Mahal na kita

63 2 0
                                    


Sa tuwing akoy gagawa ng mga tula
Alam ko sa sarili ko na
Akoy unti unting naniniwala
Na mahal na kita

Mahal kita
Pero may mahal ka nang iba
Mahal mo nga ba?
Mahal karin ba?

Mahal kita
Oo mahal na kita
Di ko alam kung papaano
Basta lahat ng ito ay totoo

Ngunit ako si tanga
Ako na mahina
Pag dating sa ganito
Ako ay laging talo

Natatakot ako
Kung anong mangyayare kung aamin ako sayo
Di ko alam paano simulan
Di ko na maintindihan

Ganito ba talaga kapag nagmamahal?
Kaylangan bang laging sumugal?
Bakit ganito kagulo
Bakit pag dating sayo nagiging ganito ako?

Kahit gabing gabi na
Kahit mga matay napapapikit na
Pinipilit parin ilabas lahat ng aking nararamdaman
Sa ganitong paraan

Minahal kita ng lihim
At siguro mamahalin parin kita hanggang sa dumilim
Di ko masabi sayo dahil nakakahiyang aminin
Ngayon alam mo na kung bakit ayaw kong sabihin

-tin

Mga tula ng puso at isipanWhere stories live. Discover now