Chapter 3

5.2K 138 0
                                    


Chapter 3

Seymour knew Brett's life was going to be hell if he married the woman. Alam niya na kailangan niya itong tulungan, hindi man iyon ang eksaktong hiniling nito sa kanya. He decided to once and for all talk to AJ and ask her what she wanted and give it to her. Siguro sa paraang iyon ay ito na mismo ang aatras sa plano ng ina ni Brett, isang malinaw na kalokohan.

He understood his mother though. Matagal nang wala sa kalendaryo si Brett. Maybe she did not mean it when she first told AJ about her marrying her son, but now that she came back, it the first thing she remembered because she was already frustrated with her son still being single at his age.

Marami na itong espekulasyon tungkol sa lalaki. Lahat ng iyon ay sinasabi nito rito, at minsan ay pati sa kanya dahil napalapit na rin naman siya rito. She even suspected Brett was gay.

Alam niyang hindi iyon totoo, bagaman wala naman siyang katunayan. He just felt it in his bones. At kahit minsan ay nagpapakalohikal siya at naiisip ang posibilidad na iyon---dahil sa tinagal-tagal ng panahon ay hindi man lang ito nagkaroon ng nobya---hindi siya maisip na nasa ikatlong kasarian ang lalaki.

Brett's mother once asked him in confidentiality if he ever thought his brother was her son's lover. Imbes na minsulto ay natawa lang siya. Alam niyang may katwiran naman itong isipin iyon, pero alam niyang lalaki ang kapatid niya. Marami itong naging nobya noong buhay pa ito.

Dinala niya si AJ sa isang restaurant. Panay ang bulong nito na naririnig naman niya. Panay reklamo ito, halatang naiinis na wala na itong nagawa at kasama na siya. Wala pa yatang insidenteng darating na hindi siya maiirita sa kadaldalan, kaartehan, at pagiging mapang-insulto nito.

He did not want to question her parents' way of raising her, but they did something terribly wrong for her to turn out the way she was.

Kaunting-kaunti pa lang ang alam niya sa babae. Pangalan lamang, at ngayon ay edad, at ang kagustuhan ng ina ni Brett na ito ang pakasalan ng lalaki, at ang pangako diumano ng matanda sa babaeng ipapakasal ito kay Brett. Bukod doon ay wala na siyang alam tungkol dito. Hindi rin niya alam kung bakit gusto nitong pakasalan si Brett, pero ang unang rasong naiisip niya ay pera, ngayong alam na niyang ito ang babaeng bagong lipat sa Sweet Homes, sa bahay kung saan may residenteng napaslang.

Um-order na siya. Naisilbi na ang inumin nila ay hindi pa rin nito mapagdesisyunan ang kakainin.

"You want me to order for you?" inis nang tanong niya.

Inirapan siya nito saka binalingan ang waiter at mataray na tinanong. "Are all your pasta dishes either swimming in oil or dairy?"

"Just order something."

"I can't eat too much oil or dairy! What do you know? You probably eat like a pig! I'll have the chef's salad, vinigrette dressing. Thank you."

He could not believe he could feel that much irritation and impatience towards another person. Hindi man siya eksaktong friendly ay makatwiran naman siyang tao at matagal bago siya magalit. Pero iba sa babaeng ito. Siguro dahil na rin sa ito pa lang ang taong tumtrato sa kanya ng ganoon.

Bago siya magsalitang muli ay kinalma na lang niya ang sarili. Para kasing gusto na niyang pagtaasan ito ng tinig. Tumikhim siya habang ito ay nakalabing masama ang tingin sa kanya.

"So, let's talk. Are you ready for that?"

She snorted as a reply.

Napikon na siya. "How would you expect Brett to like you if you're like that? You don't know him at all, do you? Why do you really want to marry him?"

DARK CHOCOLATE SERIES 5: BITTER BLUNDER, SWEET SURRENDERWhere stories live. Discover now