Chapter 19: Boy in the Rain

132 5 0
                                    

Nisshi P.O.V

Yesss!! TGIF na!! Masaya ako dahil sabado na bukas and it's rest day woohooo!!! Masayang sabi ng isip ko.

Habang papauwi na ako ay bigla nalang bumuhos ang malakas na ulan. Buti nalang at may dala akong payong. Naglalakad lang ako pauwi dahil malapit lang naman yung bahay namin sa school.

Malapit na ako sa bahay namin ng may nakita akong lalaki na nakasilong sa may puno. Tsk!! Alam ba niyang sobrang lakas ng ulan tapos sumilong lang siya sa puno. Hindi niya ba alam na mahal na ang gamot ngayon!! Sabi ko sa sarili ko.

Nakita ko na niyayakap na niya yung sarili niya dahil siguro sa lamig. At dahil sa naaawa ako ay nilapitan ko siya. Laking gulat ko na si Brick pala. At nababasa na siya. Ay!! Tanga lang Nisshi natural umuulan kaya nabasa yung tao sabi ng aking magaling na isip.

Ano naman ang ginagawa ng lalaking to dito. At dahil umaandar na naman ang aking mabait na cells, kaya pahihiramin ko nalang siya ng aking super duper magandang payong. Malapit na din naman ako sa bahay namin.

"Oh eto hiramin mo muna itong payong ko" Sabi ko sabay bigay ng payong ko sakanya

"Wag na, tulal basa narin naman ako" Sabi niya habang niyayakap ang sarili niya.

"Gago ka ba!! Kunin mo nato nang hindi ka masyadong mabasa at para hindi ka na rin lamigin" Tsk!! Pabebe naman itong lalaking 'to. Pasalamat nga siya at pahihiramin ko siya ng aking payong.

"Boba kaba!! Paano kung ikaw naman yung nabasa baka ako pa ang sisihin kapag nagkasakit ka" Sabi niya sabay ubo niya

"Matibay to noh!!" Sabi ko

Pero ubo ng ubo lang si Brick. Kaya kinapa ko yung leeg niya at ang init niya sobra, may lagnat na pala siya. Hmmpp!! Bakit naman ako naawa sa lalaking to samantala kanina lang sa school ay nagkasagutan pa kami at sobrang naiinis ako sakanya.

Sa bagay tao parin ako at tao rin siya. Kailangan mo talagang magpatawad sabi nga nila diba " Help the people who are in need "  kaya naman dinala ko siya sa bahay namin. Hindi rin naman siya nagreklamo pa. Dahil kung hindi ko siya tutulungan eh baka mamatay pa'to dahil sa sobrang lamig at ako pa ang sisisihin. At baka multuhin pako.

"Manang!!" Tawag ko sa aming katulong. All around housekeeper namin, siya si Manang Flora.

"Ano yun iha" Malumanay na sabi ni Manang na galing pa sa kusina.

"Ahm...manang paki-asikaso nga po itong lalaki na'to. At magbibihis lang po ako" Sabi ko kay manang at pinaupo ko na si Brick sa sofa.

"Sige iha...ah teka lang Nisshi baka may mga lumang damit ang iyong papa, pakibaba nalang ha para mapalitan yung damit niya" Sabi ni Manang Flora

"Sige po manang" Sabi ko at umakyat na ako sa taas.

********

Brick P.O.V

Pagkaakyat ni Nisshi ay binigyan ako ni Manang Flora ng gamot at towel. Hindi ko akalain na bubuhos pala yung malakas na ulan kaya ayon nabasa ako at ang malala pa ay natablan ako ng lagnat.


Hindi ko kasi dinala ang kotse ko  kasi may sinusundan akong babae kanina. Akala ko kasi yung sinusundan kong babae ay isa sa LG pero hindi pala kaya naghintay nalang ako ng taxi kasi napapagod ako sa kakasunod dun sa babae. Pero halos isang oras na akong naghihintay pero wala paring dumadaan na taxi kaya naisipan ko nalang na maglakad-lakad muna. Ng bigla nalang bumuhos ang malakas na ulan kaya tumakbo ako sa may puno. Wala kasing ibang masisilongan kaya no choice ako kundi sumilong nalang sa puno.


Hanggang sa mabasa ako at may lumapit sakin na babae. Nagulat pa nga ako ng si Nisshi ang babaeng lumapit sakin. Ipapahiram niya sakin ang payong niya kaya lang hindi ko iyon tinanggap dahil siya naman ang mababasa.


