Chapter 8

561 63 5
                                    

"Ahh.. Shit! Ang hapdi pa ng mga sugat ko."- reklamo ni Kayleigh habang nakahiga sa sofa.

"Magpasalamat nalang tayo atleast nabuhay pa tayo."- sabat ni Alice na ngayon ay nakaupo sa single sofa at may yakap-yakap na unan.

Mabuti nalang at nakatawag kami agad kagabi sa Head quarters kaya agad naagapan ang lason bago tuluyang kumalat sa loob ng aming katawan.

"Well, thanks to that guy in cloak. Kung hindi dahil sa kanya, annyeong world na sana tayo ngayon."- saad ni Kayleigh.

Napatango naman kami. Oo nga, kung hindi dahil sa kanya napatay na kami kagabi ng mga carnal killers. Pero bakit nya nga ba kami tinulungan?



"What was his name again?"- tanong ni Majesty.





"Frost."- sagot ni Clarity na kakapasok palang ng kwarto ko at hawak-hawak ang tablet.







"He is an individual gangster. A solo one. Without a group."- dugtong ni Clarity at umupo sa kama ko.



"Gangster sya? Pero bakit nya tayo tinulungan?"- tanong ni Kayleigh.

Nagkibit-balikat lang si Clarity.
"Ayon sa impormasyon na nakalap ko. Nagsimula sya 10 years ago. Isa din syang binansagan na legendary and victorious gangster. Never pa syang natalo sa kahit anong underground battle. Marami ang gustong kunin sya noon at isama sa mga grupo nila pero wala syang sinalihan. Lahat ng mga taong napapabilang sa underground world ay kilala sya. He is quite known because of his cruelty."- saglit na huminto si Clarity sa pagsasalita at tumingin samin.

"Mobster called him. Brutal, demon, cold-blooded and merciless. Sya lamang ang bukod tanging gumagamit ng itim na cloak at kusarigama."- dugtong nito at sumandal sa headboard ng kama ko.

"But 6 years ago. Bigla nalang sya nawala at hindi na nagpakita pa. Kaya ang labis na nakapagtataka, eh kung bakit bigla nalang sya lumitaw ulit ngayon at tinulungan tayo."

"Kaya nga eh! Kaibigan ba natin yon? Kilala nya ba tayo?"- nalilitong tanong ni Alice.

"Yun ang hindi natin alam but im pretty sure, may dahilan sya kung bat nya yun ginawa."- saad ni Clarity.

Napabuntong-hininga nalang ako at inayos ang pagkakasandal ko sa headboard ng kama. Lately, nalilito na ako sa mga nangyayari.



May isang hidden shadows na tinulungan ako.




May nakita akong lalaki na kamukha ni Eros.





At tinulungan kami ng isang legendary gangster na nagngangalang Frost na matagal ng nawala.




Enebe? Hindi na yata to kakayahin ng precious braincells ko.. T_T



Teka, may nakalimutan pa nga pala ako. Tumingin ako sa kanilang apat na parang may malalim na iniisip.

"Teka, hindi ba kayo nagtataka kung paano nalaman exactly ng mga carnal killers ang mga plano natin?"- tanong ko dahilan upang mapabaling silang apat sakin.

"Oo nga! Nakapagtataka din yun eh! Para bang fully prepared sila sa mangyayari."- sang-ayon ni Kayleigh.

"Feeling ko nga para tayong sinet-up kagabi eh!"- sabat ni Clarity.

"Pero impossible naman, maliban sating lima sina tito lander, tito hector, xavier at kuya pierce lang naman ang nakakaalam."- saad ni Alice.

"Kaya nga nakapagtataka diba? Paanong nakapaghanda sila ng ganon kung tayo-tayo lang naman dito ang nakakaalam.. Ano sa tingin nyo ang ibig sabihin nun.."- ani ko at isa-isa silang tiningnan.

Ngumisi ako at pinagkrus ang dalawang braso sa dibdib.

"Omo! That cant be."- gulat na reaksyon ni Kayleigh ng mapagtanto ang ibig kong sabihin.





SOMEONE'S POV

Prenteng nakaupo lang ako sa isang upuan habang pinagmamasdan ang mga heavens agent na naglalakad paparoon at paparito.



Hindi ko mapigilan ang hindi matawa.







Kaawa-awang mga nilalang.



Kahit hanapin nyo kami ng hanapin, hindi nyo kami basta-bastang makikita.



It's hard to find someone who doesn't want to be found.



Lalo na kung ang hinahanap nyo ay lagi nyo namang nakikita't-nakakasama.









Kung hindi lang sana biglang naki-alam iyong Frost kagabi, sanay tapos na ang mga plano namin.


Pero di bale na, nakakawalang gana din naman kasi kung sa ganoong paraan lang magtatapos ang lahat.



Mas nakaka-excite ang laro, kung challenging ang kalaban.

Against the Rules (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon