Chapter 8

8.1K 176 11
                                    

Chapter 8

"Where did you get this money?"

Mangha si AJ habang tinitingnan ang bank book ni PJ. Napakalaking halaga ang naroon. Sinabi na niya rito ang nangyari sa kanya. Lahat ay sinabi niya rito dahil hindi na niya nakayang sarilinin iyon.

For the first time in her life, she told her sister she was now very scared for the two of them but she was willing to do everything for them. Handa pa rin siyang gawin ang lahat ng kaya niya upang mabuhay sila. Sinabi rin niya ritong tanggap na niyang mahihirapan silang mamuhay tulad noon. Ipinaliwanag niyang sana ay maunawaan nito iyon. Iyak siya nang iyak habang nagsasalaysay.

She needed her sister's help. Gusto kasi niyang magsimula ng negosyo. At naisip niyang kailangan nilang mag-ambag na dalawa para doon. Mas marami pa itong gamit na hindi pa nabebenta.

Hindi niya inaasahan na bank book ang magiging tugon ni PJ sa lahat ng sinabi niya rito.

"Answer me, PJ. Where did you this money from?"

"Let's j-just use it."

"No. Not unless you tell me where it came from."

Sukat ito naman ang humagulgol. Her heart broke when she told her what happened to her. Halos magkatulad lang pala ang nangyari sa kanilang dalawa. Ang problema ay sa kaaway nila ito napasama---kay Franco Manete. Ang lalaking iyon ang pinagkatiwalaan ng lolo nila na siyang nanloko sa matanda.

Now PJ hated herself. Wala siyang nagawa kundi yakapin ito nang mahigpit.

"You will return this money, PJ."

"And what? Have nothing to show for my whoring?"

Sukat nasampal niya ito. Kaagad niya itong nayakap. Napahagulgol na naman siya. Panay ang hingi niya ng paumahin dito. Patuloy itong nagkuwento sa kanya ng nangyari dito. Hindi pala totoong doon ito sa bahay ng best friend nito tumutuloy. Kinutsaba lang nito ang best friend nito sakaling magtanong siya---na hindi rin niya ginawa dahil may tiwala siya rito.

Oh, she hated that Franco! She hated Seymour!

Ang hirap tanggapin na pareho pa silang magkapatid na nagkaganoon. Ganoon ba talaga ang nangyayari sa mga tulad nilang walang muwang sa mundo? Sinasamantala?

Maaaring hindi nman ganoon ang dating ng pangyayari sa isip nila noon, pero ganoon din naman ang suma. She gave herself to Seymour because she felt a strong connection with him. Iba pala ang naiisip nito.

"You are going to return this money, PJ. You are not for sale. We are not for sale. Tanggapin na lang natin na naghirap tayo, okay? We are going to sell some things and we can start a small business. Kapag okay na ang business mag-aaral tayo ulit. Do you understand me?"

"Yes. Thanks, AJ. I love you."

"I love you, too, sweetie."

"Tell you what. Since we're going poverty-stricken all the way, why don't we celebrate tonight? Last coño night out, what do you say?"

"Okay."

Nagbihis na nga silang magkapatid at umalis. Ang nalalabi nilang pera ay itinodo nila sa pag-dine out at pag-party. Ang kaso, kapwa sila hindi nag-enjoy. Alas-onse ng gabi ay naroon na silang muli sa Sweet Homes. She saw Seymour outside his house. Naroon din si Tonie.

"That's the Tonie you're talking about?" si PJ.

Nakatingin sa sasakyan nila si Seymour. Alam niyang hindi naman siya nito tanaw sa loob dahil tinted ang bintana niyon. I hate him so much.

DARK CHOCOLATE SERIES 5: BITTER BLUNDER, SWEET SURRENDERWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu