Alam ko

122 1 0
                                    



Ako ay nagbabalik muli,
Aking mga tulang malupit,
Itong tula ay para sayo,
Aking minamahal ng buong puso.

Gumawa ako ulit ng tula,
Para sayo ipadarama,
Kung papaano kita nagustuhan,
Hanggang ngayong ating kinahahangtungan.

Ito aking tula,
Ay medyo mahaba haba.
Kaya sana iyong mabasa lahat,
Ng aking mga sinulat.

Papaano nga ba kita nakilala?
Nakilala kita sa kaibigan ko na si bruhita.
Ng dahil sakanya tayo'y naging magkaibigan,
Ng dahil sakanya tayo'y naging magka-ibigan.

Hindi ko alam kung bakit,
Sa mga tula ko lahat naibubuhos ang kasiyahan at sakit .
Dahil sayo ako'y nakalikha ng mga tula,
Dahil sayo nalaman ko kung ano nga ba , ang kahulugan ng salitang 'saya'.

Ikaw ang nagbigay saakin kung ano nga ba ang kahulugan ng saya.
Saya na ngayon ko lang ulit nadarama,
Saya na kahit sino man ay hindi magsasawa,
Saya na gusto kong laging madama.

Sa paggawa mo ng mahahabang mensaheng malupit,
Ako'y lagi mong napapakilig at napapangiti.
Sa sobrang mong tamis,
Pwede na akong magkadiabetes.

Oo nga pala tinanong mo,
Kung ano ang nagustuhan ko sayo.
Sabi ko ang iyong ugali,
Ngunit nagtanong ka pa kung
bakit.

Bakit ugali?
Iilan lamang ngayon sa ating panahon ang katulad mong lalaki.
Mabait , Matulungin , Isasali ko narin ang iyong pagiging makulit , Masunurin , Mapagbigay , Matapat , Maunawain at Mapagmahal.
At marami pa akong matutuklasan sa ating samahan.

Itong tulang to ay aking pinaghandaan,
Para sa nalalapit mong kaarawan.
Ipapakita ko lahat ng ito,
Kapag sumapit na ang kaarawan mo.

Dito na ako magsisimula.
Sa pangalan ng aking tula.

Alam ko,
Alam ko na ika'y nagkagusto.
Alam ko,
Alam ko una palang may naramdaman na ako sayo.

Alam ko,
Kahit hindi mo ipakita sakin ramdam ko.
Di ko man aminin sainyo,
Pero ramdam ko rin na unti unti akong nagkakagusto sayo.

Alam ko,
Na sa bawat away at tampo,
Gusto ko  nagkakaayos tayo,
Dahil ayokong lumala lalo ito.

Alam ko,
Alam ko na sa bawat kulit mo,
Sa mga pangaasar sakin,
Pinaparamdam ko na ikay mahalaga parin.

Alam ko,
Alam kong natakot ako,
Natakot ako sa mga possibleng mangyari,
Lalo na kung mahihiwalay ka saakin.

Alam ko,
Alam kong mahina ako,
Alam ko na ang duwag ko,
Ngunit nagbago ang lahat ng ito.

Alam ko,
Ikaw ang nagturo,
Kung papaano lumaban,
Lalo na kung gusto mo ito makamtan.

Alam ko,
Na ang daya ko,
Na ang hina ko,
Dahil hindi ko sinabi agad sayo.

Alam ko,
Nasaktan ka sa sinabi kong 'hanggang magkaibigan muna tayo.'
Ngunit hindi ka nawalan ng pagasa,
Ikaw ay patuloy parin na umaasa.

Alam ko,
Ang saya mo.
Dahil nakamit mo na ang iyong gusto.
At heto ako masya para sayo

Alam ko,
Kung gaano ka nasaktan.
Kaya ipaparamdam ko sayo,
Ang karapat dapat para sayo.

Alam ko,
Kung gaano kasakit ang iyong mga pinagdaanan.
Pero ako'y bilib parin saiyong kakayahan.
Isa rin sa aking nagustuhan.

Alam ko,
Hindi ka mahirap pag sabihan.
Nakakaintindi karin ng mabilisan.
Isa rin ito sa aking mga nagustuhan sa iyong kaugalian.

Alam ko,
Di ganun kaganda ang kabataan mo.
Gusto ko ito palitan,
Kahit imposible nang balikan.

Kagaya sa mga sinabi ko sayo dati,
Nandito lang akong parati.
Masaya o Malungkot man,
Lagi kitang dadamayan.

Alam ko,
Mahal mo ako,
Alam ko ,
Mahal ko.

-j

Mga tula ng puso at isipanWhere stories live. Discover now