Chapter 5

4.5K 132 1
                                    


Chapter 5

Leticia De Dios was an eccentric woman. Naisip na iyon ni AJ noon pa lang una sila nitong magkita. Ang gusto niya sa matanda ay madali itong kausap. Pinasamahan lang siya noon sa isang babae tungo sa bahay sa Sweet Homes. Nang bumalik siya upang kausapin ito at nagkasundo sila sa mababang presyo ng upa ay ibinigay na nito sa kanya ang susi doon.

Ang usapan nila, ang uupahan niya doon ay ang mga silid lamang. Pero wala na raw itong ibang papayagang umupa doon. Iyon nga lang daw, kapag naibigan nitong dumalaw doon o tumira ay doon ito sa isang silid na nakakandado tutuloy. Naisip naman niya na hindi ito magtatagal doon kung dadalaw man ito. Alam niyang doon sa bhay na iyon namatay ang kapatid nito.

Pero tila nagkamali siya ng inisip. Isang linggo na mahigit doon ang matanda, at ang sabi nito ay doon muna raw ito tutuloy. Okay naman din sa kanya dahil madalas na nasa silid lang nito ito. Kapag naman nasa sala ito ay karaniwang may binabasa lang itong malaking diary. Anito'y sa kapatid nito iyon.

She even casually that because of the diary, she found out who murdered his sister. Nang sabihin nito iyon sa kanya ay nagkibit lang siya ng balikat. Hindi na mahlaga sa kanya kung may katotohanan iyon o wala. That was her life, she already had her hand full with the goings-on in hers. She was never the type who got interested in other people's lives. Siguro, dala iyon ng estado niya noon, kung saan ang bida lang ay ang sarili niya.

Some time had passed since she talked to her godmother. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya alam kung ano ang sitwasyong kinapasukan niya. Ganoon pa rin ang samahan nila ni Seymour. Hindi pa rin niya alam kung ano ba ang ganap nito sa buhay niya. Ang alam lang niya ay ito ang nagbibigay sa ngayon ng mga pangangilangan niya.

Hindi na niya kinailangan pang magbenta ng gamit niya. Kahit naman hindi ito masasabing generous sa bigay nito, sapat naman iyon sa mga pangangailangan niya.

She had no idea when it would all last.

She had no idea who he really was.

She had no idea what she got herself into.

She was terrified.

Ang kapatid niya ay nasa Maynila pa rin. Nagpapa-bank transfer na lang siya ng pera sa account nito. Mas maigi na ring naroon ito, sa gayon ay hindi ito magtatanong sa kanya kung bakit minsan ay nagtatagal sa silid niya si Seymour. Kunsabagay ay hindi naman iyon nagaganap kapag naroon ito. At nitong huling naroon si Leticia De Dios ay hindi rin iyon nangyayari. Karaniwan ay sinusundo siya nito doon, kakamustahin siya, at yayayaing kumain sa bahay nito, kung hindi pa raw siya naghahapunan.

Alam naman nila kapwa na hindi simpleng hapunan ang mangyayari. At siya naman, kumbakit naman hindi niya ito mapahindian. Siguro ay dahil na rin sa para bang mas maganda ang gabi niya kapag nakakasama niya ito. Kahit saglit lang. Kahit sa gitna ng gabi ay umuuwi pa rin siya sa bahay niyang tinutuluyan. At kahit hindi sila nito gaanong nag-uusap. At ni minsan ay hindi pa sila nito natutulog nang magkasabay.

Ang weird ng setup nila. Kapwa naman nila hindi mabago iyon. Nangangamba siya sa maaari nitong sabihin kapag nagtanong siya. Pagdating dito, parang hindi na niya kilala ang sarili niya.

Ang tanging malinaw sa kanya ay masaya siya kapag magkasama sila. Dumarating ang pagkakataong titingnan lang niya ito at para bang gusto niyang lapitan ito, lambingin. Hindi naman niya magawa dahil kapag ganoong simula pa lang ay puno pa sila kapwa ng tensiyon. Ang pinakapaborito niyang sandali ay iyong kapag tapos na silang magniig. Napagbibigyan niya ang kanyang sariling yakapin ito nang hindi siya nag-aalala sa maaari nitong isipin sa kanya.

DARK CHOCOLATE SERIES 5: BITTER BLUNDER, SWEET SURRENDEROn viuen les histories. Descobreix ara