Chapter 40: Kill You Pt.2

99 4 0
                                    

Kaiser P.O.V

Pagdating ko sa lumang building ay agad kong inilabas ang aking baril. Nung una ay nagtataka pa ako kung tama ba itong lugar na pinuntahan ko. Kasi ang tahimik ng lugar at mukhang walang taong nagbabantay sa paligid. Tatawagan ko sana sina Vic at yung ibang kasapi ng Manipulator Gangster dahil baka ang Al Capone ang kumidnap kay Yessha. Pero hindi ko nalang sila tinawagan dahil feeling ko hindi naman madugo ang labanang ito.

Nakapasok na ako sa loob ng building ng walang kahirap-hirap. Paano ba naman kasi walang nakabantay sa labas. Palapit na ako sa may kwarto ng may narinig akong boses at parang may nasusuntukan kaya naman dali-dali kong sinipa ang pinto.

Nagulat ako sa nakita ko dahil puro sugat na yung mukha ni Yessha. At sisipain na sana nung babae si Yessha ng bigla ko siyang  binaril at tumama ito sa kanyang balikat.

"Saktan mo siya ulit at hindi ako magdadalawang isip na patayin ka!" Sabi ko dun sa babae. Alam kung babae yung nakatalikod sakin dahil sa katawan at sa suot nitong pantalon.

Dahan-dahan akong lumapit sakanila pero nakatutok parin yung baril ko sa babae. Nagulat nalang ako ng bigla niya akong sinipa kaya tumilapon yung baril at bigla nalang siyang tumakbo palabas. Hahabulin ko sana yung babae ng biglang nagsalita si Yessha.

"K--Ka--Kaiser" mahinang sabi ni Yessha kaya agad ko siya nilapitan at tinanong.

"Okay ka lang ba? Sino ba'yun at bakit ka niya kinidnap?" Tanong ko sakanya at tinulungan ko siyang tumayo.

"Hindi ko alam....pero feeling ko isa iyon sa mga babaeng may gusto sayo. Nagalit siguro siya sakin dahil parati kang nasa tabi ko" sagot naman ni Yessha. At napabuntong hininga lang ako. Hindi ko akalain na may ganong klaseng babae na kayang manakit ng kapwa babae para lang lumayo si Yessha sakin.

"Sabi ko naman sayo na mag-iingat ka! Alam mo namang maraming masasamang tao ngayon, ayan tuloy napahamak ka pa!" Sabi ko kay Yessha at napangiti naman siya sa sinabi ko. Ano bang nakakatawa sa sinabi ko?

"Alam ko kasi na poprotektahan mo ako kaya hindi ako nababahala na may mangyari sakin" sabi niya at napatingin naman ako sakanya.

"Sana hindi kita iniwan dati....siguro masaya parin tayo hanggang ngayon" sabi niya at napayuko lang ako at hindi nagsalita. Umalis ako sa harapan niya at pinulot yung baril ko bago pinasok sa loob ng jacket ko. At nilapitan si Yessha saka ako tumalikod ng upo.

"I will carry you nalang para hindi ka mahirapan sa paglalakad" sabi ko at sumakay naman si Yessha sa likod ko. At agad naman siyang kumapit sakin at hinawakan ko naman yung dalawa niyang paa bago ako tumayo at naglakad palabas ng lumang building.

Hanggang sa nakarating kami sa kotse ay hindi kami nag-uusap. Ibinaba ko na si Yessha at binuksan yung pinto sa may shotgun seat at umupo naman si Yessha. Agad naman akong umupo sa driver seat at pinaandar yung sasakyan saka umalis sa lugar na'yun para magamot ang sugat ni Yessha.

-

Yumi P.O.V

Pagdating namin sa bahay ay agad akong pinaupo ni Samara sa sofa at agad tinawagan yung doktor namin. Nakahawak parin ako sa sugat ko dahil patuloy itong dumudugo. Nagulat naman sina Manang at Lolo Tasyo sa nakita nila.

"Yumi! Anong nangyari sayo bakit may sugat ka?" Tanong ni Lolo habang papalapit sakin.

"Wala po ito Lo....ahm eh..napaaway lang po ako"

"Anong wala! Tignan mo nga yang sarili mo ang putla mo na" nag-aalalang sabi ni Lolo Tasyo

"Yumi ano ba kasi ang nangyari?" Tanong naman ni manang sakin. Sasagot na sana ako ng dumating na ang doktor at agad siyang lumapit sakin. At tinignan niya yung sugat ko. Napa-igtad naman ako ng itinaas niya yung jacket ko sa braso. Hinubad ko nalang yung jacket ko dahil mahihirapan ang doktor na gamutin ang sugat ko. Mabuti nalang at may suot akong sando. At hindi na ito kailangang hubarin dahil hindi naman nito natatakpan yung sugat ko.

LEGENDARY GANGSTER (War between LOVE and Hatred)Where stories live. Discover now