MIRACLE POV
"Mukhang busy yata kayo ngayon kuya? May panibago ba kayong mission?"- tanong ko habang inaayos ang mga notes ko sa loob ng bag.
Nalipat ang atensyon ni kuya Pierce sakin mula sa binabasa nyang mga dokumento.
"Sort of. Isang napakahirap na misyon."Natigilan ako at tumingin sa kanya. Maski sina kayleigh at Majesty ay napatingin din kay kuya.
"Is that about ferocious?"- tanong ko.
Nagkibit-balikat si kuya Pierce at muling tinuon ang pansin sa mga papers na hawak.
"You can say that."
Napatango nalang ako at isinara ang zipper ng backpack ko.
"Aalis na kami."- paalam ko at sinukbit ang backpack ko sa balikat.
"Okay. Make sure to take care of yourselves."- bilin nya.
Tinanguan ko sila Majesty at Kayleigh at sabay-sabay kaming lumabas mula sa opisina. Narinig kong nagpaalam din silang dalawa kay kuya Pierce bago tuluyang umalis.
Mas maagang pumunta sila Clarity at Alice sa school dahil miyembro ng broadcasting team si Alice. Hindi naman pwedeng sya lang mag-isa ang pupunta sa eskwelahan kaya sinamahan na sya ni Clarity.
"Hindi kana bumalik kahapon? San ka pumunta?"- narinig kong tanong ni Kayleigh kay Majesty.
"Sa apartment lang. Natulog."- walang ganang sagot ni Majesty.
"Buong araw talaga?"- hindi makapaniwalang tanong ni Kayleigh.
Bahagya ko silang nilingon dahil nahuhuli sila sakin at nakita kong natigilan si Majesty at parang nairita sa mga tanong ni Kayleigh.
"Oo buong araw."- mariin na sagot ni Majesty at nagpatiuna na sa paglalakad.
Napailing nalang ako at napangiwi naman si Kayleigh.
"Ang sungit talaga."- nakangusong sabi ni Kayleigh. Natawa nalang ako habang sinusundan ang mabilis na hakbang ni Majesty.
Tinapik ko sa balikat si Kayleigh.
"Tara na, baka kanina pa tayo hinihintay nila Alice at Clarity."- ani ko at sabay na kaming naglakad papasok sa building."In love, never put yourself in a situation, where you dont know what you are to a person. Never expect and never assume. So that, if they decide to drop you out of their lives, you have enough strength to move on.."
Natigilan kami ng marinig ang boses ni Alice.
"Have a great morning everyone. This is yours truly.. Alice Itzel Concepcion."
"Damn! Ano yun? May pinanghuhugutan ba sya?"-natatawang sabi ni Kayleigh.
Natawa lang din ako at nagkibit-balikat.
"Mukhang tapos na sya. Sa room nalang siguro tayo magkita-kita."Tumango si Kayleigh.
"Sa tingin ko nga."Instead na tumungo sa broadcasting room ay tinahak namin ang daan papuntang classroom.
"Nauuhaw ako, sasaglit muna ako sa canteen."- saad ni kayleigh.
"Sige. Mauuna nalang ako."- ani ko at tinanguan sya.
Mukhang tumuloy si Majesty papunta kina Alice. Hindi ko kasi sya natanaw dito sa kahabaan ng hallway. Impossible namang nakarating na sya sa classroom.
Mga ilang rooms nalang ang agwat ko sa classroom namin ng mahagip ng paningin ko ang isang babae na umaakyat sa hagdan. Kumunot ang noo ko at natigilan.
YOU ARE READING
Against the Rules (UNEDITED)
Action#180 in ACTION (Highest rank achieved) Miracle Saavedra - Her family owns huge agencies of secret agent in the philippines. And for that reason, she decided to followed the path of her parents. She was trained since she was a child. Until she...