Chapter 7

5K 153 2
                                    


Chapter 7

Hindi na pinansin ni AJ kahit na siya ang nasa likod ng sasakyan at si Tonie ang katabi ni Seymour sa unahan. Nauna na itong sinundo ni Seymour kanina dahil sumaglit daw ito sa mall at ibinili ng regalo ang may kaarawan. Nagpatulong daw ito kay Tonie.

Hindi na rin niya pinansin na kay Tonie ito nagpatulong na mamili. Naisip niyang baka nami-miss na ng mga ito ang isa't isa. Kahit naman siya ay nami-miss na niya ang mga kaibigan niyang iniwan siya noong naghirap na siya. Kahit galit siya sa mga ito, minsan ay nakaka-miss din ang company ng mga ito. Eh, di lalo na sina Tonie at Seymour na halata namang hindi nag-aaway?

Iyon nga lang, bahagya siyang naiinis. Inis na iniignora na lang niya.

Nang makarating sila sa pagtitipon ay agad niyang binati ang may kaarawan. Ibinigay niya rin dito ang kanyang regalo.

Nagkakuwentuhan sila nito. Funny, they did not talk about Brett. Simpleng kinumusta lang niya ang lagay ng anak nito. Mukhang tanggap na nito ang lahat. At mayamaya ay naunawaan niya kung bakit. Mula na rin dito, mukhang hindi nakatiis. Iba na ang inirereto nito sa anak---si Candace.

"Oh, sweet Candace. Now that I thought about it... I guess my son has been in love with her since she was young. But she was too young back then. Oh, isn't that just the sweetest thing? Pero sana naman ay maunahan nilang magpakasal si Seymour." Tinapik nito ang kanyang kamay.

Nag-init ang kanyang mukha. Ni hindi siya makapaniwalang nahuhulaan nito ang relasyon nila ni Seymour. The old lady didn't seem to mind at all. At ganoon na ba sila kaseryoso? Ano at kasal na ang nabanggit nito? God, her heart swelled.

Magkokomento sana siya pero naipit na iyon sa lalamunan niya sa sinabi nito.

"I think Tonie would be a very lovely bride. Don't you think so? Oh, and I can imagine the wedding dinner. It would probably be superb."

Sukat nagkasamid-samid siya.

"Are you all right, hija?"

"Y-yes."

"Look at them. A lovely couple." Nakatingin ito kina Seymour at Tonie. Hindi niya makita ang lovely couple na nakikita nito. Dahil siya at tanging siya lang ang dapat na kasama ni Seymour kapag sinabihan ng sinuman na lovely couple ito kasama ang kasintahan.

"They're just friends."

"Maybe for now but you know, history repeats itself."

Hindi siya nakaimik sa dami ng nag-uunahang salitang gustong kumawala sa labi niya. Mabuti na lang at ipinaliwanag sa kanya ng matanda ang lahat. Mukhang hindi nito nahahalatang malapit na siyang mag-hysteria.

"My boys are really growing up. Seymour's like a son to me. Mahal na mahal ko ang batang 'yan. Parang kuya niya rin, you know, Brett's best friend who passed away... Tonie left years ago and Seymour was devastated. But now she's back and I am hoping they would get married soon. She's starting a business here, Tonie. I bet her restaurant business is going to be very successful."

"Yeah, I bet her big fat ass is going to be a hit."

Napasinghap ito, sabay lingon sa kanya.

"Don't you think so?" She smiled at the old lady while searching for something to say to cover up her tactless comment. "Her big fatty bass recipe is going to be a hit. Sea bass? We talked and she told me that's one of her specialties. I'm not a fan of fatty foods and dairy but when she told me the recipe---complete with butter, several herbs, olive oil, and five different cheeses, my mouth just watered."

DARK CHOCOLATE SERIES 5: BITTER BLUNDER, SWEET SURRENDERWhere stories live. Discover now