Chapter Fifteen

18.2K 544 85
                                    

******

"Babe sure ka ba na gusto mo 'kong isama sa family dinner nyo?"

Halata sa boses ni Rebecca ang pag aalala, pero mas halata ko sa boses
nya ang excitement.

"Yes babe sure na sure ako,
ikaw yung mag sisilbing lakas ko 'don"

Honest kong sagot sa kanya, tapos inihilig ko pa yung ulo ko sa balikat nya.

Hindi sya umimik, nakatuon lang
yung paningin nya sa harap ng tv.

After kong makausap si Zeus kanina, hindi na 'ko nakatulog ulit, uminom
na lang ako ng gamot para sa sakit
ng ulo.

Tinawagan ko agad si Rebecca,
sinabi kong kailangan ko sya ngayon. Hindi naman ako nagdalawang salita
at umo-oo agad sya.

Naligo muna ko habang hinihintay
ko syang makarating, para maging maayos din ang pakiramdam ko
kahit konti.

"Sure ka na ba talaga? Baka mag walk-out ka 'don, mahahalata ka
ng kuya mo."

Sabi ulit nya na nasa tv parin nakatingin, napabuntong hininga
na lang ako, at iniisip kung tama
nga bang makipag kita 'ko sa kanila mamaya.

"honestly hindi ako sure kung kaya
'ko ng harapin si Miss Tin, pero kakayanin kong maging pormal sa harapan nilang lahat lalong lalo na
sa kanya, basta babe alalayan mo lang ako."

"Ok."

Tipid nyang sagot, tapos biglang tumawa. Comedy kasi yung palabas kaya nagtawanan na lang kami.

Nalimutan ko din kahit sandali
yung agam-agam ko, natuon kasi
yung atensyon ko kay Rebecca at
sa pinapanood namin.

Nung nabili ko 'tong condo sya agad ang nakaalam. Nung una, ayaw ko sanang sabihin sa kanya kung saan
ako nakatira pero mapilit sya.

Nakailang reject na kasi 'ko sa pag
aaya nya saking makipag date, wala naman kasi ko sa mood kasi nga broken na broken ako 'non.

Tapos nag kataon na langong-lango
ako sa alak nung tinawagan nya 'ko, kaya nasabi ko sa kanya yung address ko.

The next thing i knew nasa harapan
na sya ng pinto ng condo 'ko at kumakatok.

Nung nakita ko sya nung gabing 'yon pakiramdam ko nagkaroon ako bigla
ng kakampi kahit na hindi ko pa naman sya lubos na kakilala.

Not bad na din, kasi naging karamay 'ko sya sa mga hinaing ko sa buhay, nasabi ko sa kanya yung feelings ko
kay Miss Tin.

Sabi nga nila na mas mabuti daw na mag kwento ka ng mga problema mo
sa hindi mo kakilala.

Nakakagaan daw ng pakiramdam after.

Nung narinig nya yung mga hinaing
ko sa buhay, na shock sya kasi sa dinami-dami naman daw ng babae
sa mundo bakit sa iisang babae pa
kami nagmahal.

Pero nung ikinuwento ko sa
kanya simula nung bata pa lang ako,
na si Miss Tin na yung mahal ko,
naintindihan nya din ako.

Ang pinagtataka lang daw nya kung bakit hindi sinabi ni Zeus kay Miss
Tin na magkakilala kami dati.

Kasi ayon naman daw sa kwento ko, alam ng kuya ko yung feelings ko sa fianće nya dati pa.

Kahit ako napapaisip din kung bakit hindi man lang inulit ni Zeus 'yon
kay Miss Tin lalo pa't naikuwento ni Miss Tin sa kanya dati 'yon.

Seducing Miss Tin (GxG Completed)Where stories live. Discover now