Chapter Twenty Nine

19K 471 78
                                    

******

Masasabi kong sa pag-uusap namin
ni KC, doon ko mas lalong nakilala
ng lubusan si Lexa.

Bukod sa talagang ma-kwento sya marami yata syang baon na sense
of humor.

Kabaligtaran nung unang araw na nagkita kami, ibang-iba sya sa KC
na 'yon.

Marami syang naikwento sakin about sa pagkabata nila ni Lexa, at sa bawat kwento nya lagi akong nandon.

Yung isang linggong pananatili nya
sa manila talagang sinulit namin,
lagi kaming magkakasamang tatlo.

Pinakilala ko rin sya sa mga friends
ko, at mukhang na gustuhan nya si Cassy dahil sa panay ang pag papa-
cute nya dito.

Pero never nagpakita si Cassy ng interes sa kanya, lagi lang itong tahimik sa isang sulok everytime
na magkakasama kami.

Napag desisyunan namin ni Lexa na mag beach, tamang-tama naman na may ninong syang may ari ng isang beach resort.

Makakapag relax din kami and
para makapag celebrate narin sa
mga magagandang nangyari sa
buhay namin.

At para makapag bonding na rin kaming magkakaibigan. Of course kasama na rin 'don si Zeus.

Masasabi kong ok na ok na kami pati
sa daddy nila, yun nga lang medyo nahirapang tanggapin ng matanda.

Hindi lang daw nya masyadong maunawaan na yung dalawa nyang anak ay parehong nagmahal sa iisang babae.

Pero soon alam naming matatanggap nya rin kami ng buong-buo katulad
ng pagtanggap ng pamilya ko sa relasyon namin.

Hindi naman lahat ng tao makaka-
intindi sa ganitong klase ng relasyon,
at kahit nga ako'y nahirapang umamin sa sarili ko.

Hindi mo naman kailangan e-please ang lahat ng tao para lang maging pabor sila at tanggapin ka nila.

Ang importante kayong dalawa
ang nagkakaunawaan, dahil kayo
ang magsasama sa iisang bubong.

Nagsimulang mabuo ang plano
naming 'to nung mapansin namin
na ilang araw ng matamlay si Cassy.

Bali-balita sa television at sa news
na hindi daw umano nito sinisipot
ang mga interview nya pati narin
ang mga shooting.

Kapag naman tinatawagan ko sya laging ok lang ang sagot nya, yung
alam mong ayaw talagang makipag-usap, panay ang iwas.

Wala naman akong magawa
kundi tapusin na rin ang usapan.

Tapos kapag pumupunta naman ako
sa condo nya, pinapapasok nya nga
ako pero hindi naman nagsasalita.

Bihirang-bihirang ibuka ang bibig,
na parang ang lalim-lalim ng iniisip, hindi ko naman sya mapilit na mag salita.

Feeling ko pa nga parang bumalik
sya sa dati nung mga college pa
kami.

Alalang-alala talaga ako sa mga kinikilos nya pati ang trabaho nya napapabayaan na nya.

Ayokong nakikita syang ganon,
hindi ako sanay... gusto ko witty
parin sya.

Seducing Miss Tin (GxG Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon