Eros Dawsonne --------------------------->Magkasunod ang kotse namin ni Majesty na tumigil sa tapat ng HQ. Pagkababa namin ay yun naman ang pagdatingan ng tatlo. Magkakasama kaming pumasok sa loob ng HQ. Bawat mga tauhan na madadaanan namin ay bumabati at yumuyuko. Huminto ako sa tapat ng pinto ng opisina namin. Tinapat ko ang kamay ko sa biometric scanner at agad na bumukas ang pinto.
Bumungad sakin sila Kuya Pierce, Xavier (kuya's bestfriend), daddy at tito Hector. May kung anong sinasabi si kuya Pierce habang nasa monitor ang atensyon. Tumuloy kaming lima papasok at naupo sa mga bakanteng upuan. Naramdaman ko ang tension sa loob at ang seryosong mukha nila lahat habang nakikinig sa sinasabi ni Kuya Pierce. He was discussing about the illegal weapon of Mr. Lim. Napag-alaman naming may pasekreto itong yatch na tuwing gabi lamang umaalis patungong beijing na naglalaman ng mga malalakas na firearm.
Habang nagsasalita si Kuya Pierce sa unahan ay hindi ko naiwasan na muling maalala ang nangyari kanina lang. Hanggang ngayon, ay isa pa ring katanungan para sakin kung ano ang ginagawa ni Eros sa building na iyon. Gusto kong isipin na may kinalaman sya sa mga carnal killers or worst baka isa sya sa kanila, pero parang impossible naman. Masyado syang mahina at lampa. Ilang beses ko syang nakikita na binubully at sinasaktan ng mga lalaking estudyante sa eskwelahan dahil sa pagiging weirdo nya. ilang beses ko narin syang tinulungan dahil halos mamatay na sya sa bugbog. Kung talagang isa sya sa mga carnal killers, dapat ay naghiganti na sya pero hanggang ngayon, buhay na buhay pa naman iyong mga taong bumugbog sa kanya.
Napabuntong-hininga ako at muling tinuon ang atensyon kay Kuya Pierce.
"Recently, after we conducted a research about carnal killers, we finally found something interseting."
"Malaki ang posibilidad na tauhan sila ng Ferocious group."- bahagya akong nagulat ng marinig ang sinabi ni Kuya.
"Ferocious? Thats impossible. Matagal ng napabagsak ni Kuya Lander (my daddy) ang mga mafias."- saad ni tito hector.
"Yun ang alam natin tito, pero posibleng may nakatakas sa kanila. Remember, ferocious lamang ang mafia na gumagamit ng markang bungo sa mga napapatay nila. Look at this.."- may pinakita si kuya Pierce na dalawang marka sa monitor.
"Nasa kanan ang marka ng ferocious, samantalang nasa kaliwa naman ang marka ng carnal killers."- pinakatitigan namin ng maigi ang dalawang marka at halatang iisa lamang ito. Walang pinagkaiba.
Narinig ko ang pagsinghap ni tito Hector, ganon din sila Kayleigh at Alice.
Kaya pala ang hirap hulihin ng mga carnal killers dahil tauhan sila ng ferocious. No wonder.
Ferocious group ang pinakamahirap na mafia na pinabagsak ni daddy 12 years ago. Mukhang nagpalakas sila ulit. Ang akala nami'y walang natira sa kanila pero mukhang may nakatakas sa kanila. Napag-alaman ko din na si daddy mismo ang nakapatay sa pinuno nila na kilala sa bansag na Lord A, Anton Stewart ang buong pangalan nito. Nang mapatay iyon ni daddy, inakala namin na wala ng natira sa kanila pero mukhang nagkakamali kami.Nang matapos ang meeting ay napagdesisyonan namin na muling bumalik sa eskwelahan. Palabas na kami sa HQ ng mapansin ko ang nagtatawanan na sina Xavier at Kiara (my first cousin. Only daughter of tito Hector.)
"Mukhang close na close sila ah."- nakataas-kilay na sabi ni Clarity.
"Akala ko ba, nagconfess si Xavier sayo nung nakaraang buwan."- saad naman ni Alice at tumingin sakin.
Nagkibit-balikat lang ako at tumuloy na sa paglalakad. Totoong nagconfess si Xavier sakin ng feelings nya, pero nakikita ko lamang sya bilang isang kuya at kaibigan. Palabas na kami sa pinto ng HQ ng tawagin ako ni Kiara.
BINABASA MO ANG
Against the Rules (UNEDITED)
Action#180 in ACTION (Highest rank achieved) Miracle Saavedra - Her family owns huge agencies of secret agent in the philippines. And for that reason, she decided to followed the path of her parents. She was trained since she was a child. Until she...