nine

1.2K 75 39
                                    

kwini

"anong kailangan mo?" tanong ko sa dalawang pusit na nandito ngayon.

nakapamulsa akong naglakad palapit sa kanila and i can sense na nataranta sila sa paglapit ko. lmao, sila pa yung may ganang pagplanuhan ako ng masama tapos mga duwag naman pala.

"l-l-layuan mo si jihoon." nauutal na sabi ni katie.

"a-a-ayoko nga." pang-aasar ko.

"PWEDE BA WAG KANG MAKULIT! HINDI KA GIRLFRIEND NI JIHOON!" sigaw ni isabelle.

"tapang mo ah. bakit? ikaw din ba ang girlfriend ni jihoon?" tanong ko ng nakasmirk.

hindi siya nakasagot. ayan kasi, magtatapang-tapangan tapos epic fail naman. hindi nila matatalo ang isang bad girl no!

"tignan natin kung lalabas pa din yang pagiging bad girl mo."

biglang nagsilabasan ang anim na babae at sa pagkaaalala ko, mga katroop namin to sa girl scout. so hindi siya nagkamali sa pagsend ng message, talagang para sa gc yun. kaso nakalimutan niya atang na-add ako ni julia dun dati.

naramdaman kong may humawak sa buhok ko, akmang hahablutin ko na ang kamay niya nang may humawak sa akin sa magkabilang braso ko.

"bitawan niyo ako! lumaban nga kayo ng patas!"

ang sakit na sa anit yung pangsasabunot nung babae tapos may dalawa pang nakahawak sa paa ko. yung isang babae pinagtadyak-tadyakan pa ang tiyan ko.

"bitawan niyo ako mga gago kayo!"

sinampal ako ni katie ng napakalakas,
"deserve mo lang yan kasi malandi ka! palagi ka nalang nakadikit kay jihoon."

"hindi kaya ikaw yun?" nakangisi kong tanong.

sinampal niya akong muli. tumawa nalang ako. at mukhang mas lalo siyang nainis kaya pinagsampal niya ako at pinagtadyakan.

nalalasahan ko na ang dugo ko pero tumawa nalang ako.

ano pa bang magagawa ko?

"bitawan niyo na siya!" sigaw ni isabelle. agad naman siyang sinunod ng mga gaga, pagkatapos ay umalis ang anim na gaga.

"ngayon, bumawi ka--"

hindi ko na pinatapos pa si katie, agad ko siyang sinuntok. putangina niya! wag siyang magmatapang.

"how dare you!"

"eto pa sayo!" akmang susuntukin ko ulit siya pero..

"tumigil ka na nga kwini!"

si jihoon....

"di ko akalain na dadating ka sa point na ganito na ang gagawin mong pananakit. masama ka nga talaga!" sabi ni jihoon sabay akay kay katie palayo.

napangiti ako ng mapakla. nagsalita naman si isabelle sa tabi ko, "oh? bakit di ka nagpaliwanag?"

"kung magpapaliwanag ako, maniniwala ba siya? hindi naman eh."

pagkatapos kong sabihin yun ay naglakad na ako pauwi. di ko mapigilan ang maiyak.

ilang taon na akong naghahabol kay jihoon pero wala din namang improvements. nagpakabait ako dati, ayaw niya sa akin. nagpakasama ako, ayaw niya pa din. kahit anong gawin ko, hindi niya ako gugustuhin dahil lang sa agreement nila ng deputang taong nasa picture frame ko.

ang sakit na nga ng puso ko, pati pa katawan ko. malakas manampal si katie, aaminin ko yun.

ipinahid ko ang dugo sa bibig ko gamit ang likod ng kamay ko. ang sakit ng tiyan ko. nagkapasa ata eh, pati ulo ko.

ahh sht! ang sakit!

and then....



i lose consciousness.

bad girl (✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon