Chapter 45: Coronation Night

89 4 0
                                    

3rd Person P.O.V

Madaling lumipas ang mga araw kaya naman hindi nila napansin na ngayon na ang gabing pinakahihintay ng lahat ang Mr. & Ms. University Coronation Night!!

Busy ang lahat na kalahok, kabilang na dun sina Luke at Krystal.

Mga make up artist at mga stylist na kabi-kabila ang ginagawa. Mga staff at organizer na busy sa pag-aasikaso ng pageant at ang mga ilaw na lalong nagpaganda ng sa buong lugar lalong-lalo na sa entablado. At huli ay ang napakalakas na ingay ng tugtug at ingay ng mga tao na akala mo may nagaganap na concert dahil sa sobrang ingay at dami ng taong nanonood. Kung sabagay ito ang araw na pinakahihintay ng lahat.

Before the Pageant

Luke P.O.V

Parang kailan lang nung pumunta kami ni Krystal sa Kidzonia. At hanggang ngayon ay hindi ko parin makakalimutan ang mga pangyayaring iyon. Minsan lang akong naging masaya at isa si Krystal sa mga nagpapasaya sakin kaya naman ipinangako ko sakanya na gagawin ko ang best ko para manalo kami sa pageant na'to.

Sa kabila ng aking pag-iisip kung paano ko mapeperfect ang talent portion namin mamaya ay bigla nalang nagsalita si Kaiser, kaya napatingin ako sakanya. Oo nga pala nandito ako ngayon I mean kaming magkakaibigan sa hideout namin.

"Brick can you check the area kung saan gaganapin ang pageant. We should make sure na walang makakapasok o manggugulo sa pageant. Baka kasi may gagawin ang Al Capone. At madamay pa yung mga inosenteng tao"

"Okay ako na ang bahal dun!" Sabi naman ni Brick

"Bro....baka naman walang manggugulo sa pageant mamaya!" Sabi ko kay Kaiser kaya napatingin siya sakin.

"Hindi dapat tayo makampante, lalo na't hindi natin alam kung ano ang mga plano nila. Mas mabuting maging handa tayo sa kahit anong mangyari!" Seryosong sabi ni Kaiser at tumango naman ako.

Tama naman si Kaiser mas mabuting maging handa kami sa bawat oras dahil hindi namin alam kung ano ang mga kinikilos ng mga Al Capone. Lalo na't hinahanap rin nila LG.

Pero sana talaga walang masamang mangyayari mamaya.

Nisshi P.O.V

Medyo naging busy ang araw namin ngayon dahil mamayang gabi na gaganapin ang pageant. Sa totoo lang ay masama ang kutob ko ngayon dahil feeling ko may masamang mangyayari mamaya. Kahit na sabihin pa nating mahigpit ang pagbabantay nila ay hindi ko parin maiwasang hindi mag-alala.

Nandito nga pala kami ngayon sa hide out namin maliban kina Krystal at Xanthene dahil nagreready na sila para sa pageant mamayang gabi. Kahit na may assistant na si Krystal ay sumama parin si Xanthene para naman may makasama at may magbabantay kay Krystal.

"Ahm...girls kailangan nga pala nating pumunta mamaya sa pageant para suportahan si Krystal!" Sabi ni Samara kina Amalia, Liane, Javelina at Amelie. At tumango naman sila.

"Wag na kayong mag-alala sa susuotin niyo, ako na ang bahala dun!" Sabi ni Zyora

"At ano na naman bang kawierdohan ang gagawin mo ha!!" Sabi ko sakanya

"Nothing!" Pilosopong sabi ni Zyora kaya binato ko siya ng unan pero nakailag naman siya kaya pinagtatawanan niya ako. Babatuhin ko sana siya ulit ng magsalita si Yumi kaya napatigil ako.

"Nisshi pakicheck naman yung area nang pageant, siguraduhin mong maayos at safe ba yung lugar at kung wala bang ibang nagsasabotahe sa pageant! And you Javelina please check also the guest and the judges dahil baka may magaganap na dayaan! And alam ko na ginagawa narin ni Xanthene yung trabaho niya!" Seryosong sabi ni Yumi samin.

LEGENDARY GANGSTER (War between LOVE and Hatred)Where stories live. Discover now