Chapter 4

4.4K 141 2
                                    


Chapter 4

"Please do invite her, Seymour. And tell her sister to come as well."

"Yes, Tita."

"Thank you, hijo. You take care now." Nawala na ito sa linya.

Ang pinaiimbitahan nito sa kanya ay walang iba kundi si AJ. Kung maaari lang niyang tanggihan ang matanda ay ginawa na sana niya. Ayaw niyang kumatok sa pinto ng babae upang ianunsiyo iyon. Parang nakikinita na niya ang magiging ekspresyon nito----magyayabang sa kanya.

Hindi naman niya maunawaan sa ina ni Brett kung bakit kahit na sinabi na niya rito ang lahat ay tumango lang ito. She said she already thought about it. Iyon lang ang naging takbo ng usapan nila. Ayaw naman niyang igiit ang nasa isip niya. Basta't nagawa na niya ang sa tingin niya ay obligasyon niyang sabihin dito.

Parang gusto na niyang isipin na parang hindi na ganoon kahalaga sa matanda ang kaligayahan ng anak nito, basta't maipakasal lang ito sa babae. At sa lahat naman ng babae ay kay AJ pa.

Kaninang umaga lang nang basain siya nito ng tubig sa kalsada.

Bigla siyang napailing nang maalalang pinatulan niya ito. Kinuha pa niya ang ito ang binasa. Hayun tuloy at nakita niya ang bagay na aminado siyang ilang ulit na niyang nailarawang-diwa. He thought it was only normal for he was male. It was in his nature to get interested in things like that.

But the woman seemed interested in his thing, too. Sa bagay na iyon ay hindi niya malaman kung ano ang kanyang iisipin. Dapat ba siyang matuwa o lalo lang mainis dito? And now this. He must tell her she was being invited to attend Brett's mother's party.

Madalas na magpa-party ang matanda kahit wala namang tunay na okasyon. Mamayang gabi ay selebrasyon para sa pagkadagdag sa painting na matagal na nitong inawitan sa isang kolektor at sa wakas ay nabili na nito. Ibig daw nitong ipakita iyon sa lahat.

Hindi pa siya kaagad nagtungo sa bahay nina AJ. Hihintayin niya ang huling sandali. Nag-ayos na lang siya ng susuotin niya. The past two weeks made him lose five more pounds. He was glad. Unti-unti man ay naibabalik na niya ang dati niyagn pangangatawan bagaman ang sabi sa kanya ng ina ni Brett ay huwag na raw siyang mag-aksaya pa ng effort. Siya raw ang isa sa iilang kahit na anong hugis ng katawan ay babagayan.

He used to think so too, until AJ started insulting him. Isa pa ay talaga namang ibig niyang ibalik ang dating timbang. Mas naeengganyo nga lang siya ngayon dahil sa babeng iyon, kahit pa pilit niyang iniisip na wala naman siyang pakialam sa opinyon nito. Why the hell would her opinion matter when he thought she was someone who did not and would not share his thoughts about anything.

Sinipat niya ang relo. Alas-siyete na ng gabi. Napilitan na siyang lumabas at magtungo sa bahay ni AJ. Ito mismo ang nabukas niyon. Nakataas na kaagad ang kilay nito sa kanya at nakasimangot. The woman could look beautiful even with that annoying smirk on her face.

"What the hell do you want?"

"Where's your sister?"

"What do you want from her?" Tumaas agad ang tinig nito, tila ibig proteksiyunan ang kapatid sa kanya hindi pa man. He was getting ticked off once again. Why can't the woman talk to him in a civil manner, at least?

"I was just asking---"

"Don't tell me you like her?" Nakakainsulto itong tumawa. "Nanliligaw ka ba? Ewww! You better stop while you're ahead. My sister doesn't like short, fat men."

Muli itong tumawa. Aktong muli itong magsasalita nang mapikon siya. Pinatahimik niya ang mga labi nito ng halik.

He did not expect her lips to feel that soft against his.

DARK CHOCOLATE SERIES 5: BITTER BLUNDER, SWEET SURRENDERWhere stories live. Discover now