Ngiti

69 1 0
                                    

Mga ngiti
Sa aking labi.
Ngingiti dahil napipilitan
Ngingiti para matago ang totoong nararamdaman.

Ngingiti sa harap nila
Magpapangap na masaya.
Hanggang sa aking makakaya
Ngingiti kahit nahihirapan na.

Sa bawat ngiti
May tinatagong hinanakit.
Sa bawat ngiti
May tinatagong pait.

Malungkot man
Akoy ngingiti parin.
Mawalan man ng gana
Ngingiti parin hanggang sa makakaya.

Sa bawat ngiti
Akoy nagiging manhid.
Pagkatapos ngumiti
Luluha pagsapit ng gabi.

Tuwing gabi
Nawawala ang ngiti.
Unan at kumot
Kasama ko lagi kapag akoy malungkot.

Tuwing gabi
Iiyak lahat ng sakit.
Tuwing gabi
Ako ay hindi na nakangiti.

Langit at bituin
Laging nandyan para sakin.
Langit at bituin
Nakangiti pero lumuluha parin.

Gusto ko lang naman ay
Ay ang maging masya ang aking buhay.
Ang aking gusto
Ay ang ngumiti ng totoo.

-j

Mga tula ng puso at isipanWhere stories live. Discover now