Chapter Thirteen

16.5K 557 93
                                    

******

"Le-lexa seryoso ka ba sa sinasabi
mo? baka isa na naman 'to sa mga biro mo ha."

Pero imbes na sagutin nya yung
tanong ko, tumingin na naman ito
sa mga bituin na akala mo'y nandon ang sagot sa mga tanong 'ko.

Alam ko naman talaga na seryoso
sya sa mga sinasabi nya, gusto ko
lang talagang malaman kung bakit
nya 'ko nagustuhan.

I mean babae ako? Babae din sya?

"Miss Tin, naaalala mo pa ba yung
mga sinabi ko sayo 11 years ago."

Kunot noo akong napatingin sa
mukha nya, habang nag lalakbay
ang mga alaala ko nung 9 years
old pa lang sya.

Nakaharap na sya sa 'kin ngayon,
at lalong naging seryoso ang mukha, todo isip parin akong iniisip yung
mga napag usapan namin noon.

Gosh wala talaga akong maalala, bukod don sa sinabi ko sa kanya
na lalaki syang maganda.

"Hindi mo matandaan no?"

Nahihiyang umiling na lang ako,
kesa pilitin ko pang alalahanin
yung mga nangyari 'non.

"You told me na kapag nag dalaga
na 'ko, lalaki akong maganda at madami ng manliligaw sakin."

Sumilay na sa labi nya yung maganda nyang ngiti, siguro ay sinasariwa nya yung kabataan nya.

Tama nga ako sa naisip ko kanina, pero anong promise yung sinasabi nya?

"Pero bago mo sabihin sakin 'yon
Miss Tin, sinabi ko muna sa'yo na,
Kapag lumaki na 'ko pakakasalan
na kita."

Halos malaglag yung panga ko pagkasabi nya 'non, hindi ako makapaniwala na seryoso sya sa
mga sinasabi nya sakin nung bata
pa sya.

Ang buong akala ko kasi ay dala
lang 'yon ng musmos nyang pag iisip
at ng kabataan nya.

9 years old na bata nakakaisip na
agad ng kasal-kasal at sa babae pa.

Hindi ko alam kung anong tamang sagot, ang isasagot ko sa kanya,
nabigla talaga ako sobra.

Importante sakin si Lexa at alam
ko sa sarili ko na gusto ko din sya.
At aaminin kong masaya akong
kasama sya kahit nung dati pa.

Pero hindi ko alam kung ano nga
bang klaseng pagkagusto itong nararamdaman ko.

Naranasan ko ng mahalikan sya,
pero hindi parin naman ako sigurado na gusto ko din sya in a romantic way.

Bukod pa 'don kapatid pa sya ng
lalakeng mahal ko at pakakasalan
ko.

"Le-lexa ba-bata kapa 'non, ang
akala ko sinasabi mo lang 'yon
kasi wala kang kalaro at feeling
mo lalake't babae tayo."

Gusto ko maging magaan lang yung pag uusap namin, yung hindi kami parehong ma ha-hassle sa sagot
namin pareho.

Gusto ko mild conversation lang ganon.

Lumaki akong iisa lang ang pananaw ko sa buhay, at hanggang ngayon yun parin ang pinaniniwalaan ko.

Lalake't babae lang ang dapat na nagmamahalan, dahil dalawa lang ang kasariang nilikha ng Diyos.

Seducing Miss Tin (GxG Completed)Where stories live. Discover now