fifty-one

704 28 10
                                    

jihoon

maingat kong binuksan ang pinto ng cr.

wala na bang mga babae at bakla na nanghihingi ng kiss at hug?

pheew, buti naman.

muntikan na akong di makahinga dun ah. pinahid ko ang ilang lipstick na natira sa pisngi ko.

muntikan narin akong mahalikan nung panget at matabang bading kanina. buti nalang talaga at nakatakbo ako.

the good news is, nagkapera ako pero the bad news is.. mukha akong ginahasa.

anong ihaharap ko ngayon sa kanila ni kwini at jinyoung? tsaka nasaan ba sila?

kwini

"bakit parang kabisado mo ang buong lugar? palagi ka ba rito?" tanong ni jinyoung habang kumakain kami ng ice cream.

ang cute niya habang kumakain hahaha.

ngumiti ako sakanya bago ako tumingin sa labas. napabuntong-hininga ako.

"the last time i was here ay yung araw na grumaduate ako sa middle school" mapait kong sagot.

"tagal na nun ah."

"hm. birthday ko rin nung araw na yun"dagdag ko.

he looked at me saying, "sana nakilala kita nung araw na yun."

tumawa ako ng malakas. ayan na naman siya sa kakornihan niya. jusme i don't deserve this guy.

masyado siyang.... perfect.

a perfect bad boy for a bad girl like me.

bigla niyang hinawakan ang dalawa kong kamay tsaka siya tumingin sa aking mga mata.

"anong meron rito kwini? hindi ko sinabi sayo na nahahalata ko pero bakit parang takot ka? may nangyari ba sayo rito dati na hindi mo nagustuhan kaya di mo malimutan?"

oo. hindi ko makakalimutan ang araw na yun. may naranasan akong experience na di ko nagustuhan at..

《 flashback 》

"jihoon! tulong!"

hindi dadating si jihoon kwini, wag mong paasahin ang sarili mo.

nagpatuloy lang ako sa pag-iyak dun habang hinihintay kong matapos na ang stampede.

naririnig ko na ang whistle ng guards at mukhang pinapakalma nila ang tao.

"jihoon.." mahina kong tawag.

ewan. naubusan na ata ako ng lakas para isigaw ang pangalan niya.

nanghihina narin ako.

ipipikit ko sana ang mga mata ko nang biglang may tumawag sa pangalan ko.

"kwini?!"

"kwini sumagot ka!"

"kwini!!"

boses ni jihoon yun. pero nasaan ba siya?

"jihoon!"

"kwini!"

"jihoon!"

"kwini!"

para kaming tanga rito pero sa mga oras na ito ay wala na akong ibang naisip kundi ang tawagin ang pangalan niya.

mga ilang minuto din ang lumipas bago pa tuluyang nahawi ang mga tao.

ilang meters mula sa akin ay natatanaw ko si jihoon na nasa lupa din, dumihan at may mga galos tulad ko.

hindi ko mapigilan ang mapatawa. para siyang narape hahaha. eh kasi naman! yung damit ko hindi naman nasira pero yung sakanya nagula-gulanit. para siyang napagsamantalahan.

it took seconds bago pa man ako nahanap ng mga mata niya. at nung natanaw niya ako ay agad siyang tumakbo palapit sa akin at...

niyakap niya ako.

natigilan ako sa aking pagtawa.

"pinapag-alala mo ako ah. bakit ka ba lumayo?" galit niyang tanong pero naramdaman kong may halo itong kaba at pag-alala.

hindi ko siya sinagot instead ay niyakap ko siya pabalik. i burried my face in his chest at dun ako umiyak.

"natakot ako kanina jihoon. akala ko tuluyan na akong malalayo sayo." para akong bata na nagsusumbong sa nanay.

pinatahan niya ako sabay haplos sa buhok ko. mas hinigpitan niya pa ang yakap.

"hindi na mauulit kwini. hindi tayo magkakalayo ng ganun kalayo."

"pero lalayo ka parin?" dismayado kong dagdag.

"pero hihinto ako at babalikan ka kung nasaan ka man. kaya sana wag kang tumakbo."

"promise jihoon. basta ba bumalik ka."

"promise."

pagkatapos nun ay inalalayan niya ako papunta sa cr.

"linisin mo muna sarili mo, may bibilhin lang ako."

sinunod ko naman siya. pagkapasok ko sa cr, hinugasan ko ang kamay ko at pinagpagan ang damit ko. binasa ko rin ang mukha ko at inayos ang buhok ko.

pagkalabas ko ay nandun si jihoon, naghihintay sa akin.

nung nakita niya ako ay agad niyang kinuha ang braso ko at may dinikit siya rito. isang bandaid para sa galos sa braso ko. at lumuhod siya para lagyan ng bandaid ang magkabilang tuhod ko na may sugat.

tapos ang noo ko naman ang sunod.

i tool that chance para titigan ang mukha niyang puno ng pag-alala.

di ko mapigilan ang mapatawa ulit.

"hahahaha!"

"bakit?" nagtatakang tanong niya.

"ikaw kasi eh. inuna mo pa ako keysa sarili mo. ni hindi ka nga nakapaglinis sa mukha mo. tapos may sugat ka rin kaya. hahahahaha. tapos para kang nagahasa hahahahahaha."

then i saw him pout. hinila ko siya papasok sa cr at ako na mismo ang naghilamos sa mukha niya. pagkatapos ay inabot ko ang plastic na hawak niya. may laman itong ointment kaya binuksan ko ito at inapply sa sugat niya.

"salamat.." namumula niyang sabi.

nginitian ko siya.

"isa nalang ang problema. ang suot mo.."

lumingon-lingon ako sa paligid atsaka ako may natanaw.

isang taong naka-maskot ng winnie the pooh.

"ayoko sa iniisip mo kwini."

bad girl (✔)Where stories live. Discover now