Nagising ako kinaumagahan na bahagya pang pumipintig ang ulo ko sa sakit. Mahina akong napaungol at hinilot ang sentido ko. Unti-unti akong dumilat at natanaw kong mataas na ang sikat ng araw na tumatagos mula sa glass window. Nilibot ko ang paningin sa paligid at napagtanto na nasa loob ako ng aking sariling kwarto. Hindi ko na maalala kung paano ako nakarating dito kagabi. Nag-unat ako ng braso at napagpasyahan na bumangon na.. Pero biglang namilog ang mga mata ko ng mahagip ng paningin ko ang taong nakasandal sa pinto ng kwarto ko at mataman na nakatingin sakin. Mabilis akong napabalikwas at kumurap ng ilang beses dahil baka epekto lang ng hang-over ang nakikita ko.
"E-eros.."- i breathed.
Nanatili lang syang nakatitig sakin. He looks annoyed kaya umiwas ako ng tingin at binaba ang paa ko sa sahig pero hindi ko mahanap ang tsinelas ko. I heard him "tss" at umalis mula sa pagkakasandal. Pinagmasdan ko syang lumapit sa study table ko at hinila mula sa ilalim nun ang tsinelas ko.
Agad akong nag-iwas ng tingin ng lumingon sya sakin. Damn his eyes! Gustong-gusto ko iyong titigan pero para din akong nanghihina tuwing nakatingin sya sakin. Mula sa gilid ng mata ko ay nakita ko syang naglakad palapit sakin at niluhod ang isang tuhod sa sahig. Kumabog ng malakas ang dibdib ko ng maramdaman ko ang marahan nyang paghaplos sa paa ko. Kasabay ng pagbaling ko sa kanya ay naramdaman kong sinuotan nya na ang kaliwang paa ko ng tsinelas.
"Ang tagal mo magising."- bagot na sabi nito at sumimangot, which is i find him more cute.
Napangiti ako habang pinagmamasdan syang inaayos ang pagkakasuot ng tsinelas ko sa paa. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko para yumuko at hinalikan sya sa noo. Ramdam kong natigilan sya, huli na ng mapagtanto ko kung ano ang ginawa ko. Mabilis akong nag-iwas ng tingin ng dahan-dahan syang mag-angat ng mukha. Mariin akong napapikit, masyadong nakakahiya ang ginawa ko. Gusto kong batukan ang sarili ko ng ilang beses.
I bit my lower lip when i heard him chuckled. Mas lalo akong nakaramdam ng hiya. Tanaw ko mula sa peripheral vision kong binaba nya na ang paa ko at tumayo. Samantalang nanatili lang akong nakatingin sa kabilang bahagi.
"Eyes on me saavedra."- it was like more a command. Mababa lang boses nya pero may kung ano doon at kusang sumunod sa gusto nya ang sarili ko. Hanggang ngayon ay nababakas pa din sa mga mata nya ang amusement. Nakipagtitigan ako sa kanya at habang tumatagal ay para akong kakapusin ng hininga. Sumeryoso ang mukha nya at biglang umigting ang panga. Umiwas sya ng tingin at umatras.
"Wash your face first and we'll go downstairs. Kanina pa sila naghihintay."- malamig nyang sabi. Para naman akong natauhan at mabilis na tumayo.
"Uh- ganon ba? O-okay. I'll just frenshen up."- damn! Im stuttering.
"I'll wait for you."- aniya pero hindi ko na sya nagawang tingnan pa. Dire-diretso akong naglakad papasok ng banyo. Agad akong napasandal sa pinto, pagkasara ko. Damn this heart of mine for beating so fast. Saglit akong namahinga para pakalmahin ang sarili ko bago kumilos para maghilamos.
Gaya nga ng sabi nya ay sabay kaming bumaba sa living room. Nadatnan kong kumpleto na sila doon. Maiingay na ang hidden shadows. Halatang pare-pareho kaming may mga hang-over lahat. Nakasubsob pa ang mukha ni Kayleigh sa mesa, si Clarity naman ay nakaupo sa tabi ni Majesty at nakapikit pa. Samantalang tahimik lang si Alice sa isang single sofa. Mabilis na hinanap ng paningin ko si Casper at nakita ko syang nakaupo sa tabi ni Gypsy na naghihilot sa sariling sentido. Nakalimutan kong may issue pa nga pala ang dalawang to kagabi. Bigla nalang naging awkward pagkatapos ng dare ni Alice kaya naparami ang inom namin.
"P*ta ang sakit ng ulo ko"-reklamo ni Caius at sumandal sa sofa.
"Ang sakit ng katawan ko, anyare ba?"- ani Archer, na ikinatawa ng mga kaibigan nya. Mukhang may ginawa nanaman silang kalokohan.
BINABASA MO ANG
Against the Rules (UNEDITED)
Action#180 in ACTION (Highest rank achieved) Miracle Saavedra - Her family owns huge agencies of secret agent in the philippines. And for that reason, she decided to followed the path of her parents. She was trained since she was a child. Until she...