Chapter Twenty Three

17.4K 517 85
                                    

******

Sa nakalipas na 8 months naging masaya naman ako sa mga kaibigan
ko, especially ngayong nadagdagan
pa kami ng isa.

Lalong naging makulay ang mga
araw na magkakasama kami kapag
nagsisimula ng mag bangayan si
Cassy at Rebecca.

Para silang aso't pusa na pinag
aagawan ang iisang meal nila, nakakainis sa iba pero para sakin natutuwa ako.

May napapansin kasi ko sa kanilang dalawa na tanging ako lang yata
ang nakakapansin.

Kahit busy si Cassy sa trabaho nya nakakagawa parin sya ng paraan
para makausap o makita ako.

Kahit gabi or madaling araw na,
tatawag at tatawag pa sya sakin or sasaglit sya sa bahay ko, para lang
kumain.

Katulad na lang ngayon ala una na
ng madaling araw pero nandito sya,
Kakatapos lang nyang mag shooting para sa teleserya nya.

Naging favorite naming tambayan itong garahe, dito kami madalas kumain kapag pumupunta sya ng alanganing oras.

Para itong bata na isang linggo
yatang hindi pinakain ng nanay nya, dahil sa laki at sunod sunod na mga subo nya sa pagkain.

Inabot ko sa kanya yung isang baso
ng malamig na tubig kahit na hindi
pa naman sya nabibilaukan.

Magaling ng maging handa ako,
just to make sure na maging ok sya, kumbaga parang girls scout laging handa.

"Thanks Mine."

Nakangiti nyang pasasalamat,
tapos ininom na nya yung tubig.
Kita ko kung paano sya naginhawa-
han dahil sa pag inom nyang 'yon.

Ang cute cute nya para syang bata
kung umasta.

Yung tipong hindi mo sya magaga
wang kainisan, kasi bagay naman
sa kanya.

Tapos ang clingy at sobrang sweet, hindi sya mahihiya sa ibang tao na ipakita sa kanila kung gaano sya kaasikaso.

Ibang-iba sya sa mga character na ginagampanan nya sa tv, may pagka bitch kasi yung mga role na ginagampanan nya.

Pero in person kabaligtaran lahat
ng 'yon, kasi sa likod ng camera,
si Cassy ay isang napakabait at
totoong tao.

Hindi ka talaga mahihirapang
magustuhan o mahalin sya kung gugustuhin mo lang talaga.

Sa 3 weeks na lagi ko syang nakakasama sanay na 'ko na lagi
sya sa tabi ko.

Pati yung maganda nyang boses
sa tuwing kausap ko sya sa phone, hinahanap-hanap ko na.

Alam ko medyo may tampo parin
sakin si Rebecca, hindi na kasi sya ganong ka sweet katulad nung dati.

Parang nag bigay sya ng konting
space sa pagitan namin, siguro pinapaubaya nya muna kay Cassy
ang lahat.

Pero alam ko kahit hindi sya mag
salita masaya sya sa nakikita nyang malaking pagbabago ko.

Hindi katulad nung mga nagdaang buwan na lagi lang akong nakakulong
sa loob ng bahay at iyak ng iyak.

Sobra kong na mimiss si Lexa, kapag naiisip ko sya, tumitingin na lang ako sa langit at pinagmamasdan ang mga bituin.

Seducing Miss Tin (GxG Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon