Aksyion at salita

57 1 0
                                    

sa una madaling maniwala
sa una ikaw ay kikiligin pa.
pero akoy nagkamali
di lahat ng bagay nananatili.

sa paggawa mo ng mahahabang mensahe dati
akoy napapamangha at napapakilig mo lagi.
sa paggawa ng mga mahahabang mensahe
lahat ng iyon ay aking itinatak sa aking kokote.

ngunit akoy naloko,
akoy iyong binigo.
akoy iyong pinaniwala
sa iyong mga salita.

ang sinabing aalagaan,
sinabing iingatan,
at ituturing na prinsesa,
ngayon ay nawala na.

akoy iyong napaniwala,
sa iyong mga sinabing salita.
at ikaw ay nagbago,
ikay naging sensitibo.

naniniwala na ako sa kasabihan ngayon
na mas paniwalaan ang mga aksiyon
kaysa sa mga salita
na malabong magawa.

~ j

Mga tula ng puso at isipanWhere stories live. Discover now