MIRACLE POV
The next morning ay mas inagahan ko ang pagpunta sa eskwelahan. Ang alam ko kasi maaga syang dumarating kaya inabangan ko sya malapit sa gate. Gusto ko syang makausap.
Inayos ko ang pagkakasuot ng coat ko dahil ramdam ko ang lamig kahit hindi naman malakas ang ihip ng hangin. Sabagay, makapal pa kasi ang hamog sa paligid. Plus na maiksi ang skirt uniform namin, mabuti nalang at lagpas tuhod ang medyas na suot ko.
Iilang estudyante pa lang ang nakikita ko dito sa loob ng eskwelahan. Mahigit kinse minutos din akong naghintay bago ko natanaw ang lalaking nakayuko na pumasok sa entrance ng gate at halos hindi makita ang mukha dahil sa buhok. Kinakabahan man ay pilit kong nilakasan ang loob ko at humarang sa daan nya.
Huminto ito ngunit hindi nagtaas ng mukha. Lumiko sya at naglakad patungo sa ibang direksyon, pansin kong papunta ulit ito sa likuran ng auditorium kaya agad din akong sumunod sa kanya.
Sumandal sya sa pader at tumingala sa langit pagkarating namin sa kung saan sila nag-uusap kahapon.
"Do you have something to say?"- mahinang tanong nya.
Saglit akong nag-alangan pero hindi ako maliliwanagan kung hindi ko malalaman.
"Gusto kong itanong kung bakit nyo ginagawa to?"- seryosong tanong ko.
Nang hindi sya sumagot ay nagpatuloy ako.
"May mga batas naman kung saan dapat ay managot ang mga taong nagkakasala kaya bakit nyo pa ginagawa ang mga bagay na tulad nito? Bakit hindi nyo nalang ipaubaya samin si Gov. Cortez?"
Nagbaba sya ng mukha mula sa pagkakatingala at walang gana akong tiningnan.
"Akala ko nagkakaintindihan na tayo kahapon Saavedra pero mukhang hindi pala."- malamig nyang sabi.
"I'm not obligated to answer your question nor to explain. Kung gusto nyo kaming pigilan. Then go on."- umalis sya mula sa pagkakasandal at naglakad na paalis.
Bago pa man sya tuluyang makalayo ay nagsalita ulit ako.
"Bakit mo ako tinutulungan?"
Natigilan sya ng marinig ang tanong ko at lumingon sakin. Pansin ko ang pagbakas ng amusement sa mga mata nya na para bang may nakakatuwa sa tinanong ko. Umangat ang sulok ng labi nya hanggang sa napangisi sya.
"I have my reasons Miracle."- aniya at tuluyan ng naglakad palayo.
That's the first.
Ito ang unang pagkakataon na binigkas nya ang pangalan ko.
I don't know. But it sounds different.
"Since we are talking about computation, lets deal with the very basic calculation first."
Kasalukuyan na kaming nasa loob ng klase ngayon. Panaka-naka akong sumusulyap sa likuran at napaka-casual lamang ng mga kilos nila, hindi mo talaga aakalain na may kaugnayan sila Caius kay Eros. Nanatiling tahimik at nakayuko si Eros sa pinakadulong upuan samantalang panay naman ang pag-uusap ng anim.
"Mr. Vasquez."
Nalipat ang atensyon namin kay Gypsy ng tawagin sya ni Mrs. Romero.
"If you have 10 lollipops and someone asks for 2. How many do you have left?"
"10."- tamad na sagot ni Gypsy. Bahagya kaming natawa dahil talagang ayaw nya magbigay.
"Ok, well what if somebody forcibly takes two of the lollipops. How many would you have left then?"- tanong ulit ni Mrs. Romero.
"10 and a dead body."- tamad na sagot din ni Gypsy. Tuluyan na kaming natawa, habang pinapanood ang mukhang namumula ni Mrs. Romero na para bang hindi alam kung matatawa ba o magagalit. Handa talagang makipagpatayan si Gypsy lalo na kapag lollipops ang pinag-uusapan.
"Wengya! Lupet mo dude."- nangibabaw ang tawanan ng mga kaibigan nya.
Naiiling na bumalik si Mrs. Romero sa teachers table sa gitna at nilapag ang hawak nyang libro. Tumingin ulit ito samin pagkatapos ayusin ang mga gamit at attendance sheet nya.
"As what you have known, nagkaroon ng seminar si Maam Fuentes kaya ang mga school works nyo para sa kanya ay sakin nya pansamantalang iniwan. Tungkol sa Narrative report. you have to pass it tomorrow, You'll be given until 5 pm."- saad ni Mrs. Romero. Rinig ko ang pag-ungot at samut-saring pag-angal ng mga kaklase ko dahil sa narinig. Kailangan pa silang patahimikin ni Mrs. Romero para matigil.
"Sinabi nya rin na ang task tungkol sa gaganapin na Mr and Ms Campus will be given to muse and escort. By the way, who's the muse and escort here?"- tanong ni Mrs. Romero at nilibot ang paningin samin lahat. Napatingin naman kami kina Caius at Majesty na nagsitayuan.
"Sa inyo iniatas ni Maam Fuentes ang pamamahala sa mga magiging contestant sa gaganapin na event. Kung may gusto kayong itanong, puntahan nyo lang ako sa office ko."- mahinahong sabi ni Mrs. Romero.
Dinampot nito ang mga gamit mula sa mesa at bumaling saming lahat.
"That's all for today, you are all dismissed."Nag-unat unat muna ako bago inayos ang mga gamit ko at pinasok sa loob ng backpack ko. Palabas na kaming lima sa classroom ng marinig ko ang boses ni kuya Pierce mula sa suot na hikaw ko.
"Miracle tumuloy kayo sa hospital pagkatapos ng klase nyo?"
Natigilan ako at binundol ng kaba dahil sa narinig.
"Hah?! Bakit kuya? Anong nangyari?"- natatarantang tanong ko.
"Tinambangan ang team nila Gladys papunta sa hideout ng ferocious group na natuklasan namin kailan lang. Hindi nga namin maintindihan kung pano nangyari to, kung paano nila nalaman ang mga ginawa naming hakbang."- bakas ang pagkadismaya na sabi ni kuya. Bigla naman akong nakahinga ng maluwag, nag-aalala man ako para sa mga kasamahan namin pero atleast ligtas sila kuya.
"Kamusta na sila?"- tanong ko.
"Medyo malubha pero ginagawa naman ng mga doctors ang kaya nila. Dito ko nalang ipapaliwanag ang buong nangyari pagkarating nyo."- sagot ni kuya Pierce.
"Sige. We'll be there in 10 minutes."- ani ko.
Nilingon ko silang apat na parang naguguluhan sa mga pinag-usapan namin ni Kuya Pierce.
"Pupunta tayong ospital."- sabi ko sa kanila at nagmadali sa paglalakad.
"Huh? Bakit? May nangyari ba?"- tanong ni Alice at humabol para mapantayan ako.
"Sa ospital na ipapaliwanag ni kuya, bilisan nalang natin."
BINABASA MO ANG
Against the Rules (UNEDITED)
Action#180 in ACTION (Highest rank achieved) Miracle Saavedra - Her family owns huge agencies of secret agent in the philippines. And for that reason, she decided to followed the path of her parents. She was trained since she was a child. Until she...