung pagyakap sakin.

"May problema ka ba Zach? Pwede mo namang sabihin sakin eh. Don't worry hindi ko ipagsasabi sa iba yung problem mo" sabi ko habang nakayakap parin siya sakin. Bumitaw na siya at nginitian ako.

"Don't worry...wala akong problema" sabi niya sabay pat sa ulo ko.

"Let's go" sabi niya at ngayon ay hinawakan naman niya yung kamay ko. At yung puso ko parang gusto ng lumabas dahil sa sobrang bilis ng tibok na nararamdaman ko. Please if it is a dream then I don't want to wake up. Zach what did you do to me?


Xanthene P.O.V

"Ano ba'yan talo na naman ako!!" Nakabusangot kong sabi at itong katabi ko abot hanggang langit yung ngiti niya. Aiisst may ngiti ba na abot hanggang langit?

"So that means....idedate mo ako this coming Saturday" masayang sabi ni Vic. Oo tama ang nabasa niyo si Vic Peter ng The Kings yung kalaro ko ng XOX at napagkasunduan namin na kung sino yung talo siya yung magyaya ng date. Ang saklap eh noh!!

"Tss...ang kapal talaga ng mukha mo ano? Ako pa talaga ang magyaya sayo eh ikaw yung lalaki dapat ikaw ang magyaya sakin ng date!!" Sigaw ko sakanya at ang loko tumawa lang. Sus...hindi ko lang talaga siya ....I nevermind.

"Okay fine...tutal gusto ko namang idate ka"

"WHAT!!"

"Wag ka ngang sumigaw! Basta this saturday susunduin kita sa bahay niyo" pagkatapos niyang sinabi yun ay bigla nalang siyang umalis. Hindi man lang ba niya aalamin yung sagot ko. Aisst bahala siya sa buhay niya! At pumunta na ako sa next subject ko.

Nisshi P.O.V

"Ano ba'yan bakit walang signal dito sa school? Pambihira naman oh....paano ako makakapag-update nito!" At habang nag-iisip ako ng paraan kung paano ako makakapag-update ay bigla nalang sumulpot si Brick muntik ko nang mabitawan yung phone ko dahil sa gulat. Kaya naman sinamaan ko siya ng tingin.

"Oh....para sayo" sabi niya sabay abot ng sandwich.

"Para saan 'yan?"

"Ay bobo ka ba Nisshi!! Natural kakainin! Tsss.." Sabi niya

"Alam kung kakainin yan...what I mean is bakit mo ako bibigyan ng pagkain?"

"Alam ko kasi na matakaw ka"

"What....hindi ako matakaw noh!" Sabi ko and I rolled my eyes.

"Aisst wag ka na ngang maraming tanong diyan. Kainin mo nalang itong sandwich alam kung gutom ka" wala na akong nagawa kaya kinain ko nalang yung sandwich na ibinigay niya. Blessings na'to wag ng tanggihan. Pero alam niyo masaya ako dahil.....fe-feeling ko may--.. Aisst wag mag assume Nisshi dahil baka masaktan kalang.

Sorry for the short update!! I hope you enjoy the story😊😊





LEGENDARY GANGSTER (War between LOVE and Hatred)Where stories live. Discover now