Chapter Twenty Five

21.7K 664 250
                                    

******

SPG Alert...

"Shut up and kiss me"

Naghahamong sabi ko.

Yung pulang-pula nyang pisnge
na akala mo'y rosas ay parang mas
naging mapula pa sa tingin ko.

Hindi nya din siguro akalain na 'yon
ang sasabihin ko, yung kadaldalan
nyang taglay kanina biglang nawala.

Napalitan 'yon ng pag tataka na
akalay mo'y first time nyang maka-
rinig ng ganong salita sa buong
buhay nya.

Nanatili parin syang nakatayo
at pinagmamasdan ako, halos hindi
ako makatingin sa kanya ng maayos.

Pakiramdam ko unti-unti akong
nanghihina sa paraan ng pagkaka-
titig nyang 'yon.

Lalo syang gumaganda sa paningin
ko habang napapagmasdan ko sya
ng matagal.

Hindi ko sukat akalain na meron palang ganitong nilalang na nilikha
ang diyos.

Kung may mas gaganda pa sa mga
Goddess ng Mount Olympus yun
sya sa paningin ko.

Ganon sya kaganda at kaperpekto
sa para sakin...

Hindi ko nga alam kung saang banda nya 'ko nagustuhan, isa lang naman akong simpleng nilalang.

Bigla akong napapitlag nung maram-daman ko yung kamay nya na naka-hawak na pala sa bewang ko.

Hindi ako mapakali sa kinatatayuan
ko dahil lang sa simpleng paglapat
lang ng kamay nya sa katawan ko.

Para na rin nag aalburoto ang mga
organ ko sa loob tyan.

Nagsisimula narin akong maubusan
ng hangin sa katawan dahil sa pag pipigil kong wag huminga.

Napakalapit na nya kasi sa katawan
ko, yung tipong mahihiya ang hangin na dumaan sa pagitan naming dalawa.

Nakatingala parin akong nakatingin
sa kanya, i smell her minty breath
na lalong nagpanginig ng tuhod ko.

Siguro kung hindi nya 'ko hawak sa bewang ko, malamang natumba na
ko sa kinatatayuan ko ngayon.

Nakakapanghina yung presensya
nya, yung mga mata nyang ang
sarap-sarap titigan.

Parang napakarami nyang tanong
at mababasa mo lang 'yon sa mga
mata nya.

She's one of a kind, at kahit kay
Zeus hindi ko sya maihahalintulad.

Sya lang ang may kakayaang maging ganito ako kahina, sya lang ang may kakayahang magpagulo sa dating payapa kong puso.

Yung matagal ko ng pananaw sa
buhay sya lang nagpabago 'non,
sya lang ang nakatibag ng pader na
ako mismo ang nagtayo.

Minamahal ko na pala sya ng hindi
ko namamalayan, dahil busy ako sa pagtupad sa mala fairytale kong
buhay.

Hindi ko namalayan 'yon, mabuti pa
ang mga kaibigan ko napansin nila, lalong-lalo na si Zeus.

Pero ako mismo sa sarili ko pilit
ko pang itinatanggi, madaling
mag deny at sabihing wala ka rin pakialam.

Pero hindi mo maitatangi 'yon sa
body language mo at sa paraan mo
ng pagtingin sa kanya.

Seducing Miss Tin (GxG Completed)Where stories live. Discover now