forty-four

680 39 4
                                    

kwini

"wag na wag kang lalabas diyan nang umiiyak or else.."

"or else what?" tanong ko kay jinyoung.

"hahayaan mo akong manligaw sayo whether you like it or you will like it" nakangiti niyang sagot.

"gago" nakailing kong komento. pagkatapos nun ay naisipan ko ng kumatok sa pinto.

inhale. exhale.

pagbukas ay binati ko muna ang mga kasambahay at syempre parents ni jihoon. sabi nila na dumiretso lang daw ako sa taas kasi nandun si jihoon, sa kwarto niya.

"uhm.. jihoon?"

kumatok ako sa pinto ng kwarto niya. walang sumagot kaya pinihit ko ang knob, buti at di naka-lock.

pagbukas ko ay bumungad sa akin ang isang maamong park jihoon.

mahimbing na natutulog but by the looks of it, parang ngayon lang siya nakatulog.

his room was a mess at ang lalaki ng eyebags niya. may tissue din sa mesa na katabi ng kama niya.

"jihoon.." mahina kong tawag pero mukhang pagod na pagod talaga siya.

humihilik pa siya. how cute.

umupo ako sa kama niya. pinagmasdan ko ang tila anghel na taong nasa harap ko. ang lalaking mahal ko.

i brushed his hair using my fingers.

gusto ko siyang yakapin pero takot ako na baka magising siya.

"jihoon... i miss you"

i stared at his handsome face. i traced his eyebrows down to his nose then to his lips.

ang sarap siguro sa pakiramdam pag naging akin ang lahat ng to.

"alam mo ba na kinikilig ako tuwing inaasar mo ako nung bata pa tayo? because that was the only way na nakakausap mo ako, i liked that. pati si kuya klarence alam na may feelings ako para sayo pero sinabihan ko siya na wag niyang sabihin sayo. buti at nakinig siya."

"alam mo ba kung kelan kita nagustuhan? yun yung time na natatae ako sainyo tapos di ko mahanap ang cr, hinatid mo ako sa cr tapos binuksan mo pa yung bowl. i find it sweet tho hahaha. abnormal ko ba?"

alam kong hindi sasagot o makakareact si jihoon ngayon pero i just let myself talk.

"nung time na naospital pa si kuya, you were there to cheer me up. oo inaasar mo ako pero nagbago ka noong tuluyang binawian ng buhay si kuya. dumestansiya ka sa akin and i felt that you hated me hanggang sa lumaki tayo. this question had always been in my mind, why did you hate me and why were you running away from me?"

"oo obsessed na kung obsessed pero kung ang pagsira ng relasyon mo at ang pananakit sa mga babae mo ang only way na makuha ang pansin mo, i was willing to be bad in your eyes. ilang years na akong uhaw na uhaw sa pagmamahal mo jihoon and i was thankful na naging tayo. kahit di mo man aminin, i felt that i was loved. oo, medyo nagkulang ka sa time sa akin pero i can see love the way you look at me. naga-assume na naman ba ako?"

napabuntong-hininga ako.

"don't worry, this will be the last time na mangungulit ako sayo. i just want you to know na minahal kita ng sobra, mahal parin kita ng sobra at mamahalin pa kita ng sobra. sekreto at sa malayo na nga lang. oo, lalayo na ako hehe. kaya mamimiss kita."

i looked at his face for the last time.

"saranghae jihoon."

i kissed his cheeks.

"say goodbye to this bad girl."

bad girl (✔)Where stories live. Discover now