Nagulat nalang ako ng hinawakan niya ang leeg ko. Napansin siguro niya na iba na yung pakiramdam ko. Hanggang sa dinala niya ako dito sa bahay nila. Malapit lang pala ang bahay nila sa AU.


Dun ko napagtanto na kahit masungit ang babaeng yun eh may kabaitan rin pala siyang side.


At habang naghihintay kami kay Nisshi na bumababa ay iniwan muna ako ni Manang Flora para maghanda ng hapunan.


Nilibot ko ang paningin ko sa kanilang sala. Malaki rin pala ang bahay nila at may family picture na nakasabit sa kanilang wall. Napatitig ako kay Nisshi at ang masasabi ko lang ay ang ganda niya sobra. Nakangiti kasi siya at makikita mo talaga na sobrang saya niya dun sa picture. Nakasuot si Nisshi na kulay blue dress at nakamake up siya pero light lang yun.



Busy parin ako sa pagtitig sakanyang picture ng may nagsalita sa likod ko. Kaya lumingon ako.



"Oh suotin mo muna yan...para hindi lumala ang lagnat mo" Sabi ni Nisshi sabay bigay nung damit sakin. Mabuti nalang at hindi niya ako nahuli na tinititigan ko yung picture niya.



"Salamat" Sabay kuha ko sa damit na inabot niya



"Ahm.... Nisshi salamat nga pala sa pagtulong sakin at ....sorry din sa nangyari kaninang umaga" Taos puso kong sabi sakanya.



"Wala yun, atsaka wag kang mag-alala dahil hindi ako yung tipo ng babae na nagtatanim ng galit. Pero inaamin ko, sobra talaga akong nainis sa ginawa mo kanina" Sabi niya sabay irap sakin. Napangiti nalang ako sa kacutetan ni Nisshi.



"Sorry talaga"



"Okay apology accepted. Pasalamat ka talaga dahil wala sila papa at mama ngayon dahil may business trip sila" Sabi ni Nisshi



"Ahm...Nisshi san nga pala ako magbibihis" Tanong ko sakanya



"Dun sa taas, pag may nakita kang pang-apat na pinto ay dun ka pumasok. Guest room yun, dun ka magbihis at dun ka muna magpahinga" Sabi niya at tumayo nako para umakyat sa taas. Si Nisshi naman ay pumuntang kusina para tulungan si Manang.



Pag-akyat ko ay nakita ko kaagad ang sinasabi ni Nisshi kaya pumasok ako at nagbihis na. Pagkatapos ay humiga ako sa kama. Ang laki ng guest room nila. Mayroon itong dalawang malalaking kama na kulay puti, may sofa, may carpet na nakalatag sa sahig at may veranda. Kulay puti at black naman ang kulay ng paint sa buong guest room.



At habang nagpapahinga ako ay may kumatok. Tatayo na sana ako para pagbuksan yung kumakatok ng nakita kong binuksan na niya ito at diri-diritsong pumasok. Si Nisshi pala ang kumakatok at may dala siyang soup. Inilagay niya ito sa gilid ng kama.



"Kumain kana para gumaling kana atsaka pag may kailangan ka tawagin mo lang si Manang Flora" Sabi niya



"Sige po may nurse" Nakangiti kong sabi



"Tse!! " Sabi ni Nisshi saka tumalikod at ng malapit na siya sa pinto ay humarap ulit siya sakin "Oh!! Before I forgot, I will be back here after 4 hours para sa gamot mo" Sabi niya saka lumabas. Ang cute talaga niya sobra kapag nagsusungit. Pagkaalis ni Nisshi ay kinain ko na yung soup.



Tinext ko rin si mama na nandito ako sa bahay ng kaklase ko para hindi na siya mag-alala pa. Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala na ang kinaiinisan ko ay siya rin pala ang tutulong sakin. Haayy!! Totoo kaya yung "The more you hate, the more you love". Napapangiti nalang ako sa naisip ko at sa sarili ko dahil kahit papano ay magkasundo na kami ni Nisshi.



A/n: Ay!!! Nagka moment rin sina Nisshi at Brick. Hoy!! Brick anong sinasabi mong "The more you hate, the more you love" ha!!! Pakiexplain nga kung ayaw mong bigwasan kita diyan. Hehehe joke lang Brick😄😄😄 baka awayin ako ni ..........

Dont forget to like and vote niyo na rin kung gusto niyo...







LEGENDARY GANGSTER (War between LOVE and Hatred)Where stories live. Discover now