Chapter 1

11.1K 167 8
                                    

Chapter 1

Nakatingin lang si Godo sa pinsang si Seymour. Kasama siya sa sasakyang magdadala rito sa basement ng isang sikat na ospital. Doon sa basement dinadala ang mga taong kailangan na ng propesyunal na tulong upang matigil sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot. Wala itong kaide-ideya kung saan sila tutungo.

Inaaliw niya ito sa daan, hindi ito kusang sasama doon. Naalala niya ang naging dahilan upang tuluyan nang mabuo ang desisyon ni Brett, ang best friend ng kapatid nitong pumanaw noong nakaraang taon, dalhin ito doon sa ganoong paraan...

"Oh, God..." sambit ng kanyang ina.

Kulang matanggal ang ulo niya sa kanyang leeg sa paglingon sa mabilis na motorsiklong nakasalubong ng kanilang sasakyan. Alas-tres ng madaling-araw, katabi niya sa sasakyan si Brett, ito ang nagmamaneho. Nasa likod ang kanyang na. Halatang nabigla ang matanda, pero hindi ito nag-iisa. Siya man ay labis na kinakabahan sa kanyang nakita. Si Seymour ang sakay ng motorsiklo. Wala itong helmet at napakatulin ng patakbo sa highway.

"W-was that Seymour?" tanong ng matanda sa likod.

Tumango siya. Agad na nagmaniobra si Brett. Hindi siya maaaring magkamali. Kahit mabilis lang itong dumaan sa kanila ay nakilala niya ito. Sa katunayan, parang tumatak sa kanyang isip ang hitsura nito---nakangiti kahit tila walang tunay na emosyong nakasulat doon.

"Oh, God..." sambit muli ng kanyang ina. Binilisan pang lalo ni Brett ang patakbo upang makasunod sa kapatid. Ang hirap nitong maabutan. Seymour was on a Harley, while they were on his mother's Sedan. Inumaga sila sa pagkuha ng nasira kaninang sasakyan ng Mommy niya. Nagkataong nasa kanila si Brett kanina, bumibisita para mismo humingi ng payo sa kanyang ina para kay Brett.

Mula nang pumanaw ang best friend nitong kapatid ni Seymour ay ito na ang namahala sa negosyo ng pamilya nina Seymour.

May sampung metro ang layo nila sa likod ni Seymour.

Panay ang busina rito ni Brett pero tila wala itong napapansin dahil hindi ito tumigil o nagmenor man lang. Hindi pa nagtagal, ang kabilang lane na ang sakop nito, panaka-naka ay itinataas ang magkabilang kamay sa ere.

Umiiyak na ang kanyang ina sa puntong iyon. "Wh-what's happening to that boy? Oh, hijo..."

Shit, Seymour, get back on your lane!

"No! No!" sigaw Brett.

"Oh, please no..." sambit niya nang matanawan ang headlights ng paparating na truck. Wala itong choice kundi ang magmenor, kung hindi ay tiyak na maaksidente silang tatlo. Patuloy ito sa pagbusina. Hindi umalis sa kabilang lane ang motor ni Seymour. Ang mga braso nito ay nakalahad sa langit.

And he watched in horror as he rapidly approached the truck. He was not able to breathe. Sa huling sandali, umiwas sa truck ang motor, pero huli na. Kasabay ng malakas na pagbusina niya, maging ng truck ay sumalpok ang motorsiklo sa gilid niyon.

Kitang-kita niya ang tila gintong apoy mula sa nagkiskisang bakal at semento na nagningning sa dilim ng gabi---nang mariing kumiskis ang motorsiklo nito sa kalsada habang sakay pa ito. He knew that instant he had lost his cousin.

Agad silang bumaba sa sasakyan si Brett. Tinakbo nila si Seymour, wala na ito sa kalsada, napunta na ito sa kakahuyan sa gilid ng daan. He felt so glad when he heard him moaning. May nag-flashlight sa kanila.

"P-patay na ba?" tanong ng lalaking siyang driver ng truck marahil.

Hindi na niya ito natugon, nilapitan na niya si Seymour. Nakalapit na si Brett nang tuluyan dito. To his surprise, the only part of his bloody that was bleeding was his arm.

DARK CHOCOLATE SERIES 5: BITTER BLUNDER, SWEET SURRENDERWhere stories live. Discover now