Chapter 26: Sunog!!!!

122 2 0
                                    

Yumi P.O.V

Ang saya pala talaga kapag marami kayong kasamang kumain. Sanay kasi kami na kaming tatlo lang ni Lolo Tasyo ang magkakasamang kumakain araw-araw. Pero nag-iba yun nang lumipat na kami dito sa Manila.

Sa mansyon kasi namin sabay-sabay narin kaming lahat kumain. Nakakahiya naman kasi na kayo lang yung kumakain habang yung mga katulong ay nakatingin lang sainyo. Kaya naman everytime na kumakain kami ay pinapasabay na namin sila. At mas masaya talaga pag marami kayong kumakain.

At habang busy kami sa aming pagkain ay may biglang lumapit kay Kassy.

Kassy P.O.V

Sinasabi ko na nga ba eh..sila Stewart talaga yung pumasok.

"Kassy!!!" Sigaw ni Stewart pero hindi ako nakinig.

"Guys....wag kayong lilingon please" pagmamakaawa ko sakanila. Mabuti nalang talaga at sina Amalia ang nakaharap ngayon sa boys dahil kung sina Krystal yun ay tiyak malalaman  talaga agad ni Stewart.

"Bakit?" Tanong ni Nisshi

"Basta!!" Buti nalang at sinunod nila yung sinabi ko. Pero itong si Stewart hindi talaga nakuntento at nilapitan pa talaga ako...nakakainis talaga ang lalaking 'to.

"Sabi ko na nga ba eh!!" Sabi ni Stewart pagkalapit niya sakin.

"Ehh!! ano naman ngayon!!" Sabi ko sabay tayo.

"Teka!! Hindi mo ba ako ipapakilala sa kanila" sabi niya at kumindat pa talaga ang loko. Kahit kailan talaga ang kapal ng mukha ng lalaking 'to. At dahil sa hiya ko ay siniko ko siya.

"Aray! Masakit yun ha!" Reklamo niya pero binigyan ko lang siya ng death glare.

"Pasensya na kayo sakanya ha" sabi ko sa mga girls

"Okay lang yun...ang cute niyo nga tignan eh" kinikilig na sabi ni Samara. At nag fake smile lang ako sakanya. Aiiisst...nakakahiya talaga!!!!

"Teka! Ano ba kasi ang ginagawa niyo dito? ha!!" Tanong ko kay Stewart pero hindi sumagot ang loko. Imbes na sagutin niya ako ay tinawag niya ang mga kasama niya.

"Mga bro!! Hali kayo rito dahil andaming magaganda dito" sigaw ni Stewart at agad namang lumapit sina Kaiser, Zach, Luke,Vic Peter, Brick at Nael. At kasama rin pala nila ang mga kasapi ng Manipulator Gangster na sina Brazen, Rusell, Max, Franz at si Klezmer.

"Hi Krystal" sabi ni Luke pagkalapit niya.

"Hello" nakangiting sabi ni Krystal. Namula naman si Luke ng ngumiti si Krystal. Hmmm.. I smell something fishy here.

"Hi Nisshi"

"Hi Xanthene"

"Hi Zyora" sabi naman nina Brick, Vic Peter at Nael.

"Hello sa inyo" sagot naman ng tatlo

Aba! Dumadamoves na sila. Akala ko friends muna eh bakit parang may something na. I think! I miss some happenings here.

Habang sina Yumi at ang kapatid ko ay nagkatitigan lang naman. Parang yung mga mata lang nila yung nag-uusap. Ganun din sina Samara at Zach. Pero itong limang lalaki nato ang kapal ng mukha walang iba kundi sina Klezmer, Brazen, Rusell, Max at Franz. Paano ba naman nilapitan agad nila sina Liane, Javelina, Amalia, Amelie at Jezebel at agad na nagpakilala sa mga babae.

"Hi Ms. Beautiful... I'm Tyro Brazen Wolverton and you?" Sabi ni Brazen kay Liane

"I'm Liane Peccary...nice meeting you" nakangiting sabi ni Liane

"John Rusell Terrier but you can call me Rusell or JR" pagpapakilala ni Rusell at nakipagkamay kay Javelina. Tsk! Kahit kailan talaga ang hilig magpa fall nitong si Rusell.

