Chapter Eleven

18.6K 631 127
                                    

******

Kahit na isang oras na akong stuck
sa traffic, hindi parin yon magiging dahilan para magbabago ang mood
ko.

Ikaw ba naman ang magising sa umaga na nakayakap ka sa taong pinapangaral mo, ewan ko na lang kung hindi ka makarelate sa nararamdaman ko ngayon.

Kung hindi ko lang talaga kailangan yung laptop ko ngayon, mas nanaisin ko pang mag limlim muna sa init ng katawan ni Miss Tin.

After ng 2 hours na biyahe na dapat
ay 1 hour lang, narating ko din ang bahay namin, nakita ko pa ang sasakyan ni Zeus sa garahe.

Muntik ko ng makalimutan na may tampuhan nga pala sila ni Miss Tin
last night, nauna na kasi kong
matulog sa kanya.

Halos hindi ko na nga namalayan
na katabi ko na sya sa higaan, kundi
ko pa naramdaman yung malambot
nyang katawan na nakayakap ako.

Shit na alala ko na naman yung almost wet dreams ko.

Habang pababa na ko sa kotse ko, nakita ko namang naglalakad na si Zeus palapit sa kotse nya.

Medyo nagulat sya nung makita nya
ko, pero bumalik din ang seryoso nyang awra habang nakatingin sa
gawi ko palapit sa kanya.

Ramdam ko yung galit sa mukha
nya, habang papalapit ng papalapit
na ko sa kanya, pero hindi ako nagpasindak.

"Kuya" Bati ko sa kanya sabay beso
na din.

Tumingin sya sakin na para bang inuuri nya ako. Nakipag titigan lang din ako sa kanya at hinihintay ko
kung anong gusto nyang sabihin.

"Alex pumayag ako sa plano mong mapalapit ulit sa fianće ko dahil
alam kong yon ang makakapag pasaya sa kanya, pero hindi
kasama sa mga pinag usapan
natin na agawin mo sya sakin."

Talagang binigyan nya ng diin ang salitang fianće. Pero kalmado parin
ako dahil alam ko namang hindi ko ginagawa yung binibintang nya.

Hindi pa sa ngayon.

"Zeus relax ka lang dyan, wala pa
nga akong ginagawa kay Miss Tin, saka hindi ko sya inaagaw sayo, tumutupad ako sa mga napag
usapan natin."

Mag lalakad na sana ako papasok sa
loob ng bigla nya akong hawakan sa kamay, ramdam ko ang diin doon.

Hindi naman ako nagpadala sa takot, dahil wala pa naman talaga akong ginagawa, lumalaban ako ng patas, hindi katulad nya.

"Alex huwag mong gawin 'to, hindi sya katulad mo."

Para akong bulkan na sumabog dahil
sa mga sinabi nya. Kulang na lang matunaw sya sa mga tingin ko at
ganon din naman sya.

"Bakit hindi mo masabi yung
salitang Lesbian, tibo, tomboy,
kuya, nahihiya ka bang aminin
sa sarili mo na ang nag iisa mong kapatid na babae ay babae
din ang gusto."

Gusto kong maiyak pero hindi ko ginawa, ramdam ko naman na hindi nila gusto na ganito ako lalo na si daddy.

Yung dating daddy's girl ngayon ay parang hangin na lang sa kanya.

Seducing Miss Tin (GxG Completed)Where stories live. Discover now