twenty

1K 58 6
                                    

kwini

kasama ko si baejin ngayon. kumakain kami ng paborito kong ice cream habang nakatingin sa mga pating na nasa loob ng aquarium.

"uwaah ang ganda!" namamanghang komento ko.

tinignan ko si jinyoung, malungkot ang kanyang mga mata pero nakangiti siya sa akin. aba loko, kelan pa naging peyk to?

"may problema ka ba?" tanong ko.

imbes na sagutin ako ay ibinalik niya ang tanong, "may problema ka ba kwini? okay ka lang ba? alam mong hinihintay ka ni jihoon sa sementeryo."

malungkot kong ibinalik ang tingin sa loob ng aquarium.

"hinihintay din ako ni klarence..." malungkot kong dagdag.

"bakit di ka pumunta?" tanong niya. "alam mo bang--"

"oo, magagalit si jihoon. mas mabuti pang ganito nalang" pagpuputol ko sakanya.

tama! para rin ito kay jihoon!

kumunot naman ang noo ng impaktong katabi ko. sinubukan niya atang basahin ang nasa loob ng isip ko pero wala akong pinapaibabaw na emosyong mas malalim pa sa kalungkutan.

"darating din ang time kwini.. baka magsisi ka"

no, hindi ko ito pagsisisihan.



jihoon

maga-alas sais na din sa gabi pero di pa din dumating si kwini. ilang oras akong naghintay at hindi pa nga ako nakakain ng pananghalian at hapunan. nagrereklamo na ang tiyan ko pero di pa din ako umalis. alam kong darating si kwini.

paano pag dumating si kwini dito mag-isa? takot pa naman yun sa dilim. lalo na at nandito pa sa sementeryo.

nilingon kong muli ang puntod ni klarence, "ano tol? bukas nalang ba ang date namin? mukhang gabi na ah- gabi na naman talaga. pero bakit ang tagal ng kapatid mo?"

ako na ata ang nagmumukhang baliw dito. aaminin ko kinakabahan ako dito pero buti at may mga ibang taong dumadalaw sa puntod ng ibang patay. sheez, di ko alam kung kakayanin ko ba pag ako lang mag-isa dito?

nagliwanag ang aking mukha ko nung tumunog ang messenger ko. akala ko si kwini, yun pala si..

bad girl (✔)Where stories live. Discover now