"Javelina Carib..nice to meet you Rusell"

"Hello!! Ako nga pala si Max Quintos at ikaw magandang binibini ano ang pangalan mo?" Sabi ni Max at may paluhod-luhod pa siyang nalalaman.

"I'm Amalia Taino" sagot naman ni Amalia

"Franz Mesmer here...If I'm not mistaken you're the twin sister of Amalia right?" May pa mistaken mistaken pa siyang nalalaman.

"Yeahh...I'm Amelie Taino" sagot ni Amelie

"And last but not the least the most handsome in our group..Klezmer Regneir at your service" Pambira the most handsome daw. Piktusan kita diyan eh!

"Jezebel Freudian" nakangiting sabi ni Jezebel

"Dahil tapos na kayong magpakilala..pwede niyo na kaming iwan para naman maipagpatuloy na namin yung pagkain namin hmmm!" Sabi ko sa mga loko

"Ano ka ba naman Kassy! gusto pa namin silang makilala pa!" Aba't!

"Manahimik ka diyan Klezmer kung ayaw mong gawin kitang bopis!!!" Inis kong sabi ko sakanya. Pinagtawan naman siya ng mga boys.

"Hahahaha..yan ang napala mo bro!!!" Sabi ni Max

"Ahm girls..Kassy mauna na ako sa inyo ha!" Biglang sabi ni Zyora

"Aalis kana?" Tanong ni Xanthene

"Oo ehh...nagtext kasi sakin si mommy na dumating na daw yung mga pinsan ko galing France. Wala kasing magsusundo sa kanila sa airport kaya ako nalang dahil hindi naman ako busy" paliwanag ni Zyora at tumango-tango naman ang mga girls.

"Hatid na kita Zyora" biglang sabi ni Nael Kris kaya naman kantiyaw ang inabot niya samin. Namula naman si Zyora at napakamot nalang si Nael Kris.

"Naku...salamat nalang atsaka may driver naman ako kaya okay lang" sabi ni Zyora saka siya umalis

"Umorder na nga tayo dahil nagugutom na'ko. Pwede bang makishare nalang kami ng table" sabi ni Klezmer. At dahil no choice kaming mga girls ay pumayag nalang kami dahil umupo narin naman sila. Mabuti nalang talaga at malaking table yung pinili nila Nisshi.

Grabe!!! Ang saya talaga pag marami kayong kasamang kumakain dahil parang may fiesta hahahaha.... Siguro ito narin yung time para mas makilala pa nila ang mga girls. At para malaman narin namin kung sila nga ba ang LG.

Yumi P.O.V

Hindi ko mapigilan ang mapangiti dahil sa nakita ko kasi hinalikan ni Stewart si Kassy sa may pingi. Ang cute talaga nilang tignan. Yung mga kasama naman ni Stewart ay makukulit at sobrang ingay. Pero itong katabi ko parang wala lang sakanya yung ingay ng mga kaibigan niya. Tama ang nabasa niyo magkatabi nga kami ni Kaiser ngayon. Pero hindi naman kami nag-uusap. Ewan ko ba sakanya parang umaatake na naman yung pagka cold niya.


Katabi rin ng mga girls yung ibang boys para nga kaming nag groupdate. Ay teka!!ano ba itong naiisip ko nababaliw na yata ako. Yumi this is not you!!!!

Nabalik lang ako sa katinuan ko ng biglang nagvibrate yung phone ko. Tinignan ko kung sino ang nagtext at nakita kung si Eunice. Nung nabasa ko yung text niya ay napatayo ako. What the heck!!

Nagtext lang naman sakin si Eunice na nasusunog yung mansion at kagagawan yun ng mga Al Capone. Kahit kailan talaga salot sa buhay ko ang Al Capone.

Teka!! sina Lolo Tasyo, si Manang Lora at yung mga katulong namin baka may nangyaring masama sakanila. Hinding-hindi ko talaga sila mapapatawad kapag may nangyaring masama kina lolo. Nakita ko rin na napatayo sina Samara, Nisshi, Xanthene, Krystal at yung mga girls siguro nabasa rin nila yung text ni Eunice.


"TARA!!" Sabay naming sabi at agad lumabas ng restaurant. Hindi na nga kami nakapagpaalam sa kanila. Sumakay na kami sa sasakyan at agad na pinaharurot iyon para makarating agad kami sa bahay.




















LEGENDARY GANGSTER (War between LOVE and Hatred)Where stories live. Discover now