Nasa huli ang pagsisisi

233 0 0
                                    

Hanggang kaylan ba ako aasa?
Dapat ginawa ko na noon pa
Dapat lumayo na ako dati pa
Nang sagayon di na ako nasasaktan pa.

Ginawa ko naman lahat
Pero parang di parin sapat?
Ikaw ang pambura ako ang panulat
Gaano man kadami ang aking isulat
Pinipilit mo parin baguhin ang lahat.

Sa lumipas na taon
Ang dami na pala nagbago
Ikaw at ako
Ay di na gaya ng dating tayo

Akala ko magiging masaya
Akala ko madaming magandang magbabago
Ngunit mali nanaman ako
Binigo mo nanaman ako.

Ilang beses ko na gustong umalis sa buhay mo
Pero bagsak ko paring manatili sa tabi mo
Di sa gusto kitang iwan
Pero sobra na akong nasasaktan

Alam kong hindi madali
Na iwasan ka ng ganun kadali
Pero ikaw narin nagbibigay ng motibo
Na gawin ko ang gusto ko

Wala akong iba
Dahil ikaw lang aking sinta
Pero kung mahal mo talaga ako
Pagbigyan mo na ako sa gusto ko

Hanggang dito nalang siguro ako
Pansamantalang lalayo sayo
Dahil pagod na ako
Di ko na kayang indahin ito

Bumigay na ako
Napagod na ako
Alam kong ilang beses ko na sinabi to sayo
Pero ngayon sigurado na ako

Nakakasawa na
Nakakasawa nang umasa sa wala
Umaasa sa mga bagay na walang kasiguraduhan
Umaasa parin hanggang sa masaktan.

-j

Mga tula ng puso at isipanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon