"Para sayo aking mahal"

205 1 0
                                    


Muli nagbabalik ang aking tula
Ngunit ito ata
Ang makakapag sira
Sa damdamin nating dalawa

Mahal di ko na alam
Lagi nalang ganito ang aking nararamdaman
Isa na ata ako sa mga pinakamasang tao sa mundo
Sa dinami rami ng tao bat ikaw pa ang sasaktan ko

Araw araw , gabi gabi
Ikaw ang iniisip palagi
Makilala man lahat ng lalaki sa mundo
Ikaw parin hinahanap hanap ng aking puso

araw araw at gabi

ikaw ang iniisip

sa dami ng lalaki

ika'y aking pinili

Di ko alam kung ano ang aking pipiliin
Di ko alam kung sino ang susundin
Aking pananampalataya
Oh ikaw na taong lagi akong pinapasaya

Gabi gabi na lagi akong malungkot
Pagod na ang puso at utak
Aking mga unan na laging taga tuyot
Ng mga luhang dahan dahang papatak

Iniisip ang mga posibleng mangyari
Kung ikay aking papatigilin
Ngunit hindi ko kakayanin
Na ikay makitang umiiyak ng dahil sa akin

Ayokong umiyak
Mas ayokong makita kang umiiyak
Di ko kaya
Di ko kayang makita kang magdusa

Ititigil ko na dito
Dahil nakakasakit na ako
At aking sinasaktan
Ang aking pinakaiingatan

-j

Mga tula ng puso at isipanWhere stories live. Discover now