thirty-eight

752 34 33
                                    

kwini

"bawal pong pumasok sa loob ang minor de edad." yan agad ang ibinungad noong bouncer ng bar na pinuntahan namin.

"guanlin at daehwi.." tawag ni jisung kay guanlin. "maghintay nalang kayo sa labas."

"pero hyung-"

"guanlin, daehwi, makinig kayo please naman" pakiusap ni minhyun hyung.

"pumasok nalang kayo sa kotse. make sure to lock the car para safe kayo." dagdag ni mother jisung.

nakasimangot na tumango si guanlin. tumango din si daehwi.

papasok na kami sa entrance nang biglang nagsalita ulit ang bouncer.

"ang titigas ng ulo niyo. sabing bawal ang minor de edad!"

eh?

"sige jinyoung ikaw nalang din-" naputol ang pagsasalita ni sungwoon nung bigla siyang itinuro ng bouncer.

"bakit may elementary student pa kayong dinala?" tanong ng bouncer.

oh. my. ghad.

pfffttt hahaha.

"gago ka ba? sinong elementary student?! upakan kita diyan eh!" nakahanda na ang suntok ni sungwoon pero pinigilan siya nina daniel.

"hyung, kalma lang" sabi ni woojin. it took seconds bago pa naging kalmado ulit si sungwoon.

but lol, natatawa parin ako.

"sorry pero di talaga kami nagpapasok ng bata-"

"yeodora!" nagmulang tinig sa loob.

biglang may lumabas na lalaki mula sa entrance. gwapo at medyo may kalakihan ang katawan. manly yung appearance but by the looks on his face, i can say isa tong fluffy.

"dongho!/dongho hyung!"

at ayun, nagyakapan sila. uh? yung pinakamatagal na nakipagyakapan sakanya ay si guanlin.

hala! paano na ang panwink?

anong meron sa kanila? nakakaintriga ah. humeygerd.

"kilala ko ang mga to, papasukin mo na sila." utos nung dongho sa mga bouncer. di naman ito pumalag.

teka! siya ba ang may-ari ng bar na to?

"akala ko ba si jihoon lang ang pupunta dito? buti naman at nandito rin kayo." nakangiting saad ni dongho.

pero ano sabi niya?

"excuse me lang po ah. nandito si jihoon?" tanong ko.

"oo pero.." mukhang nagtaka siya kung sino ako. eh ako lang kasi ang natatanging babae na kasama ng ugok. may emergency si julia at di naman available si aerry. "sino ka ba?"

"ako ang girlfriend ni jihoon" confident kong sagot.

napatawa ng konti si dongho, "pang-ilan ka sa listahan? pfft-"

minhyun cutted him off, "seryosong relasyon na talaga yung sakanila. walang hiwalayan."

"eh bakit-" tinakpan ni guanlin ang bibig niya. "hyung kwentuhan muna tayo! namiss kita eh." hinatak niya si dongho palayo sa amin.

okay? what was that?

"magpapareserve lang kami ng room para sa ating lahat" paalam ni ong kasama sina minhyun, daniel at daehwi kaya tinanguan lang namin siya.

"ang ganda naman pala rito sa bar ng nuest eh" komento ni jaehwan.

"desente at walang pda masyado" segunda ko habang nililibot ng tingin ang kabuuan ng bar. nahagip ng mata ko ang dalawang tao. "pwera nalang sa dalawang yun eh kulang nalang magkainan ng mukha hahahaha."

tinignan nila ang direksiyon kung saan ako nakatingin. nagkatawanan nalang kami.

pffft, yung babae driver ata eh. nakakandong kasi lmao.

"hoi rated spg, wag kang manood" biglang bulong ni jinyoung in a husky voice.

hala! bakit naging ganyan boses niya? epekto pa ng atmosphere?

ikaw ata spg jinyoung eh!

"kuhanan natin ng video para mag-viral ang mga yan!" suhestiyon ni sungwoon kaya nag-agree agad kami.

gusto ko yung mga ganito eh.

naglakad kami palapit sa babae't lalaking naglalaplapan.

"cellphone ko gagamitin ko kasi hd" sabi ko sabay labas ng cellphone ko.

habang mas lalo kaming lumalapit nagiging intense sila haha. ano nalang kaya ang ihaharap nilang mukha pag nasa internet sila? lol.

bigla akong natisod kaya may nahulog na baso mula sa isang mesa.

natigilan yung dalawang naghahalikan. lumingon sila sa direksiyon namin atsaka ko lang namukhaan ang isa.

naramdaman ko ang dalawang kamay ni jinyoung sa mga mata ko. pero huli na para gawin niya iyun kasi nauna nang nagreact ang mga kasamahan ko.






































"jungkook?!"










ay, joke.









"jihoon?!"

bad girl (✔)Where stories live. Discover now