fifty-five

708 40 50
                                    

kwini

wow naman ang saya. ang saya mamasyal mag-isa. ang saya kumain mag-isa. ang saya manood sa mga taong nasa paligid mo at hindi sila mag-isa. wow naman, masayang-masaya ako eh.

"ang kapal ng mukha mo bae jinyoung! mag-aaya ka ng date tapos iiwan mo ako mag-isa?!"

nakakastress ah. pinatay ko ang cellphone ko dahil una sa lahat, 2% nalang ang battery. kanina ko pa chinachat at tinatawagan si jinyoung pero wala parin. talagang may balak pa siyang iwan ang napakagandang babae na tulad ko rito mag-isa?

habang nakaupo sa bench, naisipan ko nalang na magbilang ng mga tao na dumadaan sa harap ko.

bwisit! wala na kasi akong pera. di tuloy ako makakabili ng pagkain.

"kwini!" biglang tawag sa akin.

paglingon ko ay kumaway agad siya sa akin.

"long time no see.." sabi ni andrea.

"same." tipid kong sagot.

sa mga hindi nakakaalala, isa siya sa mga ex ni jihoon.

"mag-isa ka lang ba?" tanong niya. i was about to answer pero bigla siyang sumingit. bastusan?

"o baka naman may date kayo ni jihoon?" tanong niya. i gave her a bored look.

ipapamukha niya bang ang layo ng narating nila ni jihoon nung sila pa?

"kung wala kang kasama, might as well join us."

hinila niya ako. labag man sa kalooban ko pero hinayaan ko nalang siya. wala akong kasama, wala akong pera. mas mabuti pa kung sumama ako sa kanya.

pumasok kami sa loob ng isang coffee shop. pagkapasok namin ay may grupo ng mga babae ang kumaway sa amin.

and from what i see... kilalang-kilala ko ang mga babaeng nandito.

glaiza, blaire, isabelle, and katie.

ang mga ex ni jihoon nagkasama-sama?!

#squadgoals

"kwini! omg! long time no see!" bati ni isabelle na nakangiti.

bitch please, ayokong makipagplastikan kaya inirapan ko lang siya bilang sagot.

after all, ang bruhang ito ang dahilan kung bakit naospital ako if it wasn't for jinyoung-

naalala ko na naman ang walang hiyang bae jin na yun. nakakastress amp!

"hey kwini, alam kong hindi maganda ang nakaraan namin sayo. we just wanna say sorry."

tinignan ko sila. they look sincere kaya i smile at them, "sorry rin."

"appology accepted!"

at ayun nagkatawanan kami. for an hour, nilibre nila ako ng pagkain at nagkakwentuhan kami. nirecall namin lahat ng kabrutalan ko. ang sama ko pala sa kanila dati. pero dahil wala ng hard feelings, we just laughed it out.

nilantakan ko yung cake na nasa harap ko. ang sarap kasi haha.

"kwini.." tawag ni glaiza.

"di ka man lang ba nagtataka kung bakit hanggang ngayon walang nananakit o naghiganti sayo kahit marami kaming mga ex ni jihoon na sinaktan mo at pinahiya?" she asked.

oo nga naman. bakit ba?

i just answer her with a shrug. nakita ko ang sabay nilang pagngiti ng nakakaloko.

"hindi mo siguro siya napansin." sabi ni katie.

huh?

"all this time, di naman one-sided ang feelings mo eh. kahit kami yung naging girlfriend ni jihoon, ikaw naman ang pinuputok ng butsi niya. 'nakakainis talaga ang kwini na yun''ang tigas ng ulo ni kwini''palagi nalang akong sinusundan ng kwini na yun''paano pag mapahamak si kwini sa kakasunod sa akin'- yan palagi eh." ani blaire.

"ang rason kung bakit ayaw ka ng mga babae ni jihoon dati ay hindi dahil masama mong pakikitungo. ang tunay na rason nun ay... nagseselos kami at naiinggit sayo kasi kahit di sabihin ni jihoon, alam naming crush niya lang kami at ikaw talaga ang gusto niya" dagdag ni andrea.

"kaya hindi namin magawang pahigantian yun ay dahil nakiusap sa amin si jihoon. he begged us not to hurt you. tapos yung nangyari sayo nung naospital ka, nagalit si jihoon sa akin ng lubos. muntikan na niya akong masaktan pero he stopped himself kasi he respects me" kwento ni katie.

talaga lang huh? wow. wala akong masabi. should i believe them? pero baka palabas lang nila 'to para paghigantian ako sa mali kong mga ginagawa.

"hindi na ba kayo galit?"

"nah, nakamove on na kami kay jihoon. tsaka naisip kong para tayong bata pag ganun hahahaha" ika ni isabelle.

"tsaka may mga boyfriend na kami kaya wala kaming pake kay jihoon lol."

bahagya akong napangiti. who would have thought na ganito pala ang sasabihin nila?

all of a sudden tumayo si glaiza, "honey!"

tinignan ko ang direksiyon kung saan sila nakatingin.

may limang lalaki ang pumasok sa loob ng coffee shop and if i was not mistaken, sila yung isa sa mga pinakasikat na heartthrobs sa kabilang school.

taeyong, mingyu, jungkook, felix and mark.

don't tell me boyfriend sila ng limang babaeng 'to?

"babe, ito pala si kwini. siya yung babaeng kinukwento namin sa inyo."

"ah yung babae ni jihoon?" tanong ni taeyong. shookt si ako, ang gwapo nila sa malapitan.

"nice to meet you." halos magkasabay naming sabi.

"speaking of jihoon.... nakita ko siya kanina na dumaan dito." sabi ni mingyu.

NANDITO SI JIHOON?!

bad girl (✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon