Chapter 6

610 71 20
                                    

Inis akong lumabas mula sa interrogation room. Pesteng carnal killer iyon, hanggang ngayon ayaw pa din magsalita. Pinahirapan na't lahat-lahat pero nagawa pang mang-asar, muntik na nga syang mapatay ni kuya Pierce dahil sa pagsakal buti nalang at naawat namin ni Xavier.

"Oh ano ng nangyari don sa carnal killer na nahuli mo? Ilang araw na syang ini-interrogate ah?"- salubong sakin ni Clarity.

Bumuntong hininga ako at humalukipkip.
"Wala pa rin. He remained silent. Masyadong matindi ang loyalty."

"Mukha nga. Patayin na lang kaya natin yon. Kabanas eh!"- saad ni Kayleigh at naglakad patungo sa pinto ng interrogation room, agad naman syang hinila pabalik ni Alice.

"Tumigil ka nga. Baliw nito."

Nilingon ko si Majesty na tahimik lang  sa tabi ni Clarity at mukhang malalim ang iniisip. Kung hindi ko lang to nakikita, hindi ko talaga mararamdaman ang presensya nya dahil sa sobrang tahimik.

"Oy Majesty! Okay ka lang?"- nag-snap ako ng kamay sa harap nito kaya't napatingin sya sakin.

"Huh?"- mukhang nagulat pa yata sya sakin.

"Tulala ka kasi dyan. Mukhang may malalim na iniisip."- sabi ko at Sinuri sya ng titig. Umiwas naman sya ng tingin at tumikhim.

"I'm okay."- tipid na sagot nito.

Nagkatinginan naman kaming apat na parang naguguluhan sa inaasal ngayon ni Majesty. Sanay kaming lagi syang tahimik pero iba ngayon, mukha syang balisa.

"So ano ng gagawin natin ngayon?"- tanong ni Alice.

"Hmm.. Wala na akong stock ng lollipop kaya lalabas ako para bumili."- sagot ni Kayleigh na ikinailing namin. Tao pa kaya to? Hindi manlang tinatablan ng diabetes.

"Sa opisina lang ako, marami pa akong gustong alamin."- saad naman ni Clarity.

"May lakad ako today, just call me guys if something happened."- mahinang sabi ni Majesty at naglakad na palabas ng HQ.

"Eh ikaw Miracle? Gusto mo shopping tayo?"- baling sakin ni Alice.

Tumingin ako sa kanya at bahagyang ngumiwi. Wala ako sa mood gumala.

"Next time nalang siguro. Tinatamad ako ngayon, gusto ko lang magpahangin sa labas."- ani ko.

"Eh di kayo na may kanya-kanyang plano. Maka-shopping na nga lang mag-isa."- bakas ang pagtatampong sabi ni Alice.

Napailing nalang ako at nagsimula ng maglakad palabas ng HQ. Nag-init masyado ang ulo ko kanina sa pagtatanong doon sa walang kwentang carnal killer na iyon. Kaya kailangan kong ipagpahinga muna ang sarili ko.

Minaneho ko lamang ang kotse ko papunta sa kung saan. Katamtaman lang ang bilis nito, binaba ko din ang hood para maramdaman ko ang bawat hampas ng hangin.

Huminto ako ng makarating ako sa isang parang outdoor restaurant. Napansin kong marami ang mga customer roon, madalas ay magpamilya o di nga couples. Maganda kasi ang ambiance. Tahimik at malayo sa high way. May mga puno pa sa paligid na pwedeng silungan. Bawat mesa ay may malaking payong para hindi mainitan ang mga kakain.

Napagdesisyonan kong dumito muna pansamantala. Nagpark ako sa ilalim ng isang puno at bumili na rin ng inumin. Sumandal ako sa backrest ng upuan habang nagmamasid sa paligid. Nakaka-relax ang bawat dampi ng hangin.

Tumagal din siguro ako ng mga kalahating oras bago ko napagdesisyonan na umalis na. I was about to start the engine of my car ng mahagip ng paningin ko ang tatlong lalaki na naglalakad hindi kalayuan sakin. Pare-pareho itong nakasuot ng itim na pants at itim na jacket, maliban lang sa isang lalaki na may suot na white v-neck undershirt. Umayos ako ng pagkakaupo at tinitigan ang isang may suot na white shirt.





Against the Rules (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon