Pagod na ako

129 1 0
                                    

Pagod na ako
Nawala na ang dating ako
Akala ko habang patagal ng patagal magiging masaya
Ngunit lahat nang ito ay kabaliktaran pala

Buhay dati ay masaya
Walang iniisip na problema
Lahat masaya
Isang buong pamilya

Pero lahat ng bagay nagbabago
Bumaliktad na ang mundo.
Dating masaya
Ngayon ay wala na.

Alam ko at alam niyo kung ano ako
Kung ano ang ugali ko
Dating madaldal at masayahing bata
Ngayon  ay naglaho na

Sa bawat gawa ko ng tula
Akoy namamangha
Dahil dito ko nabubuhos ang tunay na ako
Kung ano talaga ang aking pagkatao

Pagod na akong umintindi
Pagod na akong umiyak tuwing gabi
Pagod na akong binabalewala
Pagod na ako sa lahat ng aking ginagawa

Habang akoy patanda ng patanda
Di ko na ramdam na kasali ako sa pamilya
Ginawa ko nang lahat
Pero di parin pala sapat

Sa bawat gawa ko ng tama
Inyong binabalewala
At sa  mga mali kong gawa
Lagi niyo napupuna

Sa bawat tawa at ngiti na nagmumula sa labi
Ay may nakatagong sakit
Sakit na ilang taong aking dinanas
Ngayon aking inilalabas

Sa bawat labas ng mga masasamang salita
Hindi ko na iniinda
Dahil halos araw araw akoy nasasaktan
Kaya siguro ito ay akin nang nakaugalian

Mahina akong tao
Ayaw kong makita ng ibang tao ito
Ayaw ko maging kawawa
Ayaw ko na

Minsan kung ano ano nalang pumapasok sa aking isipan
Bakit ganito ang aking nararamdaman
Gusto ko na lang mawala
Dahil ayoko na , suko na.

-j

Mga tula ng puso at isipanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon