kwini
active 1 hour agojihoon
kwini alam kong ang tagal na mula nung huli nating chat o pag-uusap. siguro iniisip mo na wala akong pake sayo kasi nakaya ko pa ang hindi ka pansinin pero alam mo ba?
na sa tuwing nakikita kita gusto kitang yakapin at sabihan kung gaano kita namiss
tuwing nakikita ko kayo ni jinyoung palagi kong hinihiling na sana ako nalang ang kasama mo sa pagtawa, pag-iyak at sana ako nalang yung kakwentuhan at kapartner ng mga kalokohan mo
tuwing ngumingiti ka at tumatawa, iniisip ko na sana naman ako ang dahilan ng mga yun pero hindi
ilang beses ko nang sinubukan ang lapitan ka pero di ko ginawa kasi ayokong masaktan ka
pero narealize ko na for the past few months, wala akong ibang nagawa kung hindi ang saktan ka at pati ang sarili ko
naging duwag ako alam ko. pero sana naman mapatawad mo ako
kaya kita laging pinagtatabuyan dati kasi pakiramdam ko di ako ang lalaking nararapat sayo. iniisip ko kasi na ako ang dahilan ng pagkamatay ni klarence kaya bakit naman ako magiging karapat-dapat para sayo?
nangibabaw yung guilt ko nung una pero nung dumating si jinyoung sa buhay mo naisip ko na hindi ko hahayaang maagaw niya ang atensiyon mo kaya gusto kong lumaban at ayun nga naging tayo
pero laking gago ko kasi pinakawalan pa ulit kita kasi naalala ko na naman ang tungkol kay klarence
ngayon dahil sa nabasa kong sulat niya dati nagkaroon ako ng lakas na loob. lakas para ipaglaban ang nararamdaman ko para sayo
mahal na mahal kita kwini
kwini is typingkwini
uh.. tapos ka na ba?
may balak ka atang magsulat ng nobela eh
jihoon
kwini
online ka?!
kwini
kanina pa ako naka-messenger pero sinet ko lang offline
so what were you saying again jihoon?
jihoon
mahal na mahal kita kwini
kwini
okay
kwini is typingbuksan mo na ang pinto ng kwarto mo, kanina ka pa nagmumukmok diyan habang ako naman kanina pa nakatayo rito sa labas
kung tungkol sa nangyari nung isang araw. promise hindi ko nakita ang pagkasupalpal mo sa kalsada pfft kaya wag ka ng mahiya sa akin
buksan mo na ang pinto
jihoon
nandiyan ka sa labas ng kwarto ko?
YOU ARE READING
bad girl (✔)
Short Story❝bakit, kung naging mabait ba ako mamahalin mo ako?❞ ❥ park jihoon ⤫ reader ❥ dyosaballsballs trilogy: second shot book cover credits @milkkeuttae started: 100617 ended: 042918