"Ugh! It's too tight."- narinig kong reklamo ni Clarity sa tube dress nya. It's a purple tube dress. Alice is wearing a creamy white long gown. (Mom told her to wear that instead of a dress dahil isa sya sa magiging emcee.) Majesty is wearing a golden color dress na mas lalong nagpatingkad sa maputing balat nya. She's glowing in the dark. Kayleigh is wearing sea blue dress. While me is wearing a pastel pink dress with a glitters of diamond.
Natawa ako at inayos ang medyo nagulong buhok ni Clarity. Maagang nagsimula ng party kaya kanina pa kami paparoon at paparito para mag-entertain sa mga nagsisidatingan na bisita. Napansin kong mostly sa mga naririto ay nasa field ng work ni daddy.
"Damn heels."- napatingin kami kay Alice na ngayon ay bakas sa mukha ang pagkainip. Sya at si Xavier ang naatasan na maging emcee sa program. Ang alam ko ay hindi din naman ito magtatagal. may ibang plano pa kami once na umalis na ang mga bisita.
Pinakilala lang naman kami sa simula ng program, ganon din ang hidden shadows. This party will serve as the celebration of heavens agent and hidden shadows unity. And.. Im happy about it. Tanaw ko mula sa kinatatayuan ko ang mesa na kinauupuan nila daddy, mommy, tito Hector at Mr. Dawsonne kasama pa ang ibang mga bisita ni daddy. They were happily talking to each other. Napangiti ako at bumaling kay Clarity.
"Nasaan na sila?"
"Nasa pinakadulong table malapit sa pool. Kasama nila dun sina Majesty, Kayleigh at kuya Pierce.- sagot ni Clarity.
"Punta na rin tayo dun. Tapos ka na ba?"- tanong ko kay Alice.
Tumango naman sya.
"Yes. Andun na nga yata si Xavier eh..""Then, we'll go there."- ani ko at nauna ng naglakad patungo sa pool.
Papalapit pa lang ako ay naririnig ko na ang mga tawanan nila sa mahabang mesa. I'm surprise to see na ang bilis lang nila nakasundo si kuya Pierce. Napangiti ako habang pinagmamasdan sila. They all look good in their suit and tux.
"Hey there ladies and gentlemen."- nakangiting bati sa kanila ni Clarity at naupo sa tabi ni Kayleigh.
"Finally, nandito narin kayo."- ngumisi si kuya Pierce at tumingin sakin. "Sit beside me little sis."- at tinapik ang upuan sa tabi nya kaya diretso akong naglakad palapit roon. Bale, pinagigitnaan nila akong dalawa ni Eros. Kaharap ko naman si Majesty na katabi din si Caius at sa tabi naman ni Xavier umupo si Alice sa pinakadulo.
"F*ck this formality. Ang awkward, kailan pa ba to matatapos."- reklamo ni Gypsy.
"Pang-squatter ka kasi dude, kaya ganyan."- natatawang sabat ni Aiden.
Humagalpak silang magkakaibigan including kuya Pierce and Xavier. Kaming lima naman ay napangisi.
"Kingina mo! Yang alagang ibon mo talaga ang mananagot sakin."- saad ni Gypsy at tinuro ang ibon na nakapatong sa balikat ni Aiden.
"Wengya! Bakit nyo ba laging dinadamay si pia ko? Tara sapakan nalang tayo."- asar na sabi ni Aiden kaya mas lalong lumakas ang tawanan.
"Ingay nyo mga g*go! Mahiya nga kayo."- sabat ni Caius at binato ng tissue paper ang dalawa.
"Sabi kasi sa inyo, makinig kayo kay Caius. Santo yan eh!"- Natatawang sabi ni Kinsley at nakipaghigh-five pa kay Casper.
"Saint Caius for priest."- saad ni Archer na mas lalo naming ikinatawa.
"Wengya! Parang kandidato lang."- Ani Gypsy sa gitna ng pagtawa.
"kingina nyo! Tigilan nyo ko."- asar na sabi ni Caius at pinagbabatukan ang apat.
Lumipas ang ilang oras na puro pang-aasaran lang ang ginawa nila. I'd never thought na ganito pala sila kasayang kasama. Mas lalo pa silang umingay ng magsialisan na ang mga bisita. Sila daddy nalang ang natitira sa table nila at nag-iinuman habang nag-uusap pa din pero nasa kabilang bahagi sila ng mansyon. Hindi rin nagtagal ay umalis na sina kuya Pierce at Xavier para bumalik sa HQ kaya kaming lima nalang naiwan kasama ang hidden shadows. Nagsimula na rin kaming mag-inuman, ayaw pa sana kami payagan ng mga hidden shadows pero talagang mapilit sina Alice, Clarity at Kayleigh kaya nag go-with-the-flow nalang kaming dalawa ni Majesty.
BINABASA MO ANG
Against the Rules (UNEDITED)
Action#180 in ACTION (Highest rank achieved) Miracle Saavedra - Her family owns huge agencies of secret agent in the philippines. And for that reason, she decided to followed the path of her parents. She was trained since she was a child. Until she...